Chapter 32

194 2 0
                                    

Chapter 32(IN YOUR ARMS)




ThirdPersonPoV


NAKAUPO SA UPUAN habang narito sa balcony ng bahay. Habang lagi nyang naiisip kung bakit nagawa iyon ng kanyang ama. Ngayon alam na nya kung bakit nagawa iyon sa kanya ng kanyang ama. Nalaman na ni Anaya ang kasagutan kung bakit nagawa iyon sa kanya. Dahil ba mataas ang pangarap nya? Nag-aaral sya sa pribadong paaralan at alam nyang mahal ang matrikula.
Maraming gastusin kung maaari nagpapaaral sa kanya ang kanyang ama. Sapat nga lang na pera para sa pagkain ang kaya ng kanyang ama

Kaya ba nagawa nitong ipagkasundo sya kahit hindi naman sya namumuhay sa panahon na nauuso iyon? Kaya ba nagawa iyon dahil nagawa nyang maghanap ng bagay na hindi kaya ng kanyang ama. Dahil ang totoo mataas ang pangarap nya.

Mataas ang pangarap nya kaya nagawa ng kanyang ama iyon. Hindi nya alam kung anong sasabihin ngunit parang pakiramdam nya nagkamali din sya sa bagay na iyon.

Kaya pala noong araw ba na naging sila ni Arthur kasal na sya? Kaya pala tingin nya ang halay sa kanya ni Hector noong panahon na iyon dahil alam nitong asawa sya nito? Paano kaya kung nagsumbong sya kay Sir Augustus? Baka hindi talaga sya nito papansinin dahil normal lang iyan?.

Kung sa iba oo pero sa kanya hindi. Dahil kinikilabutan sya ng maalala nya ang panghahalik nito sa kanya. Pakiramdam nya bumabalik sya sa nakaraan.

Tumayo sya bago humarap labas ng bahay. Napatingin sa langit na malapit ng magliwanag o malapit ng magpakita ang araw. Maaga pa ng sya ay magising. Umalis sya sa kwarto ni Hector at hindi natulog doon dahil hindi nya kaya.

"Ang aga mo naman yatang gumising iha?." napalingon syang makita si Ma'am Solidad na seryoso ang mukha nito ngunit masungit ang mukha na nasanay na sya.

Tumabi ito sa kanya habang sya ay tahimik

"Sa tulad naming medyo matanda na hindi na talaga nakakatulog ng maayos." sabi nito sa kanya at tahimik lang sya habang malungkot parin ang puso nya.

"May kailangan po ba kayo?." tanong nya rito.

Tumingin ito sa kanya at tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa.
Hinawakan nito ang kanya balikat at iniharap sya nito. Kaya medyo napayuko na lamang sya at hindi alam kung anong gagawin nito.

Pero iniiangat nito ang kanyang mukha bago inipit nito sa kanyang tainga ang kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.

"Maganda ka iha. Mas lalo kang gumaganda simula ng una pa lang tayong nagkita." seryoso nitong sabi nito ngunit kita nya ang kasungitan sa mukha nito.

Pinagmasdan ni Ma'am Solidad ang kanyang mukha bago muli itong nagsalita.

"Alam kong matalino kang bata at maganda pa. Pero sana sa pagkakataon ito gamitin mo rin ang utak mo. Alam ko ang lahat pero nanahimik lang ako dahil wala ako sa lugar para sabihin na asawa mo si Hector.
Pero sana maunawaan mo kung bakit nagawa iyon ni Augustus.
Ayaw kong pasakitin mo ang ulo nya dahil lang sa ganitong bagay.
At kung hindi mo maintindihan intindihin mo kung bakit. "sabi nito sa kanya kaya napayuko na lamang sya habang nakikinig sa mga sinasabi nito.

"Tingnan mo nga? Kung hindi ka ikinasal kay Hector? Ano ang magiging buhay mo at ang ama mo? Doon ka na lang ba sa bukid at tumingala sa langit ba baka mayroon umabot na swerte? Hindi ka nababagay doon sa bukid dito ka nababagay. Kung hindi ka nakatali kay Hector malamang wala ka sa kinatatayuan mo ngayon. Magpasalamat ka na lang dahil nararanasan mong maging isang prinsesa sa bahay na ito. Kaya kung ako sayo gamitin mo ang utak mo Anaya.. "sabi nito sa kanya habang napapakagat labi sya.
Hindi sya makatingin dito dahil sa mga sinasabi nito sa kanya.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon