Chapter 19(IN YOUR ARMS)
Ms. M
Hindi editThirdPersonPoV
NAGISING SI ANAYA na habang nakadantay sya sa isang tao. Nakadantay ang kanyang isang hita sa baywang nito habang hawak naman na nito ang kanyang pisngi ng kanyang pang-upo. Nagulat sya sa kanyang sitwasyon lalo na ng nakasiksik sya sa dibdib nito kaya nahakarap sya sa dibdib nito.
Nagtataka na lamang syang hindi alam ang kanyang gagawin dahil ganoon ang kanyang posisyon.
Kaya gumalaw na lamang sya ng para makawala dito at tatanggapin na nasa nya ang hita sa baywang nito ngunit may yumakap sa kanyang baywang. Kaya kinabahan syang napalunok na lamang habang hindi alam ang gagawin dahil yakap sya nito sa kanyang baywang at parang unat na tao syang hindi makagalaw sa kanyang kinahihigaan.Napalunok na lamang sya ang ilang beses dahil yakap sya nito. Tumingala sya kung sino iyon walang iba kundi si Hector na katabi nya sa pagtulog? Hubad ang pang-itaas nito habang nakapikit pa.
Kaya gumalaw sya para makaalis na dito at hindi na sya nahiyang nakitulog pa sa kwarto ng anak ni Sir Augustus.
Napakurap kurap na lamang sya ng ilang beses ng gumalaw sya ay may naramdaman syang matigas na bagay na tumutusok sa kanyang may puson.
Kaya hindi nya alam kung anong magiging reaksyon dahil hindi nya alam kung anong naisip nya?
Mali ba ang kanyang naisip na may matigas na bagay na iyon?Gumalaw sya bago hawakan ang kamay nito para alisin ngunit nagulat syang may magsalita.
"If you keep moving? You can feel that gun." sabi nito kaya napaangat na lamang ang kanyang paningin sa taong seryoso nakatingin sa kanya kaya napalunok na lamang sya.
"Pasenya na po pero kailangan ko ng umalis. Pasenya na kung nakatulog ako dito sa kwarto nyo." paghingi nya ng pasenya kay Hector ngunit huminga lang ito ng malalim habang nakatitig sa kanya. Hindi tuloy maiwasan mailang sa kanilang posisyon dahil sa buong buhay nya wala pa syang nakakatabi sa higaan na ibang tao ngunit si Hector lamang.
Kaya hindi nya maiwasan mailang lalo na kung kahit kasintahan nya hindi nya makatabi at mahawakan sya pero si Hector nahahawakan sya ng hindi nagagawa ng kanyang kasintahan. Nagtataka na lamang sya sa lahat. At kinakabahan habang malapit ito. Matapos ang lahat nitong ginagawa kakaiba wala lang iyon dito? Hindi lang nito alam kung anong nararamdaman nya. Lalo na makita nyang may baril ito lalo na ng papatukin nito.
Kakaiba ang bawat kinikilos nito na parang hindi nya maintindihan.Kung maari ayaw nyang lumapit dito at iiwas na lamang pero ito ang lumalapit sa kanya. Hindi lang talaga nya maiwasan hindi makita ito dahil iisa lang ang bahay na tinitirhan nila. Parang maliit pa ang bahay na ito para sa kanilang dalawa dahil magkikita parin sila.
Nakatitig ito sa kanya ngunit naroon ang seryoso nitong mga tingin. Matanda na talaga ito ngunit bakit ganito? May asawa na pala ngunit bakit gusto nitong makasama syang matulog? Hindi ba ito napapagalitan ng asawa nito?
Ngumiti sya ng tipid dito kahit kinakabahan. Bago nagmamadali syang umalis sa bumangon dahil gising naman na ito. Hindi ito nagsalita ngunit alam nyang bumangon din ito. Nakaupo sya sa kama natalikod dito ngunit nagulat sya ng may sunod sunod na katok ang narinig nya mula sa pintuan.
Nakaramdam sya ng kaba at hindi alam ang gagawin lalo na ng nasa loob sya ng kwarto nito at dalawa lang sila.
Napatingin sya kay Hector ng magsalita ito."Stay where you are." sabi nito sa kanya at lumakad lamang ito habang nakahubad pang-itaas pa ito habang naka-boxer lamang ito. Kinabahan syang hindi alam ang gagawin ng pumunta ito sa pintuan bago binuksan na lamang nito.
"Nasaan si Anaya?." tanong agad ng walang iba kundi si Sir Augustus na nakita kaagad sya nito dahil bukas na bukas ang pinto. Kaya napalunok na lamang sya ng ilang beses dahil baka kung anong sabihin nito.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...