Chapter 11

275 0 0
                                    

Chapter 11(IN YOUR ARMS)



Ms.M
Guys, asahan na maraming mali dahil hindi po ako magaling. Hindi perpekto pero aayusin parin. Salamat pala pagbabasa 😁.



ThirdPersonPoV


MALUNGKOT, iyon ang nararamdaman ni Anaya habang lulan ng sasakyan. Kahit ngayon lang sya nakasakay sa ganitong sasakyan na hindi na nya pinapansin. Kahit anong bango sa loob at malamig dahil sa air-conditioned sa loob ng sasakyan hindi nya parin maibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman.

Nakaupo sa loob ng sasakyan. Sa upuan na malapit sa bintana habang nakakabit ang sealbeat habang nakatingin sa labas. Wala syang kasama sa loob kundi walang lalaki na tahimik sa unahan ng sasakyan.
Napahaplos na lamang sya sa kanyang braso habang nararamdaman ang lamig sa loob ng sasakyan.
GUSTO nyang maiyak pero hindi nya magawa dahil ayaw ng kanyang ama na iiyak sya habang wala ito.

Kanina pa sila nakaalis at patungo sa pagmamahay ng kaibigan ng kanyang ama. Nalulungkot sya kahit hindi nya sabihin dahil unang beses nyang mawawalay sa kanyang ama.
Gusto nyang manatili lamang sa tabi ng kanyang ama pero paulit ulit nitong sinasabi na para sa kanya iyon. Para sa kanya iyon at humihingi pa ito ng tawad sa kanya ng hindi nya maintindihan. Pero nauunawaan nya kung bakit gusto ng kanya ama na gawin nga ito dahil para rin sa kanya.

Binigyan pa sya ng konting oras para makasama ang kanyang ama dahil hindi ito bumalik ngunit kinabukasan naman. Ano kaya ang mangyayari sa kanyang ama habang wala sya? Ano naman kaya ang mangyayari sa kanya sa bahay ng ibang tao na ngayon lang nya nakilala? Natatakot sya at kaba ang nararamdaman dahil hindi sya sanay makisama o makihalubilo sa ibang tao at lalong alam nyang mayaman ito.
Pero kahit ganoon mabait naman siguro ang kaibigan ng kanyang ama? Dahil kahit matagal na ngang hindi nagkita pero naalala parin nito.

Napasinghot singhot na lamang sya dahil tumulo na ang sipon na tubig na na galing sa kanyang ilong dahil sa pagpipigil nyang umiyak o maluha pero sa ilong lang pala lalabas?
Gusto nyang umiyak habang nalulungkot dahil una pa lang ang kanyang ama ang kanyang kasama sa maraming taon pero mawawalay lang sya.

Pinahid nya ang tubig na galing sa kanyang ilong bago sisinghot singhot.
Habang nakatingin sa kanilang dinadaan na may mga puno at mga pananim ng kung sino.

"Senyorita? Ayos lang po ba kayo?." tanong ng nagmamaneho sa kanya napatingin sya rito. Nagtataka na lang syang tumingin dito dahil napasulyap ito sa kanya.

"Hindi po Senyorita ang pangalan ko Kuya. Anaya po." ulit nya rito bago tumingin sa labas ng bintana. Dahil paulit ulit nyang naririnig ang tawag na iyon sa kanya at kung anong ibig sabihin mo man niyon.

"Pasenya na po Senyorita ngunit iyon ang pinapatawag sa inyo ni Sir Augustus. Masanay na lang po kayong tawagin kayo ng ganoon." tugon nito sa kanya ngunit sinulyapan lang nya ito bago hindi na lang pinansin at nanahimik dahil wala syang balak magsalita. Nalulungkot lamang sya dahil baka kung anong mangyayari sa kanya kapag ibang tao ang kasama.

Ilang minuto ba o oras ang kanilang ginugol na medyo nangalay na ang kanyang pwet sa pag-upo sa malambot na upuan dito sa loob ng sasakyan.
Hindi na nya napansin dahil lagi nyang naiisip ang kanyang ama basta tumigil na lamang ang sasakyan.

Tumigil ang sasakyan kaya naalarma sya dahil baka iiwan siya ng mga ito.
Bumaba ang lalaking isa at hindi nya alam kung anong gagawin o magtatanong ba sya sa mga ito.

"Narito na po tayo Senyorita.." sabi ng lalaking driver kaya tinanggal na lamang nya ang pagkakakabit ng seatbelt sa kanya. Bago napatingin napatingin sa pagbukas ng pintuan sa tagiliran bago hindi alam ang gagawin.
Basta alam na lamang nya ay bumaba na lamang sya bago nagpasalamat sa lalaking nasa tabi lamang.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon