Chapter 5

274 3 0
                                    

IN YOUR ARMS

Ms. M
Merci beaucoup! Wala akong masabi kundi salamat sa pagbabasa nito. At asahan na maraming mali at hindi po ako magaling., ; )



ThirdPersonPoV


Kaba ang nararamdaman ni Anaya ng makitang magkausap ang kaniyang ama at si Arthur sa labas ng kanilang bahay habang sya ay hindi alam ang gagawin dahil baka sinabi nito ang pakay.
Hindi tuloy sa mapakali ng umaga ng napadaan si Arthur o sinadyang pumunta sa kanilang bahay para kausapin ang kanyang ama.
Nakasilip siya sa bintana habang nakikita nyang seryoso ang mga ito habang nag-uusap. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya dahil sasabihin na ba nito? Hindi nya alam sa kanya sarili kung bata pa ba talaga sa para magkaroon ng karelasyon? Dahil alam nya sa kanyang sarili na hindi naman nya papayagan na manligaw sa kanya si Arthur kung wala itong pag-asa. Dahil alam nya sa kanyang sarili na may paghanga sya rito. Pero paghanga lang ba? Basta masaya sya kapag kasama ito. Masaya sya dahil nakikita nya ang kaibigan nya lagi?napamahal na yata sya kay Arthur ng hindi namamalayan habang nakasama nya ito bilang kaibigan noon. Masaya sya na tatanggapin nya ang taong mahal nya? Masaya sya dahil umamin sa kanya si Arthur na mahal sya nito.
Hindi nya tuloy maiwasan kiligin dahil sa nangyayari.
Alam nyang matino naman si Arthur at talagang mabuting tao na may mabuting puso. Kaya hindi nya maiwasan mahulog dito.

Pumasok na lamang sya sa kanyang kwarto bago naupo sa katre. Hindi nya alam kung anong masinsinan na pinag-uusapan ng kanyang ama at si Arthur'.

Napapapisil pisil na lamang sya sa kanyang kamay habang hindi mapakali. Baka ayaw ng kanyang ama? Baka sinabi na ni Arthur at ayaw ng kanya ama na manligaw ito? Napalabi na lamang sya habang naghihintay kung kailan matapos ito.

Napatayo na lamang sya ng marinig ang tawag ng kanyang ama mula sa labas. Tinatawag nito ang kanyang pangalan kaya nagmamadali syang lumabas.

"Pa? Saan si Arthur?."tanong nya agad dito habang napapalinga linga sa paligid. Sumenyas itong lumapit sya rito habang nakaupo ito sa upuan.

Kaya dahan dahan syang lumapit dito habang hindi alam ang gagawin. Naupo sya sa tabi ng kanyang ama habang pinipisil pa ang kanyang kamay dahil kinakabahan sya baka galit ba ito? Hindi ba nito nagustuhan? Ayaw ba nito kay Arthur?

"Pinauwi ko na si Arthur." panimula ng kanyang ama habang napapatingin sa malayo kaya napalabi na lamang sya habang hinihintay ang sasabihin pa nito.

"Totoo ba anak? Anaya? Na gusto kang ligawan ni Arthur at pumayag ka na ba?." tumingin ito sa kanya habang may seryosong mukha bago ngumiti ito ngunit hindi abot sa mga mata.

"Pa?." nasabi na lamang nya habang napapakagat lagi na lamang pero inakbayan lamang sya nito bago tinapik ang kanyang balikat.

"Alam ko na gusto ka na may gusto si Arthur sayo dahil lalaki rin ako Anaya na napapansin ang kinikilos nya. Gusto nya ka nya diba? Gusto ka nyang ligawan at pumayag ka na ba? At pinaalam sa akin ni Arthur na gusto ka nyang ligawan." sabi nito sa kanya bago napabuntong hininga ito.

"Alam mo anak may mga bagay na hindi minamadali pero kahit anong mangyari susuportahan kita. Alam kong mabuting tao iyan si Arthur. Nakilala ko na hanggang sa lumalaki kaya kung gusto ka nyang ligawan dahil mabuti naman ang intensyon nya sayo. Dahil may pagtingin sya sayo. "ngumiti ito sa kanya bago tinapik ang balikat nya.

Kaya napatitig na lamang sya sa mukha ng kanyang ama.

"Pinayagan ko na syang manligaw sayo dahil wala akong magagawa. Alam kong hindi ka sasaktan ni Arthur at mabuting tao sya." sabi nito sa kanya kaya hindi nya alam kung anong magiging reaksyon.

"Pinayagan nyo syang ligawan ako pa?." tanong nya dito kaya tumango ito.

"Oo Anaya dahil basta mahal ka nya at hindi ka sasaktan magiging masaya na ako. Sakaling sya ang magiging kasintahan ng nag-iisa kong anak." tugon nito sa kanya kaya napangiti na lamang sya habang nakahinga ng maluwag.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon