Chapter 59

117 1 0
                                    

Chapter 59(IN YOUR ARMS)








ThirdPersonPoV





"Anaya? Iha bumalik ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka muna dahil bukas na bukas din uuwi na tayo ng bahay." sabi sa kanya ni Sir Augustus.

Pero hindi sya tumingin dito. Nakatingin lang sya kay Hector na natutulog na hindi pa magising. Hindi nya alam kung bakit parang wala itong pakiramdam.

"Sige na Anaya. Makinig ka kay Augustus. Bukas doon ka na sa bahay magpahinga. Bumalik ka na sa kwarto mo." sabi naman ni Ma'am Solidad.

Gabi na pero andito parin sya. Nagulat ang mga ito ng makita sya rito na nakaupo sa tabi ni Hector na hindi nito inaasahan na narito sya.

"Bakit hindi nyo kaagad sinabi sakin? Bakit kailangan nyo pang magsinungaling na ayos lang sya? Ayos po ba ang kalagayan nya bakit hanggang ngayon hindi parin sya nagising?." tanong nya sa mga ito habang nakatitig sa mukha ni Hector.

Maga ang kanyang mga mata. Namumula dahil sa pagluha na hindi nya mapigilan ang kanyang sarili.
Mas masakit pala na makita ito na ganito ang kalagayan.
Ayos lang sya pero bakit ganito ang sinapit ni Hector?
Bakit pati kasama nito ganoon din ba? Bakit hindi pa ito gumigising kung ayos lang ito?

"Anaya? Bumalik ka muna sa kwarto mo. Kailangan mo munang kumain at magpahinga muna. Hindi magugustuhan ni Hector na makita ka na ganyan." sabi ni Ma'am Solidad na humawak pa sa kanyang balikat at hinaplos haplos iyon.

Napasinok na lamang sya at pigil ang kanyang pag-iyak. Masakit pala. Bakit ganito kasakit?

"Hindi naman sinabi sayo dahil ayaw ka naming mag-alala at baka makasama pa sa anak nyo. Sa tingin mo ba matutuwa si Hector pag nalaman nyang may mangyaring masama sa inyong dalawa? Hindi namin sinabi dahil ayaw kong madagdagan ang sakit na nararamdaman mo lalo na at kamamatay lang ni Rupert. "sabi ni Sir Augustus.

Napatingin na lang sya kay Hector. Tulog parin ito. Napaluha sya at walang masabi dahil nalinawan sya kung bakit. Tama na ang sakit na nararamdaman nya ng mawala ang kanyang ama. Pero heto sya nararamdaman nya naman ang sakit na baka kung anong mangyari sa kanyang pinagbubuntis.

"Sorry.... Hindi ko po alam.." nasabi nya habang lumuluha parin.

Tahimik ang mga ito. Walang sinabi kundi hinaplos lang ang kanyang balikat na pinapatahan sya ni Ma'am Solidad.

"Ayos lang sya Anaya wag kang mag-alala sa kanya. Dahil baka bukas gigising na sya. Dahil hindi naman gaanong kalala ang tinamo nya. Hindi tulad ng drayber na kasama nyo. Namatay na ito." sabi ni Ma'am Solidad.

Napatango tango sya sa kanyang nalaman. Parang nakahinga sya ngunit hindi parin sya kampante sa sinabi nito lalo na nang sabihin nitong patay na ang kasama nila. Bakit ito nangyayari sa kanya?

"Kaya sige na bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga ka muna at bukas sasabihin namin kung ayos na sya pwede mo naman syang dalawin dito. Gigising sya dahil hindi naman kalala ang lagay nya. Sige na Anaya." sabi ni Sir Augustus

Wala syang magawa kundi tumango na lamang at nalulungkot na tumayo. Inalalayan naman sya ni Ma'am Solidad.
Napatingin sya kay Hector at bahagyang ngumiti kahit malungkot sya. Sana bukas na bukas gigising na ito dahil bakit matagal kung matulog ito? Aasahan nyang magising ito. Magising lang ito magiging panatag na sya.
Dahil ayaw nyang mag_isip ng kung ano ano. Nasasaktan sa sinapit nito.
Aasahan nyang magising ito bukas. Dahil dadalawin nya ito.

Iniwan nya nga ang kwarto kung saan naroon si Hector. Wala syang magawa kundi isipin ito. Nag-alala sya at umaasa na maging maayos ang kalagayan nito. Hindi na sya mapakali na dalawin ito kinabukasan upang makita ito. Kailangan muna nyang magpahinga katulad nang sinabi ng magulang ni Hector.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon