Chapter 12(IN YOUR ARMS)
Ms. M
Hindi edited at maraming mali kaya pasensya! Libangan lang ito. Salamat!ThirdPersonPoV
SA MAGHAPON, Sa unang pagkakataon na makaapak sa bahay na ito ngunit walang magawa si Anaya. Pakiramdam nya ay magiging palamunin lang yata sya rito? Hindi nya alam kung parang hindi nya kayang makisalamuha sa mga tao dito. Lalo na sa taong sinasabing anak ni Sir Augustus. Matanda pa nga sa kanya pero kung umasta na parang bata.
Parang galit sa kanya na hindi naman nya maintindihan. Ngayon lamang nga nya nakita ito ngunit parang ayaw nito sa kanya. Hindi nya alam kung kakayanin nyang makisama sa lalaking iyon na maraming taon yata ang tanda sa kanya. Nakakalungkot lang dahil simula palang ng araw nya parang ganito ba ang magiging buhay nya sa bahay na ito?Kung ganoon man lang mas mabuting umuwi na lang sya sa kanilang bahay. Dahil wala naman kasama doon ang kanyang ama at hindi nya alam kung malungkot ba ito dahil wala sya? Dahil walang makakausap ito dahil umalis nga sa para sa kanyang sarili.
Napangiti na lamang sya ng tipid kahit ang totoo nalulungkot lamang sya. Nakaharap sa bintana na salamin bago napabuntong hininga na lamang. Kahit anong pilit nyang ngiti hindi parin mawala sa kanyang sarili ang lungkot. Hindi nya maiwasan maalala ang kanyang ama.
Ano kayang ginagawa nito sa oras na ito? Kumakain ba ito sa tamang oras?
Napaluha na lamang sya ng hindi nya namalayan bago nagmamadaling pinahid nya iyon dahil ayaw nyang umiyak. Hindi sya iiyak dahil wala syang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili lamang. Dahil walang iba kundi sya lamang na nag-iisa sa bahay na ito. Wala syang kakilala at iba ang mga tao dito. Lalo na ang lalaking iyon.
Ayaw nyang makita at makaharap ang lalaking iyon. Si Hector? Kuya Hector? Kung maaari iiwasan na lang nya ito dahil hindi maganda para sa kanya na makita ang lalaking iyon.
Napatigil na lamang sya ng may kumatok sa pintuan kaya agad syang tiningnan doon. Simula pa kanina hindi sya lumabas para lang wag makita ang lalaking iyon. Baka kung hindi nya mapigilan ang kanyang sarili baka kung anong masabi nya rito.
Laging nagsasalita ng English na hindi naman nya masyadong maintindihan ang iba dahil hindi sya magaling doon. Kung maari mag-aaral pa sya ng konting panahon para makapagsalita naman sya noon.
"Ano po iyon Ate?." tanong nya sa babaeng na ito naman ay si Nerissa ba ito? Ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti na lamang sya ng tipid kahit hindi naman talaga nya ito kilala.
"Pinapapatawag ka po ni Sir Augustus.. Bumaba ka lang halika ka na.. Senyorita." sabi nito sa kanya kaya agad agad naman syang tumango dito bago lumabas ng kwarto.
Pinagsiklop nya pa ang kanyang kamay habang sumunod na lamang sa kasambahay. Gusto nyang maging kaibigan man lang ang mga ito pero hindi nya magawa dahil naiilang lang sya. Bago pa lang sya sa bahay na ito. Papano kaya gumalaw ng maayos dito?
Bumaba sila labas ng bahay. Patungo s likod ng bahay kundi naroon si Sir Augustus na nakaupo sa upuan na isahan lang at maliit na pabilog na mesa.
Wala syang kasamang lumabas kundi tinuro lamang sa kanya.Napangiti si Sir Augustus ng makita sya nito kaya tipid syang ngumiti bago lumapit dito.
"Pinapatawag nyo raw po ako Dad." sabi nya kay Sir Augustus kaya malaki ang ngiti nito sa kanya.
"That's better, mas gusto kong tawagin mo akong dad. Pakiramdam ko may anak na akong babae. You are my daughter." sabi nito sa kanya na may ngiti sa labi kaya tipid na lamang syang ngumiti dito.
"Maupo ka."sabi nito sa kanya kaya naupo sya sa harapan nitong upuan.
Uminom ito ng may kulay na tubig bago tumingin sa kanya."Kumain ka. Alam kong hindi ka pa nagsnack baka gutom ka na at takot ka atang lumabas man lang sa kwarto." sabi nito sa kanya kaya napatigil na lamang sya.
Napangiti lamang itong tumingin sa kanya bago napailing na lamang.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...