Chapter 1

635 3 0
                                    

IN YOUR ARMS

MS. M
Typo error, hindi edited at hindi magaling. Libangan lang talaga at salamat po!






ThirdPersonPoV

Napabuntong hininga na lamang si Anaya habang nakamasid sa kanyang ama na nakatingin sa malayo. Sa medyo malawak na bukid na kanilang sinasaka.
Habang nakaupo ito sa kawayang upuan na nakatayo sa ilalim ng puno.

Napangiti na lamang sya ng tipid bago lumabas ng kanilang maliit na bagay na gawa lang sa kahoy at kawayan.
Napatingin sya sa paligid at nakita nyang umaga na talaga. Medyo malamig ang simoy ng hangin at nag-iingay rin ang mga alaga nilang masok at pato na nakakulong sa labas lang ng kanilang bahay.

Bago tumingin sa kanya ama na nagkakape ito at parang malalim ang iniisip.

"Pa? Kaaga aga naman nakatulala ka naman sa kawalan? Para kang laging may iniisip diyan?." pukaw nya rito habang may ngiti sa kanyang labi bago umupo sa tabi nito.

Napatingin ito sa kanya bago ngumiti na lamang ng malaki at inakbayan sya nito bago halikan ang kanyang ulo bago sya sumiksik sa tagiliran nito.

"Gising ka na pala? Nagulat na lang ako sayo ah." nakangiting sabi nito sa kanya kaya napatingin sya rito.

"Opo pa, nagising ako dahil wala ka akala ko iniwanan mo na ako sanay pa naman akong andito ka sa tabi ko. Napansin ko lang pa? May iniisip ka na naman noh?." sabi nya sa kanya ama pero hinaplos nito.

"Hindi kita iiwan Anaya okay? Lagi mong tatandaan na andito lang ako hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Saan naman ako pupunta? Ayaw ko kayang iwan ang napakaganda kong anak na nakatira sa gitna ng bukid.." natawa pa ito kaya napangiti na lamang sya.

"Uy? Grabe ka pa ah. Salamat. Pero 0a? Malungkot ka pa? Pansin ko lang kasi parang may iniisip kang malalim." tanong nya rito pero napabuntong hininga lamang ito bago umiwas ng tingin bago hinaplos nito ang kanyang mga mata.

"May muta ka pa.. Hindi ka man lang naghilamos dalaga ka na kaya dapat pagkagising sa umaga maghilamos ka kaagad." napabusangot na lamang ang kanyang mukha pero napangiti na lamang ito.

"Pa? Hindi naman iyan ang tanong ko sayo. Iba naman ang sinagot mo. "napanguso pa sya bago sumiksik sa tagiliran ng kanyang ama.

"Wala lang ito anak.. May naiisip lang ako." tugon nito sa kanya kaya napatingin sa mukha nitong kulubot na.

"Naiisip nyo po ba si Mama? Dahil matagal na tagal na rin noong nawala sya diba? Pero wag ka mag-alala pa andito naman ako para sayo. Kahit tayong dalawa na lang.." sabi nya sa kanyang ama bago hinalikan ang labi ng kanyang ama pero napangiti na lamang ito ng tipid.

"Salamat anak.. Medyo matagal tagal na palang wala ang mama mo. Ilang taon ka na nga ba?."tanong nito sa kanya kaya napangiti na lamang sya at ipinakita ang kanyang mga daliri sa kamay.

"Mga labing walong taon na po ako pa okay?.." tugon nya rito pero naging seryoso ang mukha nito bago ngumiti ulit.
Inayos nito ang kanyang mahabang buhok na hanggang baywang bago tinitigan ang kanyang mukha.

"Matanda na talaga ako Anaya kaya hindi ko na naalala. Nakakalimutan ko na. Labing walong taon ka na pala hindi ko lang napapansin ang bilis lang na panahon na simula ng ipinanganak ka ng mama mo." nakita nya ang lungkot sa mga mata nito bago umiwas ito ng tingin sa kanya.

"Sigurado akong kung nabubuhay ang mama mo. Matutuwa iyon dahil lumaki ka na maganda bata at kamukha kamukha mo pa ang mama Sonya mo. Sayang at hindi ka man lang nya nakitang lumaki.." sabi nito sa kanya kaya nalungkot sya sa sinasabi ng kanyang ama.

Ramdam nya ang lungkot sa boses nito. Dahil alam nya ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang ina dahil sa pagpanganak sa kanya. At dahil medyo matanda na ang kanyang ina hindi na nakayanan pa sa edad nito para iluwal pa sya.
Alam nyang gaano kahirap ipinanganak sya sa mundong ito. At sa loob ng labing walong taon hindi man lang nya nayakap ang kanya ina at hindi man lang nya nakita ang mukha nito dahil namatay na ang kanyang ina dahil sa pagpanganak.
At ang kanyang ina pa ang nagpangalan sa kanya sa pangalang ANAYA na sagot sa matagal na hiling na sana magkaanak ang kanyang mga magulang at sya ang bunga.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon