Chapter 17

228 3 0
                                    

Chapter 17(IN YOUR ARMS)



ThirdPersonPoV


SA TATLONG ORAS NA tinuruan sya ng tutor nya parang hindi sya matututo dahil nakikita nya si Hector na parang nakabantay sa kanila ng tutor nyang lalaki. Dahil naroon din ito habang nagtuturo sa kanya si Bernard ang tutor nya.
Nagtataka naman sya kung bakit narito ito pero hindi na lamang nya pinansin ngunit madalas ang tingin nito sa kanila ng tutor nya. Parang hindi tuloy sya natututo nito dahil naroon si Hector na nakaupo lamang pero malamig ang tingin nito. Paminsan minsan ang pag-igting ng panga nito bago napapatingin sa lalaking tutor nya na parang hindi pinapawisan na habang tinuturuan sya nito.
Ngunit napapansin lamang nya at hindi nya sinasadya.
Parang mainit ang ulo nito habang napapatingin kay Bernard. Hindi nya alam pero baka may problema lang ito? Ganito ba talaga ang anak ni Sir Augustus?.
Na simula ngayon wala parin at hindi nya alam kung saan? Hindi naman sya nagtatanong na dahil akala nya babalik pa pero parang wala naman.

Napahinga na lamang sya maluwag dahil natapos na ang pagtuturo sa kanya. Inayos nya ang kanyang gamit dahil aakyat na naman sya sa taas dahil wala syang magawa para maiwasan na lang ang lalaking alam nyang nakamasid lamang.

"Mauna na po ako Senyorito, Senyorita.." sabi ni Bernard na parang nagmamadali ito. Mukhang pinawisan ang mukha nito bago ilag na tumingin kay Hector na sumulyap lamang ito.

"Sige po, Salamat ingat ka." tugon nya rito kahit bakit ganoon ang tawag sa kanya? Senyorita talaga? Nabago na ba ang kanyang pangalan?

Yumuko ito ng bahagya bago tumalikod na ito na nauna ng lumabas na mukhang nagmamadali ito. Napatingin sya kay Hector na naging seryoso na ang mukha nito pero umiwas na lamang sya ng tingin ng magtagpo ang kanilang mga mata. Kinakabahan tuloy sya sa mga titig nito sa kanya na hindo maintindihan sa kanyang sarili. Hindi naman ganito ang nararamdaman nya kapag sa ibang lalaki pero bakit dito?

"Your tutor seems to be in a hurry."sabi nito kaya napatingin sya rito pero hindi na lamang nya pinansin.
Naging seryoso ito bago tumayo habang nakapamulsang lumabas ng bahay.

Kaya hindi tuloy maiwasan magtaka kung bakit sumunod ito sa labas. Nakalabas na ito kaya napatayo na lamang sya bago naisipan silipin kung anong gagawin nito.
Nagtataka na lamang syang nakasilip lamang sa labas. Dahil nakita nyang parang hindi mapakali si Bernard ang kanyang tutor nya na bahagya pang nakayuko habang hindi nya maintindihan kung anong sinasabi ni Hector dito.
Habang nakapamulsa itong nakatingin sa lalaki na malamig ang mga mata nito. Base sa kanyang nakikita mukhang galit ang reaksyon nito na parang nagpipigil lamang. Nagtataka syang napabuntong hininga na lamang dahil bakit sya nakatingin doon? Hindi naman sya ganoon tao para alamin kung anong pinag-uusapan ng mga ito.

Muntik pa syang mapatalon sa gulat ng may humawak sa kanyang balikat kaya napalingon sya kung sino iyon.

"Ate Gilda?." tanong nya dito bahagyang napangiti na lamang.
Napangiti ito sa kanya bago tumingin kung saan sya nakatingin.

"Pasenya na senyorita.. Sino ba ang tinitingnan mo diyan?." nagkibit balikat pa ito kaya napangiti na lamang sya ng tipid. Siguro nakita nitong may sinisilip sya at si Hector iyon?

"May kailangan po ba kayo?." tanong nya rito.

"Wala naman magtatanong lang sana ako kung gutom ka na gusto mo ba ng juice at sandwich? Dinalhan kita dahil medyo nakakagutom ang pag-aaral." sabi nito sa kanya kaya ngumiti na lamang sya.

"Hindi naman po ako nagugutom pero salamat po ate." sabi nya bago napatingin sa pagkain na nakalagay sa center table.

"Kakainin ko na lang po mamaya." tugon nya.

"Oh sige ikaw ang bahala." tinapik nito ang kanyang balikat bago sumenyas na babalik na ito kaya napatango tango na lamang sya bago napatingin pa sa labas.
Bago nagmamadali umupo para kainin sana iyong sandwich na dala nito. Dahil para hindi na nya makita si Hector at wag nyang makasama ito kung hindi naman kailangan dahil kakaiba itong kasama lalo na kung silang dalawa lang.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon