Chapter 63(IN YOUR ARMS)
Ms. M
Guys hindi po ako magaling asahan na maraming mali makikita. SalamatThirdPersonPoV
Dahil maayos na si Hector at nakakalakad na ito.
Nakikita ni Anaya maayos na nga ang asawa nya.
Nagpaplano pa naman sya nitong pakasalan sa madaling panahon kahit walang bisita. Pero sabi ni Hector balak sya nito ng pakasalan na lang doon sa Sweden dahil naroon naman ang pamilya nito. Kaya sumang-ayon naman sya.
Pero sa tingin nya saka na lang kapag nanganak na sya dahil pangit tingnan lalo na at malaki na ang kanyang tiyan.
Naging maayos naman ang buhay nila. Hindi pa nya kabuhanan kaya nakakapag-aral pa sya. Matagal pa ilang buwan pa iyon.
Masaya naman ang buhay nila sa nakalipas na ilang buwan.
Walang ina ni Hector ang nagpapakita sa kanya.
Walang bumibisita sa bahay na nanay nito para sa anak.
Normal lang ang buhay nila ngunit nawala na ang nagpapadala sa kanya ng mensahe. Dahil sinabi nya kay Hector ang mga bagay na iyon.Hindi sya napapansin nya ang mga bagay bagay. Parang malungkot si Hector pag hindi ito nakatingin sa kanya. Nahuhuli nya minsan. Paminsan minsan na may kausap ito na hindi nya maintindihan.
Salitang hindi nya maintindihan na lagi nyang naririnig dito.Ang sabi nito ay kausap lang nito si Sir Augustus. Kaya hindi sya nag-usisa pa. Lagi nitong sinasabi na kung gaano sya nito kamahal.
Lagi na lang nitong sinasabi. Mas naging matamis ito sa kanya at laging nakangiti sa kanya. Lagi nitong sinasabi na kung gaano ito kaswerte dahil dumating ang Anaya na tulad nya.
Maswerte sya dahil may asawa syang mapagmahal. Kahit hindi naging maayos ang kalagayan nilang dalawa nakaraan lang dahil sa akala nito may ginawa syang masama sa kanilang anak at matapos iyon hindi na 'to nag-usisa sa kanya.
Naging masaya na lang silang dalawa. At pag walang pasok ay namamasyal silang dalawa.Kinikilig tuloy sya sa mga ginagawa nito sa kanya.
Nagbibigay ito ng mga bulaklak araw araw. Sa umaga at ito rin ang nagluluto sa umaga para sa kanya.
Parang bagong kasal lang talaga.
Masaya sya sa buhay na ganito. Kahit silang dalawa sa masayang masaya sya at masaya sya dahil kasama nya si Hector.
Hindi na sya nagsisisi na maging asawa nya ito sa papel kahit dati parang saw ayaw nya rito pero ngayon parang ayaw nya ng mawalay ito sa kanya.
Habang buhay. Kagaya ng sinasabi ni Hector sa kanya ay mamahalin sya habang buhay nito.
Ganoon din sya kahit anong mangyari. Mamahalin nya ang asawa nya at ang magiging anak nya.
Dahil kagaya ng sinabi nito. Lagi nya raw mahalin ang kanilang anak at wag pagbubuhatan ng kamay kung babae man ito o lalaki. Laging iparamdamdan ang pagmamahal na iyon sa magiging anak nila.Masaya sya kahit papano. Kahit maraming plano si Hector para sa kanilang dalawa ng anak nya.
Maraming plano na sinasabi sa kanya na hindi na lang nya pinapansin minsan na parang wala syang katuwang sa magiging anak nila.
Masaya sya sa buhay na kung anong mayroon sya ngayon."Aalis ka ba?." tanong nya kay Hector na makita nyang nakatingin ito sa orasan sa bisig nito.
Napangiti ito bago lumapit sa kanya. Naamoy na kaagad nya ang mabango nitong pabango. Niyakap sya nito habang nakatingin sa kanya."Yes, may kikitain lang ako." tugon nito sa kanya kaya napatango na lang sya bago humiwalay rito.
"Sige, ingat ka na lang." tugon nya rito kaya hinawakan nito ang kanyang mukha.
"Maganda ka parin. You're so beautiful." sabi nito sa kanya kaya natawa na lang sya ng mahina.
"Ewan ko sayo? Alam ko na iyan dahil sinabi mo." tugon nya rito. Kumindat ito sa kanya bago hinawakan ang kanyang balikat.
"Yeah, kamukha mo magiging anak natin. Babae man o lalaki." sabi ni Hector sa kanya bago napatingin sa kanyang tiyan at hinaplos iyon.
Lumapit ito sa kanya bago halikan sya sa labi. Tumugon naman sya rito na parang walang bukas ang halik nito sa kanya lalo na ng hapitin nito. Hingal na humiwalay ito sa kanya at natawa ng mahina.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...