Chapter 36

183 2 0
                                    

Chapter 36(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Merci beaucoup. To all readers diyan. Wala akong ibang masabi kundi hindi ho ako magaling kaya pasensya kung may mga mali. 😊

ThirdPersonPoV

ISANG LINGGO, isang linggo na napapasin ni Anaya ang hindi pagpansin sa kanya ni Hector. Hindi nya alam kung bakit pero nakikita nya lang ito pero minsan hindi man lang sya nito tingnan parang isang hangin lamang sya. Nagtataka sya kung bakit ganoon pero sa tingin nya abala rin ito. Minsan lang kasi nyang makita ito pero sa tingin nya abala lang? Minsan nyang gustong tanungin at lumapit ito pero nakikita nya lang na may makapal itong libro na hawak at binabasa. Minsan naman nakikita nyang may hawak itong baril na pinupunasan nito. Hindi nya alam kung matatatakot sya pero parang hindi naman na?

Minsan naalala nya na nakita nya ang hawak nitong baril apat na taon ang nakalipas. Ngunit hindi naman sya nagawa nitong saktan ngunit matatalim lang na mga mata.
Hindi nya alam kung bakit nanahimik ito at hindi man lang sya pinapansin.
Hindi nya alam kung bakit? Dahil simula ng sinundo sya nito sa school.

Sinundo sya nito sa school hindi na ito nagsalita pa. Napapansin nya ang pagiging tahimik nito. Minsan nagtataka sya talaga dahil ba sa sinabi ni Brave na tito nya ito? At tinawag nya pang Kuya? At saka ayaw nyang malaman ng iba na may asawa na sya lalo na kung pangungunahan na nya si Hector.

Ayaw nyang aminin sa iba na may asawa na sya. Ayaw nyang malaman ng iba dahil hindi nya alam kung anong magiging reaksyon ng ibang tao. Natatakot sya kung anong sasabihin ng iba dahil alam nya sa kanyang sarili na ipinagkasundo lamang sa isat isa.
Ayaw nyang sabihin sa iba kung baka ayaw naman sabihin ni Hector dahil noon pa man alam nitong maging asawa sya? Dahil noon nakita nya kung paano ito tumingin sa kanya. Kaya naisip nyang iyon ang dahilan.
Pero galit ba talaga ito sa kanya? O baka abala lang ito sa ibang gawain.

Lumabas sya ng kwarto at napatingin sa pintuan ng kwarto ni Hector. Mukhang tahimik ang paligid lalo na at walang ibang tao. Ngayon na wala na si Hendrick umalis na ito at tingin nya magiging tahimik naman ang malaking bahay na ito.

Napabuntong hininga na lang sya bago napailing dahil bakit hinahanap nya ito? Nasanay naman syang wala ito pero nagugulat lang ba sya sa pagbabago nito? Hindi nya alam pero bakit hinahanap nya ang presensya ni Hector.

Minsan lang nyang nakasama simula ng dumating ito. Hinanahap na nya. Bakit ba kasi ganito?

Bumaba sya ng hagdanan patungo sa sala kung saan wala syang ibang naabutan kundi ang ibang kasambahay na naglilinis sa bawat sulok ng bahay.
Napangiti na lamang sya ng tipid ng makita ang mga ito. Gusto nyang tumulong sa mga ito.

"Magandang umaga Senyorita." bati ng mga ito sa kanya.

"Magandang umaga rin po Ate Gilda at Ate Nerissa." bati nya pabalik habang may ngiti sa labi.

"Nasaan po ba si Mom And Dad?."hindi nya maiwasan magtanong sa mga ito. Nakangiting sumagot sa kanya si Gilda.

"Naku nasa labas lang si Sir Augustus at Ma'am Solidad dahil magpapaaraw yata. At maya maya iikot sila sa Hacienda." tugon nito sa kanya kaya napangiti na lamang syang tumango tango na lamang.

"Ganoon po ba?." nasabi na lamang nya dahil may balak naman sya mamaya pumunta sa labas. Dahil gusto nyang umikot habang mag-isa.

"Oo senyorita, bakit? Hinahanap nyo ba si Senyorito? Naku baka nasa kwarto nya pa." sabi ni Nerissa kaya napangiwi na lamang sya ng tipid at umiwas ng tingin.

"Naku Senyorita? Bakit hindi ba kayo nagtatabi ni Senyorito sa pagtulog? Bakit hindi nyo alam? Diba mag-asawa naman kayo?." sabi ni Gilda kaya napaiwas sya ng tingin.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon