Chapter 2

489 7 0
                                    

IN YOUR ARMS

Ms. M
Salamat sa lahat. Susubukan kong maging ayos ang lahat kahit hindi ako magaling. Salamat!


ThirdPersonPoV


"Sige ingat ka!." kumaway pa sya kay Arthur ng papalayo na ito. Gusto lang pala sya nitong makita kaya pumunta sa kanilang bahay na hindi kalayuan sa kanila. Masaya sya sobra dahil nakita man lang nya ito kahit ilang araw nyang hindi nakikita ito.
Napangiti na lamang sya habang kumaway sa papalayo si Arthur na dumadaan pa sa gitna ng malapad na daanan na lupa na lagi rin nilang dinadaanan.

Napangiti na lamang sya bago napagpasyahang pumunta sa kubo kung saan nasa gitna ng medyo malayo sa kanilang bahay.
At hindi pa naman masyadong mataas ang mga palay kaya natatanaw na agad ang kanyang ama.
Dumaan sya lupang dinadaanan patungo sa kanyang ama.

Habang sariwa ang hangin at lumilipas lipad pa ang kanyang buhok.
Napangiti na lamang sya habang nakatingin sa medyo malawak na lupang sinasaka ng kanyang ama. Kahit ganito lang sila masaya naman sila kahit silang dalawa ng kanilang ama.

"Pa!." sigaw nya sa kanyang ama na na nakangiting tumatakbo pa sya papalapit sa kubo.

"Dahan dahan lang! Baka mahulog ka sa putik!." sigaw ng kanyang ama pero hindi parin sya nagpatinag tumakbo parin sya patungo dito.
Napangiti na lamang sya ng makarating sa maliit na kubo bago tumingin sa kanya ama na naglilinis ng palayan. Inaalis nito ang mga damong matataas na.

"Pa? Hindi ka pa nahihirapan diyan? Baka gusto nyong tulungan ko kayo?." sabi nya sa kanyang ama na napangiti na lamang bago umahon. Naghugas muna ito sa kama ng tubig mula sa palayan bago umahon at lumapit sa kanya.

"Hindi na kailangan Anaya. Kaya ko naman ito saka ayaw kong marumihan ka. Malakas pa ang papa mo kayang kaya ko ito." sabi nito sa kanya kaya napanguso na lamang sya.

"Ayaw mo ba akong tumulong sayo? Saka para mapadali." tanong nya sa kanya ama. Napangiti na lamang na umupo ito sa kawayan na upuan bago tumingin sa malayo.

"Wag na matigas ang ulo Anaya. Pag sabi kong hindi wag na. Teka nga? Napagod ka ba sa paglilinis ng koral ng baboy? Pinakain mo na ba?. "tanong nito sa kanya kaya sumagot sya rito.

"Opo pa, tapos na kanina pa." tugon nya rito.
Kinuha nya ang maliit na tuwalya na kanyang dala bago lumapit dito sa pinunasan ang mukha ng kanyang ama dahil pinapawisan ito napangiti na lamang ito.

"Para ka talaga si mama mo. Ginagaya mo ba si Sonya?." natatawa nitong tanong sa kanya kaya nagkibit balikat na lamang sya.

"Oo pa para hindi nyo makalimutan si mama diba? Saka ikaw na rin ang nagsabi kamukha ko si mama." napangiti nya pang sabi sa kanyang ama kaya inakbayan sya nito.

"Maswerte talaga ako sayo Anaya. Kahit wala na si Sonya masaya naman ako dahil andyan ka. At minsan nagtatanong ka pa sakin kung hindi na ba ako mag-aasawang muli? Hindi na anak dahil mas hindi ko na ipagpapalit ang mama mo. Alam mo bang mahal na mahal ko iyon."sabi nito sa kanya kaya napangiti na lamang sya.

Bago natahimik at tumingin sa malayo.

"Pa? Kapag ba nagmamahal? Masaya ba? Paano ba kung magmahal sa isang lalaki o babae? Iyong pagmamahal na katulad kay mama." napangiti sya rito kaya naging seryoso ito.

"Bakit mo naman natanong iyan Anaya?." tanong nito sa kanya kaya umiling lang sya.

"Wala pa.. Natanong ko lang? Kasi lumalaki na ako wala parin alam sa ganyan maliban na lang kung nagtatanong tanong ako sa inyo." tugon nya rito habang nakangiti.

"Ang pagmamahal pwede mong ibigay sa kaibigan at pamilya. Pero iba ang pagmamahal sa isang lalaki o babae. Katulad ko anak na tumitibok ang puso ko sa mama mo. Para syang iyong napakagandang babae sa paningin ko at gusto ko syang makasama habang buhay. Masaya ako kasama sya at lagi kong naiisip sya.
Doon ko naramdaman na umiibig na pala ako sa mama mo noon at ngayon. Hindi mawawala iyon. Kumakabog ng malakas itong puso ko dahil sa kanya. "tugon nito sa kanya kaya napanguso na lamann sya.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon