Chapter 24

173 2 0
                                    

Chapter 24(IN YOUR ARMS)


ThirdPersonPoV

MAAGANG NAGISING SI Anaya dahil nagising sya dahil sa katok mula sa labas ng kanyang kwarto. Kaya nagmamadali syang naghilamos at nagsipilyo bago lumabas dahil sa tingin nya ay kailangan dahil ginigising na sya ng kasambahay.
Dahil gusto raw na may kasabay ng umagahan si Sir Augustus. Kaya nagmamadali syang bumaba patungo sa dining area kung saan naroon si Sir Augustus.

"Mabuti at andito ka ka." sabi sa kanya ni Sir Augustus na nakamasid lamang ito sa kanya.

"Magandang umaga po Dad pasensya na medyo natagalan po ako." sabi nya kaya ngumiti na lamang ito ngunit titig na titig ito sa kanya.

Umupo na lamang sya sa upuan kung saan nakaupo sya kapag kumakain.
Napatigil na lamang sya ito habang nakatingin sa kanya na bahagya pang nakakunot ang noo nito.

"May problema po ba dad?." taka nyang tanong na ayaw sana nyang tanungin pero napaubo na lamang ito bago napatango tango na lamang.

Sumenyas itong kumain na kaya kumuha na lamang sya ng makakain habang tahimik na nakamasid ito sa kanya. At nagsisimula na itong kumain ngunit narinig nya itong may sinabi.

"Nerissa pakitawag si Hector. Sumabay na sya sa pagkain dito." sabi nito pero hindi na lamang nya ito pinansin dahil narinig nya ang salitang Hector. Dahil ayaw nya talaga makasama ito dahil isang kakaibang tao ito.

"Iha? Pumasok ba si Hector sa kwarto mo kagabi?." tanong nito sa kanya kaya napatingin sya rito na may pagtataka.

"Po? Hindi po. Bakit po?." "taka nyang tanong pero napailing iling na lamang ito bilang sagot sa kanya.
Nanahimik na lamang ito ngunit napapansin nya ang bawat pasulyap sulyap sa kanya ni Sir Augustus.

Tumikhim ito sa bago nagsalita na napatigil ito na napatingin sa kanya.

"Anong nangyari sa leeg mo? Bakit namumula ang leeg mo?." tanong nito sa kanya kaya nagtataka na lamang sya sa sinasabi sa kanya ni Sir Augustus.
Bahagya pa itong nanunuri ang mga mata nito.

"Po?." taka nyang tanong dahil sa tanong nito. Napatango tango ito sa kanya.

"Anong nangyari sa leeg mo?." tanong nito sa kanya kaya nagtataka na lamang syang napahaplos ng kanyang mga daliri sa kanyang leeg na hindi naman nya makita.

"Ano pong mayroon sa leeg ko? May sugat po ba? Wala naman po akong nararamdaman na sakit. Bakit po?." taka nyang tanong dito pero napapikit na lamang ito bago bumuntong hininga bago napailing.

"Maraming mapupula ang maputi mong balat. Pumasok ba si Hector sa loob ng kwarto mo?." tanong nito sa kanya kaya nagtataka na lamang sya dahil bakit nasangkot ang pangalan ni Hector.

Napahaplos na lamang sya sa kanyang leeg dahil namumula raw iyon. Nakamasid lamang ito sa kanya habang may pagtataka sa kanyang sarili.

"Hindi po sya pumasok sa loob ng kwarto Dad. Bakit po?." taka nyang tanong pero narinig na lamang nyang nagmura ito ng mahina. Bago napailing na lamang.

"Kumain ka na lang. Wag mo na akong pansinin." sabi nito sa kanya kaya napatango tango na lamang sya bago nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Dahil nagtataka sya kung anong sinasabi nito sa kanya na mapula sa kanyang leeg? May dugo ba? Pero hindi na lamang nya iyong pinansin at kumain na lamang.

"Good Morning.." may nagsalita iyon kaya napatingin sya kung sino iyon. Walang iba kundi si Hector na naglalakad na seryoso ang mukha nito. Napatingin ito sa kanya bago umangat ang sulok ng labi nito bago bumaba ang mga mata nito sa kanyang leeg.

Bago napatingin kay Sir Augustus na seryoso ang mga mata nito.

"Mukhang masaya ka ngayon. What the hell are you doing Hector?." tanong ni Sir Augustus kay Hector na napakunot na lamang ang noo nito bago umupo.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon