Chapter 47

149 2 0
                                    

Chapter 47(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Thanks to all of you. You know who you are. I have nothing else to say but thank you for your continued support.

ThirdPersonPoV


HIYA ANG NARARAMDAMAN NI ANAYA. Dahil sa tingin nya nakita sila ng mga kaibigan ba ni Hector iyon? Hindi naman sya malapit sa mga iyon pero tingin nya may pag-uusapan lang ang mga iyon. Hiya ang nararamdaman nya dahil naalala nya iyong baka nakita talaga sila nito. Kung paano sya harangan ni Hector dahil nakahubad siya. Hindi nya alam kung may ihaharap pa sya sa mga ito. Alam naman yata ng mga ito na asawa nya si Hector pero ang makitang nakahubad na karga ni Hector hindi nya yata akalain na makikita sila? Bakit ba kasi mayron pumasok sa loob ng bahay? Alam naman nyang may bantay pero pumasok na lang ata kaagad dahil walang sumasagot?

Napasimangot na lamang sya habang naghahanda ng pagkain sa mesa. Hapon na at hapunan na nga pala hindi nya napapansin man lang. Mabilis ang araw mabuti na lang at nagawa nya ang lahat ng ginagawa ng mga katulong dito.
Dito naman sya namalagi ng wala si Hector dahil sinamahan ata ang mga kaibigan nito at alam nyang kararating pa lang. Inis na inis ito sa tingin nya dahil may istorbo raw? Hindi nya alam dahil ba ito sa ganoon?

Napatingin sya ng pumasok si Hector sa loob ng kusina.
Napatingin ito sa kanya ng seryoso at napatingin sa pagkain nasa mesa.

"Kain ka na? Baka gutom ka na yata. Dito na lang tayo kakain? Wag na dining table masyadong malaki iyon?." lahat patanong nyang sabi kay Hector kaya napangiti na lamang ito. Lumapit ito sa kanya at hindi na sya nagulat ng akbayan sya nito at halikan sa kanyang labi. Hinayaan na lamang nya pero humiwalay kaagad ito. Napaiwas na lamang sya ng tingin dahil bakit ang hilig nitong humalik?

"Kahit saan gusto mo. That's fine with me." sabi nito sa kanya at naupo na upuan kaharap ng pabilog na mesa. Hindi nya alam na kung bakit pakiramdam nya ay asawang asawa talaga sya kahit alam naman nya sa kanyang sarili na walang pagmamamahal sa isa at isa. Pero kahit ganoon parang inaayos naman nila ang sa kanilang dalawa.

"Hey? Ano pang hinihintay mo? Let's eat. Mukhang masarap ito." sabi nito sa kanya at napatingin sa dalawang klaseng ulam lang naman. Lahat na lang karne lagi kaya naisip nyang ganito na lang.
Naupo sya sa tapat nito at napalunok na lamang.

"Ginisang ampalaya at pakbet na lang. Hindi na kasi ako nakakain noon." nasabi nya kaya napatango tango ito.

"It's okay. Let's eat. Maganda ito sa kalusugan natin." tugon nito sa kanya na bahagya pang ngumiti.
Hindi nya alam kung anong sasabihin dahil silang dalawa lang. Kapag walang nagsalita sa kanilang dalawa parang walang tao lang.

"Yeah? Yeah. Kain na lang tayo." sabi nya na lang. Konti konti lang ang niluto nya dahil masasayang lang. Silang dalawa lang dito sino naman ang kakain? Mabuti nga at mayroon pang mga lulutuin at hindi sya mahihirapan bumili ng uulamin pa.
Iyong iba diyan gulay galing sa mga magsasaka na ibinibigay sa kanila.

Nagsimula na silang kumain at tahimik lang. Kutsara at tinidor lang ang naririnig nyang ingay. Dahil tahimik naman na si Hector. Naalala nya ang kanyang ama sa ngayon. Siguro alam nyang may pagkain naman doon at hindi naman naghihirap ang kanyang ama pero napapansin nyang konting panahon na lang ang naibibigay nya rito. Wala ng kasamang kumain na minsan silang dalawa lang. Medyo malungkot sa kanya pero ang kailan lang ay bisitahin nya na lang. Nakakaramdam sya ng lungkot dahil sa medyo malayo sya rito.

Tahimik na lamang silang kumain. Panay lang ang kanyang nguya. Na minsan napapatingin sya kay Hector na magana itong kumain. Hindi naman yata masarap ang ulam pero magana? Kahit syang ang nagluluto ng ulam parang hindi nya malasahan kung masarap na ba? Mas gusto nyang luto ng iba kaysa sa kanya.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon