Chapter 6

303 3 0
                                    

IN YOUR ARMS

Ms. M
Typo error, hindi edited at hindi magaling. Libangan lang talaga at salamat po!






ThirdPersonPoV


HINDI ALAM NI ANAYA KUNG bakit hindi nya makalimutan ang sasakyan na iyon. Bakit hindi nya nakalimutan ang sasakyan na iyon na hindi sya nagkakamali dahil parehas na sasakyan iyon noong nakaaraang araw. Ito rin ang sasakyan na muntik ng makabangga sa kanya. Hindi nya alam kung nagkakamali lang sya pero nakita nya ang nasa likod nitong numero. Baka nga lang may pagkakatulad lang?O baka nagkakamali lamang sya? Hindi mawala sa kanya isip ang sasakyan na iyon na parang lagi nyang naiisip iyon. Ilang araw na rin ang nakalipas ngunit lagi nyang naalala iyon. Lalo na ang pagbusina nito at pagtigil sa kanyang harapan na nagulat pa sya. Hindi nya alam kung sino ang nasa loob ng sasakyan na iyon ngunit alam nyang may nakatingin sa kanya na kinilabutan ang kanyang pagkatao. Parang hindi nya alam sa kanyang sarili kung bakit ganoon.

Napakagat labi na lamang sya habang napapatigil habang nagbubunot ng damo dito sa kanilang gulayan.

Hindi nya talaga makalimutan ang sasakyan na iyon.

"Anaya? Mukhang may iniisip ka anak?." napatingin sya sa kanyang ama na nakatingin sa kanya na seryoso kaya napatingin sya rito medyo malayo sa kanya at naglilinis din ito sa kanilang gulayan na itinatanim nila.

"Ho?." taka nyang tanong sa kanyang ama bago napatayo pa pero napailing na napangiti lamang ito.

"Mukhang may iniisip ka anak dahil ba ito kay Arthur?."tanong nito sa kanya habang abala ito sa pagtatanggal ng mga damo sa kanilang gulayan.

Napapunas na lamang sya sa kanyang mukha ng maliit na tuwalya sa kanyang mukha dahil pawisan na pala sya. Bago bumalik sa kanyang ginagawa.

"Pagod ka na ba? Kung pagod ka na pwede ka naman na magpahinga." sabi nito sa kanya kaya umiling sya.

" Hindi pa. Kaya ko pa naman." tugon nya rito.

"Sabihin mo nga anak, mahal mo ba talga si Arthur?." deretsahan nitong tanong ng kanyang ama na hindi sya makasagot dito.

"Pa?." tanong nya pabalik dito dahil hindi nya masagot ito. Ngunit alam nya sa kanyang sarili na may nararamdaman syang kakaiba kay Arthur.

Narinig nya itong natawa na lamang kaya napangiti na lamang sya ng tipid habang hindi alam ang isasagot dito.

"Ayos lang anak kung hindi mo masagot dahil malaki ka naman na at alam mo na ang nararamdaman mo. Ayos lang kung hindi mo masabi sakin basta ang lagi mong tatandaan susuportahan kita kung saan ka masaya.." nakangiti nitong sabi sa kanya kaya napangiti na lamang sya bago bumuntong hininga.

Nakikita nya naman sa kanyang sarili na mabuti naman si Arthur. At sa ilang araw nitong panliligaw sa kanya at napapansin nyang magandang tao.
At alam nya sa kanyang sarili na hindi sya nagsisi na na payagan itong manligaw at baka balang araw sasagutin nya na ito? Hindi naman yata sya nagkakamali sa lalaking tatanggapin nya sa kanyang buhay?

"Salamat pa sa lahat. Alam ko na nag-alala po kayo sa akin pero wag kayong mag-alala na lagi ko pong tatandaan ang sinabi nyo." nakangiti nyang sabi sa kanyang ama kaya  tumayo ito bago sumenyas ito na maupo na muna sa ilalim ng puno kung saan makulimlim at hindi mainit medyo mataas na kasi ang sikat ng araw pero kaya pa naman ng kanyang balat.

Naupo ito sa ugat ng puno bago nagpunas ito ng pawis sa mukha. Ganoon din ang kanyang ginawa bago napatingin sa kanya ama na umiinom na ito.

"Bukas ng umaga aanihin na natin ang mga gulay ng sa ganoon maipagbili na natin sa Bayan. Medyo marami na rin pala ang aanihin na mga gulay. Nagpapasalamat pa rin tayo Anaya dahil kahit paano marami tayong aanihing gulay." nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa medyo katamtamang lawak ng gulayan. Ibat ibang gulay na pwedeng makita sa paligid at ganoon din ang sagingan sa ibang parte.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon