Chapter 50

188 1 0
                                    

Chapter 50(IN YOUR ARMS)



ThirdPersonPoV



"AYAW KO!." sigaw nya kay Hector ng tanggalin nito ang kumot sa kanyang katawan. Pero nakipaghilaan si Anaya kay Hector ng kumot dahil gusto nya parin matulog.

"Get Up! Papasok ka pa." sabi ni Hector sa kanya pero dumapa na lang sya sa kama at isinubsob ang mukha sa unan.

"Ayaw ko nga kasi diba? Ayaw ko hindi mo ba iyon alam? Ayaw kong pumasok ngayon. Gusto ko pang matulog." sabi nya kay Hector habang nagsisimula na syang mainis dito.

"Anaya! Bumangon ka na! Papasok ka pa sa school!." sigaw nito sa kanya na mukhang nainis na sa kanya dahil kanina pa sya nito ginigising.
Natulog ulit sya dahil gusto nyang matulog talaga matapos ang ginawa nila.

"Sabi ko kasing ayaw ko? Hindi mo ba iyon maintindihan?! Ayaw kong pumasok!." sigaw nya kay Hector at tumihayang nahiga sa kama. Nakita nya itong nakapamaywang sa kanya na kunot na kunot ang noo nito. Parang hindi ito makapaniwala sa kanyang pagsigaw. Hindi nya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit malakas ang loob nyang sigaw sigawan ito.

"Get up now. Kumain ka na at papasok ka pa sa school nyo. Anaya." madiin nitong sabi sa kanya na titig na titig ang mga mata nito sa kanya pero ngumiwi lang sya.

"Hindi ka na makaintindi? Sabing ayaw ko nga Hector? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Ayaw kong pumasok dahil gusto kong matulog. Please gusto kong matulog lang. Tinatamad ako." sabi nya rito at pumikit na lamang. Parang gusto nya lang matulog sa maghapon at hindu nya na alintana na kumain man lang.

"What the fck happened to you? Ayaw mo ng mag-aral? Get up now Anaya!." sabi ni Hector sa kanya kaya napatakip na lamang sya sa kanyang tainga at ngumiwi na lang.

"Pwede ba? Wag kang magsalita diyan? Gusto kong matulog pero ang ingay mo naman eh. Pakiusap lang Hector matanda ka na sa akin kaya sana intindihin mo naman iyong kapatid mong bunso. Parang kapatid mo na lang ako sana maintindihan mo naman ako Kuya. Gusto ko lang talaga matulog pa ang sarap kasi tas nakakatamad pa. "sabi nya kay Hector.

"What's wrong with you? What the hell?! Get up now!." sigaw nito sa kanya pero hindi nya na lang ito pinansin dahil parang gusto nyang matulog na lang. Tinatamad talaga sya ng na hindi maintindihan sa kanyang sarili. Parang ngayon lang yata sa nakipagmatigasan kay Hector dahil gusto nyang matulog at sinasagot sagot nya ito?

"Utang na loob! Magpatulog ka naman Kuya? Request iyon ng kapatid nyong bunso."sabi nya dahil sa pagsigaw nito hindi nya alam kung bakit parang lagi silang nagsisigawan?

"Sht! What happened to you?! Anaya? At wag mo akong tatawagin Kuya." parang naiinis na ito sa kanya pero hindi na lamang sya umimik.

Nagulat sya ng may humila sa kanya paa sabay dagan sa kanya. Gulat syang napatingin kay Hector na nakadagan ito sa kanya.

"Lumayo ka nga?!."kunot noo nyang sigaw kay Hector na tinutulak ito pero hindi nya magawa. Kunot ang noo nito at naningkit pa kaya nagtataka sya.

"Ayaw mong pumasok? Don't want to go to school? All right, I'll just make you tired all day." sabi nito sa kanya na pinagmasdan ang kanyang mukha kaya nainis sya kay Hector.

"Oo na! Papasok na!. Lumayo ka nga?." tinulak nya ito kaya umalis naman si Hector sa kanyang ibabaw at nakamasid lang ito sa kanya. Umalis sya sa kama at tiningnan nya ito ng masama.
Ayaw na talaga nyang matulog dito sa kwarto na ito dahil istorbo ito sa kanya.

"What?." kunot noong tanong nito sa kanya pero napadyak na lang sya at parang maiiyak dahil sa ginawa nito.

"Ewan ko sayo! Istorbo ka sa pagtulog ko. Sabi kong ayaw kong pumasok eh? Hindi mo ba iyon maintindihan? You sht!." sabi nya kay Hector na inis na inis na sya rito. Parang gusto nyang manakit kay Hector pero tumalikod na lang sya rito.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon