Chapter 66(IN YOUR ARMS)
ThirdPersonPoV
AFTER 15 YEARS.....
HINDI NA NABILANG NI ANAYA kung ilang taon ng lumipas.
Labing limang taon na pala simula ng iwan sya ni Hector.
Hindi nya na nabilang dahil sa medyo matagal na pala iyon. Hindi nya na nabilang at hindi na na napansin ang panahon at oras ay lumilipas.
Hindi nya pala napansin at nakasanayan na lamang nyang mabuhay na parang isang robot at manhid na walang pakiramdam. Unti unti na nyang natutunan ang lahat.
Kung babalik pa ito sana bumalik na para sa kanya at sa anak nya pero hindi.
Dahil nakikita nyang malaki na ang anak nya wala paring Hector na nagpaparamdam sa kanya.
Siguro dahil sa tagal na paghihintay nya at siguro ganoon talaga ang buhay parang normal lang na maghintay sa wala ang tulad nya.
Hindi nya napansin ang taon at mga oras at araw na lumilipas sa kanya.
Dahil abala rin sya sa trabaho nya. Ang magtayo ng sariling restaurant dito sa sweden.
Tutok sya sa trabaho at sa anak nya lalo nag-aaral ito at gusto nyang mabigyan ng magandang buhay ito sa kabila ng may pera naman.Hindi nya pala napansin ang oras at taon. Nakita nya nya ang sarili na isang 37 years old na may anak.
Ilang taon na pala ng iwan sya ni Hector. Nagtatanong sya sa kanyang sarili kung ilan taon na kaya ito ngayon? Siguro nasa 52 years old na ito ngayon.
Hindi sya sigurado pero ganoon yata. Hindi sya sigurado kung ganoon na ang edad nito.Hindi nya alam kung anong hitsura na nito. Matapos ang labing limang taon na hindi nya ito nakikita.
Kahit sabihin na tanggap nya na wala ito at kung babalik pa.
Naiisip nya parin ang hitsura nito matapos syang iwan at kanya anak.Matapos itong magsulat sa kanya. Matapos ang lahat ng iyon ay walang Hector na nagparamdam sa kanya.
Siguro ganoon talaga ang buhay. Siguro totoo ngang may babae ito at hindi na talaga sya nito mahal.
Bakit mabilis magbago ang nararamdaman nito? Ganoon ba kabilis ang nararamdaman nito sa kanya? At siguro totoo nyang hindi sya nito mahal.MATAPOS ANG maraming taon na iyon. Nagsisinungaling sya sa kanyang sarili kung sabihin nyang hindi na nya ito mahal. Masakit man isipin at naiwan syang luhaan.
Nagsisi na syang nakilala ito at iwan ang puso nyang nagdurusa.
Kahit ilang taon na lumipas parang kahapon lang nangyari. At sa bawat gabi na matutulog sya nakikita nya na lang ang sariling naluluha dahil naalala nya ito.Sabihin nyang wala syang kasing tanga. Sana kung mawala na lang nag nararamdaman nya para kay Hector. Ginawa nya dahil dahil matagal na syang nahihirapan.
Ayaw nyang mahirapan pero ang puso nya parang para sa asawa nya parin.
Nahihirapan sya pero mahal nya ito.Mahal na mahal nya parin kahit maraming taon na ang lumipas.
Kahit abala sya sa trabaho nya. At sa kanyang anak. Ang puso nya kay Hector parin. Kung saan man ito naroon gusto nyang sabihin na mahal nya ito. Ayos na kahit wala ng babalik dahil tingin nya tanggap naman ng kanyang anak at hindi nagtatanong kung nasaan ang ama nito.
Malaki na pala ang kanyang anak. Hindi nya napapansin dahil binatilyo na ang nag-iisa nyang anak na lalaki.
Mabuti at hindi naman pasaway sa kanya at masaya sya dahil nakikita nyang maayos naman ang anak nya. Medyo maiinisin lang siguro ito dahil namana minsan sa ama nito pero kahit ganoon.
Kahit ganoon ito ramdam nyang mahal sya ng kanyang anak.
Kahit hindi nya maibigay ang magkaroon ito ng ama.Dahil sa labing limang taon na iyon. Bihira ito magtanong kay Hector. Nawala ang pagtatanong nito ng magkaisip na ito. Hindi nagtatanong sa kanya kung bakit ama na nakikita di tulad ng iba.
Malungkot man isipin pero iyon ang totoo.
Hindi naghahanap ng isang ama ang kanyang anak.
Parang wala na lang itong kinikilalang ama. Kahit ang litrato ni Hector ay minsan nitong nakita.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...