Chapter 4

354 4 0
                                    

Chapter 4(IN YOUR ARMS)

Ms.M
Thanks po sa lahat.
Hindi po ako magaling pero susubukan parin ang makakaya na maging maayos ito. Walang perpekto sa sulat. Kaya asahan na maraming mali. Merci beaucoup.


ThirdPersonPoV


"Alam mo Anaya masaya ako dahil pinayagan ka ni mang Rupert na sumama ka sa akin. Masaya talaga ako dahil nakasama ulit kita." sabi nito sa kanya habang nakatingin sa ilog. Maganda ang ilog habang pinagmamasdan na umaagos ito sa kabila ng lahat na dumating na panahon ay malinis pa naman ito.

"Bakit?." tanong nya pa rito kahit hindi nya alam kung anong itatanong kay Arthur. Nagiging wala yata sa sarili habang kasama ito.

Nakangiti itong tumingin sa kanya at humarap pa ito pero hindi sya humarap dito.
Napapangiti na lamang sya ng lihim habang hindi alam ang nararamdaman sa ngayon.

Pumunta muna sila dito bago pumunta sa palengke na pwede na rin sumakay na lang ng traysikel patungo doon.
At habang nasa tabi ng tulay na may ilang dumadaang sasakyan. Hindi nga nagkamali na dalhin sya rito ni Arthur.. Masaya dito lalo na at kasama nya ang taong importante sa kanya.

"Bakit bakit?." tanong nito nito sa kanya pero napasulyap lamang sya rito.

"Masaya ako na kasama kita dahil hindi ako mapakali habang hindi kita nakikita. Alam mo ba kapag nasa Hacienda ako lagi kitang naiisip. Hindi ko alam Anaya pero lagi kang laman ng isip ko." may kaseryosohan nitong sabi sa kanya kaya napatingin sya rito.

Tumambol ang kanyang puso dahil sa sinabi nito sa kanya bago napangiti na lamang ng tipid.
Tumabi ito sa kanya bago tiningnan sya nito sa kanyang mga mata.
Bago hinawakan nito ang kanyang kamay.

"Gusto kitang dalhin dito dahil gusto kitang makausap at gusto kong makasama kita. Anaya.." sabi nito sa kanya kaya napatingin na laman sya rito.

"Arthur?." taka nyang tanong dito habang nakatingin sa kamay nito na hawak ang kanyang kamay.

Kinakabahan sya sa mga kinikilos nito. Habang umiihip ang hangin na tinatangay ang kanyang buhok.

Napaiwas sya ng tingin dahil sa seryoso nitong mga matang nakatitig sa kanya.

"May dumi pa ako sa mukha?." natawa nyang tanong dito pero pinisil nito ang kanyang kamay.
Bago bumuntong hininga at ngumiti ng tipid sa kanya.

"Anaya, dinala kita dahil gusto kong masabi ang nararamdaman ko sayo." panimula nito sa kanya kaya napatitig sya kay Arthur.

"Alam kong mabilis ba ang lahat? Alam mo ba Anaya na magkaibigan tayo pero iba ang nararamdaman ko sayo. Hindi ko alam pero simula pa lang nahuhulog na ang puso ko sayo.
Minahal na kita ng hindi mo alam. Siguro ito na iyong pagkakataon na sabihin ko sayo dahil nasa tamang edad ka na. Hinintay lang kitang dumating sa tamang edad para magsabi ko ito sayo. "bumuntong hininga ito kaya napaiwas na lamang sya ng tingin.

"Mahal na kita noon pa man pero hindi mo alam. Natatakot akong umamin sayo baka layuan mo ako pero wala na akong pakialam kung anong sasabihin mo sakin basta gusto ko lang sabihin na mahal kita. Hindi bilang kaibigan kundi lalaking magmamahal na sayo." sabi nito sa kanya kaya hindi nya maiwasan makaramdam ng tuwa at pagkabigla sa sinasabi nito sa kanya.

"Kahit anong sagot mo sakin kung may nararamdaman ka sakin Anaya tatanggapin ko. Gusto ko lang sabihin na mahal kita. Mahal kita Anaya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umibig isang tulad mo. Kahit anong mangyayari hindi na magbabago ito. Pinigilan ko naman pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang pigilan ang puso ko na mahulog sayo dahil natatakot akong malaman mo ito.. "sabi nito sa kanya habang seryoso ang mukha nito.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon