Chapter 9

259 2 0
                                    

Chapter 9(IN YOUR ARMS)



Ms. M
Sana maging maayos ang lahat. Susubukan kong maging ayos ito. Asahan na maraming mali at hindi ako magaling. Merci beaucoup!





ThirdPersonPoV



HINDI ALAM NI ANAYA kung magiging masaya ba sya dahil sa sinabi ng kanyang ama? Sinabi nitong pag-aaralin sya ng kaibigan nito? At nagulat sya sa sinabi nito at hindi alam kung magiging masaya ba? Masaya sya dahil makakapag-aral king sakali ngunit iiwan nya ang kanyang ama dito? Iiwan nya ang kanyang ama sa bahay na ito?
Mawawalay sya sa kanyang ama dahil doon?.

Napaluha na lamang sya na parang masakit sa kanya.
Habang naluluha na naglilinis ng kural ng baboy.
Ganito ang buhay nya rito.
Napasinghot singhot pa sya habang naglilinis. Hindi nya alam kung nababahuan ba sya sa mga dumi ng baboy o dahil sa tumutulo na ang sipon nya dahil sa pag-iyak.

Napakagat labi na lamang naluluha na parang masakit. Wala na syang pakialam kung makita pa sya ng kanyang ama na umiiyak pero alam nyang wala ito. Saka hindi naman ito pupunta dito.

"Tama ba ang makapag-aral ako? Pero maiiwan ko dito si papa?." tanong nya sa mga baboy kahit namumukha syang baliw pero wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Mga hayop nga lang kasi.

Patuloy ang kanyang paglilinis hanggang sa matapos sya ay agad syang pumunta sa tabi ng ilog bago namaluktot na nakaupo sa bato habang nakatingin sa bawat agos ng tubig.

Hindi nya alam kung magiging masaya ba sya? Parang ayaw nyang iwan ang kanyang ama at wag na lang mag-aral dahil mayroon bumabagabag sa kanyang buhay. Pakiramdam nya ay hindi nya gustong mag-aral dahil gusto syang pag-aralin ng ibang tao at hindi nya alam kung tama ba?

Hindi nya kilala at hindi nya alam ang magiging buhay nya habang wala ang kanyang ama. Dahil alam nyang malayo iyon pero hindi lang talaga sya sanay makisama sa mga tao. Hindi nya alam kung paano makitungo sa mga taong hindi nya kilala kita alam nyang kilala ng kanyang ama ito.

"Tama ba ang lahat ng ito Ma? Kung andito lang sana kayo hindi ako mahihirapan magdesisyon. Parang ayaw ko sana pero para sa pangarap ko naman ito. Sana kung andito kayo sabihin nyo man lang sa akin kung tama ba ang lahat ng ito? Hindi ko alam ang magiging buhay ko kasama ang ibang tao. Mahirap sa akin... Paano kapag may nagawa akong mali? Papagalitan ba ako? Ayaw ko noon eh. Natatakot akong sundin ang gusto ni papa para sakin. Ayaw ko dahil hindi ko kayang makisama sa ibang tao.. "kahit mukha na syang baliw kinausap ang kawalan.

GUSTO lamang nyang may makausap man lang at sabihin ang kanyang nararamdaman pero wala. Sa kanyang lang talaga at ganoon ba talaga? Kailangan nya iyon? Pero bakit ayaw nya? Ito na iyong pagkakataon pero bakit may bumabagabag sa kanyang buhay?

Bakit parang ayaw nyang sundin ang gusto ng kanyang ama kahit para naman din iyon sa kanyang buhay? Pero kapag nakapgtapos sya baka mangyari ang gusto nya? Diba?

Napabuntong hininga na lamang sya bago tinuyo ang luha sa kanyang mga mata. At hinayaan ang kanya sariling manatili doon at hindi nya namalayang isang oras na pala sya roon. Kaya napagpasyahan nyang umuwi sa kanilang bahay dahil siguradong nagtataka na iyon sa kanya kung bakit wala pa sya.

Naging seryoso ang kanyang mukha habang patungo sa kanilang bahay.
Ayaw nyang makita sya ng kanyang ama na umiyak dahil sa parang natatakot syang sundin ang gusto nito? Pero para ba sa pangarap nya? Susundin na ba nya ito?

Nagtataka sya ng makarating siya sa kanilang bahay. Nakita nya ang kanyang ama na may kausap na seryoso ito ganoon din ang kanyang ama. Hindi sya nagkakamali dahil ito ang kaibigan nito. Bakit na naman narito ito? Naalala nya ito ba ang nagbigay ng lupa kanilang tinitirhan ngayon?

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon