Chapter 33(IN YOUR ARMS)
ThirdPersonPoV
"ANO BANG NANGYAYARI SAYO ANAYA? Sis? Bakit parang nakadrugs ka kanina? Parang tulala ka sa hangin at hindi ko alam kung nakahithit ka ng marijuana?." tanong sa kanya ni Brave habang naglalakad sila palabas ng paaralan.
Napabuntong hininga na lamang sya bago inayos ang suot nyang backpack. Dahil iyon ang mas gusto nyang bag dahil madaling dalhin. At hawak ang ilang mga gamit habang naglalakad.
"Uy! Bakit ang tahimik mo?." tanong ni Brave bago humawak ito sa kanya braso kaya napatingin sya rito.
"Huh?.," taka nyang tanong dito kaya napailing na lamang ito at natawa na lamang.
"Alam mo hindi ko alam kung may nainom kang gamot. Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig? Lalo na kanina napagalitan ka pa ni ma'am dahil hindi ka nakikinig at nakatingin ka sa labas ng bintana. Ang tahimik mo na parang may pinagdadaanan ka. Wag mong sabihin na heart broken ka? Bumalik na ba iyong first boyfriend mo?."sabi nito sa kanya kaya napangiti na lamang sya ng tipid.
"Wala. Wag mo na akong intindihin gusto ko lang talaga maging tahimik. Nakakatamad kasing magsalita." Wala sa sarili nyang dahilan bago umiwas ng tingin.
"Baliw? Ginawa ang bibig para magsalita. Bakit ba kasi ang tahimik mo? May problema ka ba? May masakit ka ba? Tingnan mo ang sarili mo mukhang malungkot ka." sabi nito bago hinawakan na lang nito ang kanyang mukha kaya gulat na gulat sya.
"Ano ba?." napakurap kurap sya dahil hinawakan nito ang kanyang mukha bago naniningkit ang mukha nito. Bago pinakawalan sya nito bago nagawa na lamang.
"Wala. Nakita ko sayo na maganda ka pala hindi nagbabago. Siguro kapag nagkaanak ka sis mukhang magandang lahi." natawa ito kaya napailing sya bago napaiwas sya ng tingin.
"Wala akong panahon sa kalokohan mo. Bata pa ako para sa ganyan. Tsk." bago lumakad na lamang na parang walang nangyayari pero sumabay ito sa kanya.
Napangiti pa ito at pasulyap sulyap sa kanya. Habang nakikisabayan na rin sa ibang lumalabas.
"Bakit Anaya?bata ka pa ba? Pwede ka na kayang gumawa ng bata. Naku ilang taon na lang mag-aasawa ka na. Pero ako? I don't know saka lang ako bubukaka kapag sya na talaga ang para sa akin. The right one." sabi nito sa kanya kaya napapikit na lamang sya dahil sa sinasabi nito.
Kung alam lang nito ang kalagayan nya ngayon at hindi nya alam kung sasabihin nya ba? Dahil nababahala pa sya at wala syang balak sabihin iyon dahil hindi naman iyon ginusto.
"Tumigil ka na nga Matapang? Baka marinig na ng iba diyan. Naku ka. Kilabutan ka nga?." natawa ito bago napatingin sa kanya.
Napapabuntong hininga na lamang sya dahil sa sinasabi nito sa kanya. Dahil kakaiba talaga iyon.
"Ganoon? Kapag first time daw kinikilabutan daw ang katawan sis. Jusko." mahina nitong bulong sa kanya bago napangising kumindat sa kanya.
"Pero masarap daw iyon? Na masakit?." mahina nitong sabi sa kanya kaya tumingin sya rito ng masama pero natawa lang ito sa kanya. Bago napatingin sa paligid dahil baka may makarinig sa kanila.
"Matapang? Tumigil ka nga? Iyong bibig mo babae. Kilabutan ka nga? Kung sa akin ayos lang marinig ko pero kung sa iba anong sasabihin? Halay mo?." mahina nyang sabi rito pero natawa lang ito sa kanya.
"Nagsasabi lang naman ako ng gusto kong sabihin. Malay ko sayo? Akala ko ba open minded ka sis?.." natawa iyo sa kanya.
Bago lumakad na lamang habang pangiti ngiti itong napapatingin sa kanya. Parang sira?
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...