Chapter 46

166 1 0
                                    

Chapter 46(IN YOUR ARMS)

Ms. M  #Warning #spg ⚠ ⚠️ ⚠️ ⚠️ konti.
Medyo mahaba talaga itong kwento na ito? Tingin ko nga 😃. Kaya hintay hintay lang. Salamat sa inyong lahat.


ThirdPersonPoV


NAPANGITI NA LAMANG SI ANAYA habang nagluluto ng umagahan nila ni Hector.
Dahil sila naman talaga ang gumagawa ng umagahan nila dahil wala na rin naman ang mga kasambahay. Hindi nya alam kung kailan babalik pero hindi nya parin natatanong kay Hector.
At minsan nakakausap naman nya si Sir Augustus at Ma'am Solidad pero saglit lang at nangungumusta lang ito sa kanya.

Kadalasan tungkol sa bata ang binabanggit nito. Nagtatanong pa nga kung inaaraw araw sya ni Hector? Gusto nyang sabihin na halos nga. Kung hindi lang talaga sya nagdadrama baka oras.
Gusto ng magkaroon ng apo ni Sir Augustus kaya siguro pumayag naman sya na sakaling mabuntis sya tatanggapin nya. At hindi nya parin nasasabi sa kanya ama tungkol doon. Hindi nya masabi iyong paghahabol sa kanila dahil ayaw nyang mag-alala ito sa kanya. Matanda na ito at ayaw nyang dumagdag pa sa iisipin ng kanyang ama gusto nyang sabihin lagi na ayos lamang sya.

"Kumusta ka naman diyan? Sis? Ayos ka na ba?." tanong ni Brave sa kanya habang kausap nya ito sa Video call.
Habang naghahanda sya ng makakain.

Napangiti na lamang sya bago tumango kay Brave.

"Oo naman, ikaw? Ikaw ang dapat tanungin ko dahil baka iniisip mo pa iyong nangyayari noon nakaraan." napangiti pa sya pero tumaas lang ang kilay nito.

"Hindi! Gaga? No? Bakit lagi ko iyong iisipin? Walang nanggugulo sa akin sa atin? Right? Nagtataka lang ako kung saan nagpunta ang mga ugok na iyon. Lakas ng mga baliw na iyon para magbalak ng masama sa atin? Kung saan man ang mga hinayupak na iyon. Sana pumunta na lang sa impyerno! Walang kasing sama ang ginawa nila sakin. Mga animal!. "napatahimik na lamang sya dahil sa sinabi ni Brave.

Parang wala itong alam hindi yata nito nakita ang hawak na baril ni Hector? Dahil nawala na lang sa kanilang paningin. At  hindi yata napansin nito ang dugo sa katawan nito. Hindi nya alam kung bakit hindi ito nagtatanong sa kanya.
Napansin nyang walang mga lalaking iyon at hindi nya na nakita pa. Gusto nyang tanungin si Hector kung ano ba talaga ang ginawa nito at kung saan nagpunta baka naman natakot lang? Nagtataka lang sya.

"Oo nga pala. Mabuti na lang na ligtas tayo." napangiti na lang sya ng tipid

"Mabuti na lang dumating ang asawa mo. Nakakakilig sis. Yakap yakap ka noong dumating ang super hero mo. Kung hindi lang sya dumating hindi ko alam kung anong mangyayari sa atin. Kaya nagpapasalamat ako sa asawa mo. Pangalawang buhay ko na yata ito." napailing na lamang sya dahil sa kaseryosohan ni Brave.

"Ang seryoso mo hindi ako sanay." nasabi nya kaya natawa ito.

"Oo na, ayaw mo ng ganoon? Sige, pero alam mo ba para akong basang sisiw noon umuwi sa bahay. Nagtataka ang mga magulang ko kung anong nangyari sa akin. Kaya sinabi ko sa kanila. Pero ngayon panatag na ako dahil wala na iyong mga ugok na iyon. Bigla na lang nawala. "sabi nito sa kanya.
Nagtataka rin sya kung bakit bigla na lang nawala ang mga iyon. Hindi nya alam pero pinili na lang nyang manahimik. Pero nakarinig sya ng mga putok. At may dugo sa kamay ni Hector. Naguguluhan lang talaga sya.

"Oo nga pasalamat na lang tayo dahil wala na iyon. Siguro naman magiging panatag ka na. Walang manggugulo sayo." napangiti pa sya ng kaonti pero lumaki lang ang mga mata nito.

"Sis?." tawag nito sa kanya kaya nagtataka na lamang sya.

"Bakit?." taka nyang tanong pero ngumuso lang ito ng ngumuso. Na parang may tinuturo.
Pero nguso lang ito ng nguso na parang natatawa na lamang.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon