Chapter 30

201 4 0
                                    

Chapter 30(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Medyo mahaba haba talaga itong kwento na ito tingin ko?


ThirdPersonPoV

Napabuntong hininga na lamang si Anaya habang nakatingin sa kisame ng kwarto. Iniisip nya parin ang sinabi sa kanya ni Hendrick at hindi nya mapakali doon ngunit alam nyang nagbibiro lamang ito.
Mahilig lang talaga itong magbiro sa kanya kaya ganoon talaga. Baka nagkamamali lamang sya sa pagkarinig.

Napatingin sya sa phone na nasa ibabaw ng kama na tumunog ito at alam nyang may tumatawag sa kanya.
Kaya agad nyang kinuha iyon at tiningnan kung sino at walang iba kundi si Jasfer.

"Ano?." tanong nya at naka-loud speaker pa iyon para hindi na ilagay kanyang tainga.

"Grabe ka diyan Anaya wala man lang good morning? Ano?." sabi nito kaya napangiwi na lamang sya.

"Anong kailangan mo? Bakit ka napatawag?." tanong nya habang tamad na nakahiga lamang sa kama.

"Mamaya. Punta ka huh? Sunduin na lang kita diyan sa inyo. Paalam kita wag kang mag-alala ligtas ka sa akin." sabi nito kaya napabuntong hininga na lamang sya.

"Oh sya ikaw ang bahala. Kung hindi lang talaga wedding anniversary ng magulang mo hindi ako pupunta. Masyado ka kasing ewan diyan." natawa na lamang ito.

"Asahan ko iyan huh? Susundiin kita diyan mama sa bahay nyo. Ako na bahala magpaalam alamid ko naman na papayagan ka ayaw mo lang talaga dahil umiiwas ka sa akin." natawa pa ito kaya napangiwi sya.

"Alam mo naman pala eh. Mukha ka kasing ano ewan. Dami mo kasing babae ayaw ko lang lumapit sayo baka anong sabihin ng ibang babae na nagkakagusto sayo at pag-initan pa ako. Mahirap na baka kung anong gawin sa akin.." totoo ang  kanyang sinabi rito.

"Wag kang mag-alala hindi naman iyon magagawa ng mga iyon. Ganito lang talaga ako habulin ng babae alam mo na gandang lalaki kaya ito." sinabayan pa nito ng tawa na parang natutuwa.

"Oo kaya babaero ka raw? Kapag gwapo babaero ganoon ka rin diba?." sabi nya kaya tinawanan lang sya nito.

"Ang harsh mo sa akin? Imbes na purihin mo ang gandang lalaking tulad ko ganoon ang sinasabi mo." natawa ito kaya napangiwi na lamang sya.

"Sige na bye na. Pupunta na lang ako." sabi nya.

"Oo sige mukhang nagmamadali ka? Anaya? Sunduin kita mamaya diyan. Ipapaalam pa kita." sabi nito kaya napatango tango sya bago pinatay ang tawag.

Wala talaga sya sa kondisyon makipag-usap. Ganoon talaga minsan tahimik at minsan medyo madaldal din. Hindi lang talaga nya matanggihan ang magang mahangin na iyon. Pero parang kaibigan na nya.
Mabait naman pero sya lang talaga ang parang umiiwas? Makulit kasi ito pero nasanay na sya.

Napabuntong hininga na lamang sya ulit bago humiga sa kama at pumikit. Naalala nya ang sinabi ni Sir Augustus na uuwi na raw si Hector? Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nya. Ang alam nya lang papano kaya kung magkita sila?

Naalala nya ang mga ginagawa nito sa kanya at hindi nya alam kung paano ito haharapin dahil hindi nya gustong makita ito.. Sa loob ng apat na taon alam nyang may mga nagbago na pero ganoon din ba ito? Ganoon ba ito kung ko magiging masaya sya. Wag lang sya nitong pakialam dahil hindi nya kaya.

Kung paano sya nito halikan ng naging labi nito. Pakiramdam nya ay narito parin. Kinalimutan na nya iyon dahil parte lamang iyon ng nakaraan siguro sa ngayon masaya naman na iyon sa asawa nya?

Dahil alam nyang may asawa na ito pero kaya yata umuwi doon sa bansa ng Sweden at baka pag-uwi kasama na ang pamilya nito at ipapakilala kay Sir Augustus.
Dahil alam nyang matanda na ito? Pero kahit ba matanda na ito? Ano kaya ang hitsura nito? Wala syang pakialam doon.
Kung sakaling umuwi man ito siguro wag na lang nyang pansinin? Baka pwedeng umuwi na lang sa kanyang ama pero?

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon