Chapter 8(IN YOUR ARMS)
Ms.M
Thanks sa lahat ng patuloy na nagbabasa nito ☺️ThirdPersonPoV
Makalipas ang ilang araw ng pumunta ang matagal na palang kaibigan ng kanyang ama. Napapansin ng si Anaya ang pagiging tahimik nito minsan at parang malalim ang iniisip nito. Minsan nagtatanong sya kung bakit ang tahimik nito pero napapangiti na lamang sa kanya ay sasabihin na ayos lamang ito. Hindi alam ni Anaya kung bakit ganoon ang kanyang ama. At nagtataka sya kung bakit parang nagiging tahimik ito. Siguro ganoon talaga? O baka naman dahil sa pagpunta ng kaibigan nito? At nasasabik nitong makitang kaibigan ay nakita na. Matapos ang matagal na panahon.
Napabuntong hininga siya ng masilip Anaya ang kanyang ama na nakaupo ito sa labas kung saan parang marami itong iniisip dahil malayo ang tingin nito. Nasa loob sya sa ng bahay at pinagmamasdan ang kanya ama na parang malungkot ba ito? Hindi nya alam baka dahil sa kanyang ina na hindi makita? Kahit nawala ang kanyang ina hindi sya nito tinuring na iba ng dahil namatay ang kanyang ina dahil sa panganganak sa kanya. Maswerte parin sya sa kanyang ama dahil mabuting tao at hindi sya nito pinapabayaan sa kabila ng lahat.
Napabuntong hininga sya bago naisipan lumabas ng bahay. Tiningnan nya ang kanyang ama na tahimik ito na para bang may iniisip lagi. Nakatingin sa malayo at nag-iisa na para bang ayaw ng kausap?
Lumapit sya rito bago naupo sa tabi nito. Ngumiti sya ng tipid bago tumingin sa kanyang ama na tahimik ito.
"Pa?Iniisip mo na naman ba si mama?." tanong nya rito habang nakatingin sa nakatagilid nitong mukha.
Kita nya ang pagbuntong hininga nito bago parang nagulat pa itong nasa tabi sya nito."Huh?Anaya?." tanong nito sa kanyang pabalik dahil hindi yata sya nito napansin. Napangiti na lamang ito ng makita sya ngunit doon ang lungkot sa mga mata. Kaya nagtataka sya kung bakit.
"Naalala nyo na naman po ba si mama?." tanong nya rito kaya hindi ito sumagot sa kanya. Kundi napangiting napatitig na lamang ito sa kanyang mukha bago tumingin sa kawalan.
"Sana maging maunawain ka sa mga bagay na nasa paligid mo Anak.." panimula nito kaya nagtataka syang napatingin at nakinig sa sinasabi nito.
"Alam kong mabuti kang tao at may mabuting puso na kaya mong maging maunawain kahit sa mahirap na sitwasyon. Alam kong tao ka lang na may nararamdaman at balang araw na mararamdaman mo ang galit bilang isang tao.
Minsan anak ang ginagawa ng isang tao ay para lamang sa kabutihan at sa tingin nya ay nakakabubuti. Gusto kong mapatawad mo ang taong may nagawa sayong mali at naunawain mo sya kung bakit. "mukhang malalalim ang sinasabi ng kanyang ama kaya nagtataka na lamang syang nakinig dito at hindi nya maintindihan kung anong pinupunto nito."Gusto kong maging maunawain ka sa lahat ng pagkakataon ng iyong buhay. Minsan may nagawa sa atin ang isang tao ng ikakasakit ng damdamin natin kahit mahal natin sa buhay. Gusto kong maunawain mo kung bakit at kapag naunawaan mo na gusto kong patawarin mo sya.
Parang ako Anaya... "sumulyap ito sa kanya habang may pagtataka sya sa kanyang mukha."Kapag ako nagkamali sayo sana mapatawad mo ako. Kahit alam kong kasalanan ko naman. Minsan sa buhay natin may nagagawa tayong mali na hindi natin sinasadya.. Kahit iyong usapan palang biro lamang pero naging totohanan. Mahirap baliin. Mahirap at hindi maganda ang dulot sa isang tao pero sana maintindihan mo kung bakit. Kahit mahirap at hirap unawain ang lahat. Minsan nagkasala ang isang tao ngunit naghihintay ng kapatawaran. "sabi pa nito sa kanya habang may katanungan sa kanyang sarili.
"Pa? Hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig nyong sabihin?.." taka nyang tanong sa kanya pero nakatingin lamang ito sa malayo.
"Balang araw mauunawaan mo rin ako. Pero sana magkaroon ka ng maunawain puso sa lahat ng pagkakataon ng buhay mo.
Mapatawad mo ang mga taong nagawa kang saktan. Kung sakaling magalit ka sa tamang panahon gusto kong malaman mo anak.... Na patawarin mo ako.. "sabi pa nito sa kanya kaya napabuntong hininga na lamang sya bago ngumiti ng tipid.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...