Chapter 64(IN YOUR ARMS)
Ms. M
Salamat sa inyong lahat. Gusto ko na tapusin ito para subukan ko baka panibago naman. Baka kasi next year busy ulit. 😃ThirdPersonPoV
HINDI NAMALAYAN NI ANAYA ang oras.
Nakita nya ang sariling naluluha na lamang. Nakikita nya ang sarili na nakatingin sa kalangitan habang dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata.
Masakit para sa kanya na sa maghapon ay walang Hector na nagparamdam sa kanya.
Parang mas masakit at mas masakit para sa kanya na mawala si Hector sa buhay nya at malaman na may kasamang babae at hindi na bumalik.
Tanggap nya kung sino si Hector pero nagulat lang sya noon. Hindi nya sinasadya pero bakit walang paramdam sa kanya? Bakit gabi na wala parin? Bakit wala man lang text sa kanya at tawag? Sinubukan nyang tawagan ito na tingin nya nababaliw na sya. Kasalanan ba nyang masigawan ito? Sobra na ba sya? Hindi nya naunawaan ang saloobin nito? Pumatay nga pero alam nyang may dahilan iyon.Gabi na pero ito parin sya naghihintay sa isang himala na sana dumating si Hector.
Hawak ang kanyang phone na sana mag text sa kanya pero walang nangyayari dahil hindi na ito makontak.
Wala ng silbi ang phone nya dahil hindi nya matawagan ang asawa.
Parang wala talagang Hector na nagparamdam sa kanya.Naluluha na lamang syang umalis sa balcony ng bahay. Napatingin sya sa kasambahay na nakatayo sa hindi kalayuan na parang pinapanood sya.
Tahimik ito ngunit hindi nagsalita.Lumakad na lang sya patungo sa kwarto at hindi pinansin ito. Pumasok sya sa kwarto at wala naman syang nadadatnan na tao. Mag-isa lang sya sa kwarto kung saan sila humihiga na mag-asawa.
Umupo sya sa kama at walang patid ang pagluha. Masakit ang kanyang pakiramdam na hindi maintindihan.
Napahaplos sya sa kanyang tiyan. May anak pa pala sya? May anak pa pala sya? Hindi na nya napapansin dahil sa pag-iyak.
Nasaan na kaya ito? Hindi ba nito alam na hinihintay nya ang pagbabalik nito?Tumayo sya mula sa kama at napatingin sa salamin na may nakadikit doong sobre. Hindi nya napansin sa buong araw na nagaganap sa kanyang buhay.
Nagtataka sya kung kanino ito.
Agad syang umupo sa harap ng salamin habang kinabahan na lumuluha na lamang.Kinuha nya ang nakadikit na iyon. Dahan dahan nyang binuksan ang papel na iyon at naluluha na lamang na binuklat ang papel na marami ang sulat at alam nyang sulat kamay iyon.
Napahawak sya sa kanyang bibig at hindi nya na napigilan na maiyak na lamang.,,,,,,,,,
Anaya,
Alam kong nababasa mo ito ngayon. Sana wag kang umiyak habang binabasa mo ito. I'm sorry for everything. Patawarin mo ako sa pagpasok ko sa buhay mo at ginulo ko ang magandang mong buhay.
Alam kong galit ka sa akin dahil sa nagawa ko at lihim ko sayo na gusto kong sabihin. Pero totoong mamatay tao ako at hindi tayo pwede. Masyado kang mabait para sakin.
Pero sa ngayon patawarin mo ako sa lahat. Alam kong galit ka at hindi ko alam kung kailangan ko pa ang pagpapatawad mo sakin. Dahil hindi nararapat iyon sakin.
Forget me, kalimutan mo na lang ako sa buhay mo. Umalis na ako at sumama sa ibang babae. At alam mo na kung bakit ako sumama sa ibang babae. Lahat ng iyon ay mga kasinungalingan lang lahat.
Kalimutan mo na lang ako at isipin mong hindi ako nabubuhay sa panahon na ito.
Kalimutan mo na lang ako dahil iyon ang nararapat. Wag mo na akong hintayin pa dahil hindi na ako babalik pa. Lahat ng mga pagmamay-ari ko ay sayo na nakapangalan at pwede mong magamit iyon sa pamumuhay mo kasama ang anak natin.
Nang sa ganoon hindi kayo magutom at maghirap. Sapat na ang pera na iniwan ko sayo. Para palakihin at mapag-aral mo ang magiging anak natin. Kung gusto mong wag akong ipakilala sa kanya kapag sinilang na sya sa mundong ito. Dahil tingin ko hindi na nya kailan pa ng ama.
Tatanggapin ko kung hindi nya na ako makilala pa. Ang mahalaga ay nasa maayos kayong kalagayan at palakihin mo sya ng tama. Kalimutan mo na lang ako. Dahil iyon ang dapat. Kung sakaling man dumating ang panahon na makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo. Sana piliin mo ang hindi ka sasaktan at sasamahan ka habang buhay. Hindi tulad ko na ang mga pangako ko sayo ay hindi natutupad dahil napagtanto ko na wala na akong nararamdaman sayo. Nawala na ang pagmamahal ko sayo na parang bula nang makilala ko si Jane. Patawarin mo ako kung nasaktan kita pero ito ang nararapat kong gawin dahil ito ang gusto ng puso ko. Mag-ingat ka lagi lalo na ang magiging anak natin.
Patawarin mo ako Anaya. Pero alam kong walang kapatawaran ito.Wag kang mag-alala dahil kung kinakalimutan mo na ako binura na kita sa mundo ko. Dahil hindi na kita mahal. Lahat ng iyon ay kasinungalingan lang.
Wag ka ng umasa pang babalik pa ako dahil hindi na ako babalik pa. At kung nababasa mo ito. Ito na ang huli kong sulat at mababasa ang sulat ko. At ito na ang huli nating komunikasyon.
Mag-ingat ka at ang anak natin.
Paalam......
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...