Chapter 65(IN YOUR ARMS)
ThirdPersonPoV
SIGURO TAO LANG TALAGA SYA? TAO lang si Anaya. Ang tulad nyang umaasa parin na bumalik ang asawa nya.
Pero lumipas ang mga araw at buwan wala parin syang nakikitang bulto ng katawan nito. Wala syang alam kung saan nagtungo ang asawa nya.
Wala man lang sinasabi sa kanya ang magulang ni Hector at kapatid nito. Lagi sinasabi na babalik ito pero hindi na lang sya nagsasalita.
Mas mabuti na lang mananihimik na lang kaysa magsalita pa kung ano kahit umaasa parin sya na babalik si Hector.Pero siguro lahat ng iyong ay umaasa lang sya.
Lumipas ang araw at buwan.
May nagbago na talaga. Nakapanganak na sya at hindi umalis sa tabi nya si Hendrick na parang isang kapatid na nag_aaruga sa kanya sa kabila ng lahat na naranasan nya sa kapatid nito.
Pamilya ang turing sa kanya.
Kahit parang magulo na ang lahat. Kahit nasaktan na sya.Ilang nga ang nakalipas. Sinong magsasabi na ayos na sya? Kahit nanganak na sya at walang paramdam ng asawa nya. Nakaya nya kahit malungkot. Nakaya nya kahit sabihin na masakit at malungkot na nanganak na sya at walang ama ng bata ang kakarga dito at hindi man lang nya nakita kung ang mukha ni Hector na kung gaano kasaya na mahawakan ang anak nila.
Siguro? Siguro hanggang doon na lang iyon. Dahil parang ilang araw lang at buwan mabilis ang panahon. Wala talaga dumating. Pero parte sa puso nya maghihintay sya kay Hector dahil mahal nya parin ito kahit hindi sabihin sa iba. Kahit masakit ang nararamdaman pero mahal nya ito. Siguro masasabi nyang panghabang buhay ang pagmamahal nya rito
Lalo na at napapanaginipan nyang lagi nitong sinasabi na mahal sya nito. Kahit panaginipal lang naranasan nyang mahalin sya nito at makasama si Hector.
Sa panaginip sya nagiging masaya habang kasama ito at paggising nakikita nya ang sariling naluluha na lamang.Kahit ganoon. Mahal nya parin ito. Miss na miss nya na ito kung saan man ito at hindi sya magsasawang mahalin ito kahit sa piling man ng ibang babae.
Masaya sya kahit masakit parin. Kahit kapiling man ang ibang babae gusto nyang sabihin na mahal nya ito at hindi magbabago.
Dahil ang puso nya ay nakatali na kay Hector.NAPANGITI na lang si Anaya habang hawak ang kanyang anak.
Umiihip ang malamig na hangin ngunit mayroon papasikat na araw.
Gusto nyang magbilad kasama ang anak nya.
Lalaki ang anak nya na akala nya babae pero lalaki.
Mabuti at naging maayos naman ang kanyang panganganak lalo na at laging andyan si Hendrick. Kahit hindi ito babae lagi itong nag-alala sa kanya kaya minsan binibiro nya ito na parang nanay na nya. Parang kapatid na nga nya ito.
Kahit kailan simula ng dumating ito laging nakabantay sa kanya at lalo na ng kabuwanan na nya dahil sabi nito baka bigla na kang lalabas si Baby ät wala ito sa kanya tabi..Napangiti sya ng matamis.
Nakaupo sila sa upuan kung saan nasa likod bahay lang.
Kasama ang kanyang anak na lalaki.
Maliit pa ito at kakapanganak nya pa lang. Kaya hindi pa ito malaki.
Pinapadede na lang nya sa kanya dahil mas mainam iyon ang sabi ng doctor sa kanya.
Masaya sya at masaya na magkaroon sya ng anak.Kahit hindi man lang nakita ni Hector ang una nilang anak. Naalala nya sabik itong makita ang anak nila pero sa ngayon parang nagbago ang lahat. Wala yata syang aasahan na babalik ito.
Hinawakan nya ang daliri ng anak nya. Napamulat ito ngunit pumikit ulit dahil lagi itong tulog. Siguro ganoon talaga kapag nagpapalaki pa.
Napangiti sya at masaya sya habang nakatitig sa mukha nito.
Kahit anong sabihin kahit sinong makakita sa kanyang anak. Kamukha nito ang ama nito.
Bata pa pero kamukha na nito ang ama nito.Napangiti sya kahit masakit.
Masaya sya kahit masakit. Ano kayang magiging buhay ng anak nya na walang ama? Ano ang pakiramdam na walang amang magisnan? Wala syang magisnan na ina kaya ramdam nya ang lungkot.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...