Chapter 51(IN YOUR ARMS)
Ms. M
Medyo mahaba haba pa yata ang ating lalakbayin.
Medyo pahabain talaga dahil sawa na magpalit ng pamagat. Salamat sa inyong lahat.ThirdPersonPoV
GALIT ANG MUKHA NI Hector. Mukhang galit ito habang nakatingin sa kanya. Tumaas naman ang kanyang kilay nya at inis din ang nararamdaman nya para kay Hector.
Nakatingin ito sa kanya na parang sasabog na sa galit nito. Napabuntong hininga na lang syang tumingin sa malayo."Umuwi na tayo Anaya. Sa susunod magpaalam ka kung saan ka pupunta hindi iyong naghahanap ako sayo kung saan ka pumupunta. Wala kang dalang phone. Sa susunod magpaalam ka naman sa akin." sabi ni Hector sa kanya na napapikit na lang ito ng mariin at bumuga ng hangin.
Naging seryoso na ang mukha nito at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ngunit umiigting ang panga nito at seryoso natin ito."Bakit ka pala nandito? Uuwi naman ako." masungit nyang tanong kay Hector.
"Para sunduin ka dahil wala ka yatang balak umuwi ngayon. Let's go home Anaya. Umuwi na tayo." mahina nitong sabi sa kanya.
Napatingin na lang sya sa hawak my nyang orange at napangiti na lang dahil parang gusto nya talaga nitong kumain."Uuwi naman talaga ako. Hindi mo ba nakikita?." sabi nya kay Hector.
Mabuti na lang at binigyan sya ni Arthur ng ganoon. Natutuwa lang sya gusto nyang kumain nito at hindi na sya makapaghintay.
Nagulat sya ng may kumuha ng hawak nyang orange at walang paalam na kinuha sa kanyang kamay at tinapon nito kung saan.
Gulat syang napatingin kay Hector na parang wala lang ito ng tinapon nito ang tatlong orange mula kay Arthur."Bakit mo tinapon?!." sigaw nya na parang maiiyak dahil tinapon nito.
Gustong gusto nyang kumain noon pero tinapon na lang nito kung saan.
Napatingin ito sa kanya at namulsang tumalikod ito sa kanya."Hindi mo na iyon kailangan. Baka malason ka pa." tugon nito sa kanya at lumakad ito patungo sa sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan.
Hindi nya alam sa kanyang sarili pero inis at naiiyak na lang syang sumunod dito.Masakit ang kanyang loob kay Hector habang naluluha na lang. Sumakay ito sa sasakyan na tahimik lang kaya sumunod naman sya. Tahimik lang syang lumuluha at nasasaktan dahil sa pagtapon ng orange na iyon.
Hanggang sa pinaandar na nito ang sasakyan at tahimik lang ito habang sya at nakatingin sa labas at lumuluha. Gusto nyang sigawan si Hector at ayaw nya ang ginawa nito. Bakit nito tinapon?
"Why are you crying? Anaya?." tanong nito sa kanya pero hindi sya tumingin dito.
Bakit nito ginawa? Hindi ba nito alam na gusto nyang kainin?"Sht? Are you crying?." tanong ulit nito sa kanya. Masakit ang loob nya kay Hector dahil lang sa orange na iyon?
"Fine! Kung ayaw mo akong sagutin." sabi nito sa kanya. Naluluha syang tumingin dito at masakit ang kanyang loob kay Hector. Napatingin ito sa kanya habang nagmamaneho ito.
"Nagtatanong ka pa kung bakit? Tinapon mo lang naman iyon mga orange hindi mo ba alam?." sabay tingin sa labas ng bintana at hindi matigil tigil ang kanyang pagluha.
"What the hell? Dahil lang doon?." tanong nito sa kanya kaya tumingin sya ng masama dito.
"Oo! Tinapon mo iyong kakainin ko sana! Gusto ko pa naman kumain noon tas itatapon mo lang?! Nakikipagbiruan ka ba sa akin?! Gustong gusto kong kainin iyon pero itatapon mo lang? How dare you!." sigaw nya kay Hector.
Masama ang loob nya rito dahil sa ginawa nito."What the hell Anaya?Don’t cry just because of those fruits! So I'll buy you some, just don't eat it because you might get poisoned. Whoever the idiot gave you that fruit. Bullshit! Don't cry over that." mukhang galit ito habang sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...