Chapter 21(IN YOUR ARMS)
ThirdPersonPoV
TAHIMIK LAMANG SI ANAYA habang nagmamaneho si Hector. Hindi na lamang nya ito pinansin matapos ang ilang sandali usapan nila? Ayaw nya makipag-usap pero hindi lang talaga nya mapigilan.
Kahit parang pabago bago ito ng emosyon o hindi nya maintindihan. Nakikisama na lamang sya baka maging maayos sila? Dahil iyon ang sabi sa kanya ni Sir Augustus. Dahil mabait naman daw ang anak nito?Pasimple syang napatingin kay Hector. Hindi lang talaga nya mapigilan. Kahit side view ito hindi nya maipagkakaila na may hitsura rin si Hector. Matangos ang ilong nito at mayroon konting buhok sa gilid ng bibig nito na maiiksi.
"Kung gusto mo akong titigan. Lumapit ka." sabi nito bago tumungin ito sa kanya kaya napaiwas na lamang sya ng tingin.
"Pasenya na." maikli nyang tugon dito bago tumingin na lamang sa labas. Nahiya sya dahil nahuli na nitong nakatingin sya rito?
"It's okay Anaya." tugon nito sa kanya kaya hindi na lamang nya pinansin ito. Dahil kung anong sabihin naman nito sa kanya.
"You know all my life I don't want anyone to be a cheater." sabi nito kaya napatingin sya rito.
"Anong ibig mong sabihin?." tanong nya rito ngunit napaangat lamang ang gilid ng labi nito. Bago tinuon ang paningin sa dinadaanan.
"Nothing, don't mind me. Malapit na tayo sa rantso." sabi nito sa kanya kaya napangiwi na lamang syang tumingin sa labas.
Parang kakaiba talaga ang isang ito. Hindi yata nya ng makaya makasama ang isang ito. Dahil kakaiba ang bawat sinasabi sa kanya.Nanahimik lamang sya bago tumigil na lamang sila kung saan maraming kabayo ang naroon.
Lumabas ito ng sasakyan bago sya nito pinagbuksan ng pintuan. Wala syang nagawa kundi lumabas bago napatingin na lamang sa paligid dahil ito ang lugar kung saan naroon din si Arthur.
Hinahanap ng kanyang mga mata si Arthur ngunit hindi nya makita dahil naroon iyon sa lugar kung saan nila iniwan.Nagulat sya ng may humawak sa kanyang kamay bago hinila sya nito patungo sa ilang taong naroon. Para syang asong sumusunod na lamang kay Hector patungo kung saan naroon ang ilang tao na mukhang inaabangan sya.
Mabuti na lamang at hindi mainit kundi makulimlim ang paligid dahil natabunan ng alapapap ang araw.Nakaramdam sya ng hiya dahil hawak nito ang kanyang kamay.
Dahil sa buong buhay nya si Hector lang ang nakakahawak sa kanyang kamay ng ganito."Senyorito? Mabuti at nakabisita kayo dito sa amin. Sinabi sa amin ni Sir Augustus na pupunta kayo dito." sabi ng lalaki at nakilala nya kung sino iyon.
Si mang Ramon na malaki ang ngiti nito na salubungin sila nito.
Napatango tango na lamang si Hector bago inayos nito ang sun glass.
Bumati dito ang ilang taong naroon ngunit hanggang tango na lamang. Kaya ngumiti na lang sya sa mga ito ng napapatingin sa kanya."Gusto ko lang bisitahin ang mga kabayo na naririto dahil maraming taon din akong nakaapak sa lugar na ito." sabi ni Hector kaya napangiti na lamang ang lalaki dito.
"Oo nga po Senyorito malaki na ang pinagbago nyo. Isang magandang lalaki ang nasa harapan namin." sabi ng lalaki kaya napatango na lamang ito bago umikot ang mga mata sa paligid.
"Sino po ba ang kasama nyo Senyorito? Kasintahan nyo?." tanong ng isa kaya napatingin sa kanya si Hector kaya napayuko na lamang sya.
"Senyorita ang tawag nyo sa kanya. For now? Gusto kong tingnan isa isa ang mga kabayo na nasa kwadra." sabi ni Hector kaya napatango tango na lamang ang lalaki.
Walang iba kundi si Mang Ramon na baka nakikilala sya nitoLumakad ang lalaki ngunit naiwan ang ibang naroon na napapatingin sa kanya kaya ngumiti na lamang sya ng tipid sa mga ito.
Pumasok sila sa malaking kulungan ng kabayo habang hawak sya nito. Malaki ang sa loob ngunit maraming kabayo ang nasa bawat kwarda.
May ibang naroon na nagpapakain ng kabayo kaya napangiti na lamang sya dahil parang gusto nyang gawin din iyon ngunit hindi nya magawa.
Dahil hawak sya ni Hector sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...