Chapter 29

181 4 0
                                    

Chapter 29(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Salamat sa inyong lahat. Asahan na medyo mahaba talaga ito kaysa sa mga nauna. 😄😃Bye!

ThirdPersonPoV

"SIGE NA ANAYA.." sabi sa kanya ni Jasfer habang humahabol ito sa kanya papasok ng school.
Hindi nya ito pinansin dahil mangungulit lamang ito sa kanya.

"Sige na kasi. Ano payag ka na?." tanong nito sa kanya at sumasabay sa kanya sa paglalakad ngunit hindi na lamang nya ito pinansin.

Pero napapikit na lamang sya bago tiningnan ito bago ngumiwi na lamang. Dahil ang kulit nito sa kanya.
Hinawakan sya nito sa kanyang braso ng lakad takbo naman ang kanyang ginawa.

Napapatingin na sa kanila ang ibang tao.

"Uy?payag ka na? Bakit ganyan ka sakin? Iniiwasan mo ba ako?." sabi nito sa kanya. Kaya napatigil na lamang sya bago tumingin dito.
Napabuntong hininga na lamang sya bago napapikit na lamang.

"Ano bang kailangan mo? Bakit ka ba habol ng habol sa akin?." tanong nya kaya napangisi na lamang ito sa kanya.

Hinagod pa nito ang buhok na makapal medyo patayo.
Si Jasfer na laking SIYUDAD ngunit narito sa San Diego dahil dito na tumira ang pamilya nito sa pagkakaalam nya.

"Eh ikaw? Bakit ka pa nagpapahabol sa akin? Nagmumukha na tuloy akong aso pero wag kang mag-alala. Kahit gawin mo pa akong pet payag ako." nakangisi nitong sabi sa kanya kaya napabuntong hininga na lamang.

"Alam mo para kang sira? Noh? Kung wala kang gagawin wag ako dahil papasok na ako sa room namin." hindi nya mapigilan mainis dahil makulit lang talaga ito.

"Uy? Sungit mo naman na? Gusto lang sana kitang yayain mag dinner kasama ng parents ko. Anniversary kasi nila ng kasal nila mommy at Daddy so ano? Payag ka na?.." sabi nito sa kanya kaya napabuntong hininga na lamang sya.

"Hindi ako pwede. Bawal ako. Sorry pero pasensya na talaga.." nasabi na lamang nya pero ngumisi lamang ito sa kanya.

"Ayaw mo lang talaga eh 'no? Sige na ako ang bahala. Alam mo naman minsan lang kitang yayain pero tatanggihan mo pa? Lagi mo na ngang tatanggihan eh." sabi nito sa kanya habang nakangisi.

Napabuntong hininga na lamang sa ulit bago tumingin sa paligid bago tumingin sa kanyang pambisig na relo.

"Late na ako. Saka na lang." sabi nya bago lumakad ngunit hinawakan sya nito sa kanyang kamay bago lumuhod na lamang.
At gulat na gulat syang napatingin kay Jasfer dahil hindi nya alam kung anong ginagawa nito.

"Baliw ka talaga? Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga!." bago napatingin tingin sa paligid dahil may napapatingin sa kanila baka anong isipin ng mga ito.

Nakangisi lamang ito habang hawak ang kanyang kamay. Pilit nyang inaalis iyon ngunit malakas ito.

"Hindi ako aalis dito habang hindi ka pumayag. Alam mo naman nasabi ko na kela mommy at daddy. Sige na pagbigyan mo na ako." sabi nito sa kanya kaya napangiwi na lang sya.

"SIGE na baka anong isipin ng mga tao na na nagpopropose na ako sayo. Anong sagot mo? Yes? Wag kang mag-alala safe ka sa kin." sabi nito sa kanya habang pumikit pikit pa ang mga mata nito.

Napakagat labi na lamang sya bago napilitan tumango bago hinila ang kamay nito.

"Nakakahiya ka? Sige na. Payag na ako. Basta tumayo ka na diyan." tugon nya rito kaya napangiti na lamang ito.

"Talaga? Payag ka na?." sabay tayo nito at parang nanalo ito sa lotto na nagtatalon talon. Hindi nya alam kung anong nangyayari kay Jasfer.

"Oo, kaya mahuhuli na ako sa klase." tugon nya kaya napangiti na lamang ito bago nagulat sya ng yakapin sya nito at halikan sa kanya pisngi.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon