Chapter 48(IN YOUR ARMS)
Ms. M
Salamat sa lahat na patuloy na tumatangkilik nito kahit hindi naman kagandahan. Susubukan ko parin maging maayos.ThirdPersonPoV
PARANG walang tao sa bahay. Iyon ang nararamdaman ni Anaya. Tahimik nga lang sya at hindi nya parin nakakalimutan si Arthur ang pagkikita nila. Pero mas napapansin nya ang pagiging tahimik ng buong kabahayan. Wala si Hector hindi nya mahagilap kung saan man ito.
Nakita pa lang nya kanina lang pero parang tahimik lang ito. Wala naman syang ganang magsalita kung hindi naman ito magsasalita. Alam na lamang nya ay gabi na at nakakain na sya. Kumain na sya habang wala ito kung saan man ito ng lupalop ng bahay. Parang walang katao tao lang.Napabuntong hininga na lamang sya at nilipat ng ibang tsanel ang telebisyon. Habang nakaupo sa sofa at hindi naman sya mapakali sa kanyang kinauupuan. Panay ang tingin nya sa taas baka bumaba ito.
Napabuntong hininga sya ulit at nanood na lang ng kdrama.
Nakatuon ang kanyang paningin sa kanyang pinapanood na hindi naman nya na natapos.
Nakatutok lang ang kanyang paningin sa kanyang pinapanood at hindi nya pala napansin ay umiiyak na pala sya.
Para syang tangang lumuluha habang pinapanood ang palabas sa telebisyon . Namatay kasi ang lalaki kaya iyak ng iyak ang babae. Nakakadala lang panoorin.Napapunas na lamang sya sa kanyang mga mata bago pinatay ang TV. Panay parin ang luha nya na nagmumukha syang baliw masakit para sa kanya iyon. Maiwan ang babae dahil namatay ang lalaki.
Pakiramdam nya sa kanya nangyayari."Wtf? Why are you crying?!." nagulat pa sya na makita si Hector na kunot noong nakatingin sa kanya.
"Huh? Ah?." taka nyang tanong dito.
"Bakit ka umiiyak? Is there something wrong?." tanong nito sa kanya kaya napapunas na lamang sya ng luha. Tumabi ito sa kanya ngunit nakakunot parin ang noo nito.
"Wa-la lang ito. Wag mo akong pansinin." nasabi nya habang nagpupunas ng luha.
Nakatingin lang ito sa kanya ngunit naging seryoso ang mga mata nito."Tell me, sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak." sabi ni Hector sa kanya kaya napatingin sya sa mukha nito. Naging seryoso lang ang mukha nito at nakatitig sa kanya.
"Masakit..." nasabi nya at tinuro ang kanyang dibdib.
Seryoso ang mukha nito na nakita nyang umigting ang panga nito."Masakit parin sa dibdib. Masakit maiwan ng isang lalaking mahal mo. Parang ang sakit sa dibdib maiwan na lang bigla at hindi inaasahan. Kaya ako umiiyak dahil masakit sa dibdib. Ako iyong nasasaktan ng maiwan ang babae ng isang lalaki. Ako iyong nasasaktan.. "naluluha nyang sabi kay Hector.
Para syang tanga na lumuluha dahil sa palabas na iyon. Hindi lang talaga nya matanggap.
Nakita nyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Napabuga ito ng hangin at umiwas ng tingin sa kanya.
Tumayo ito at mahinang napamura na lamang."Matulog ka na. Mas mabuti matulog ka na." sabi nito sa kanya na nakatalikod sa kanya.
Nagtataka na lamang syang napatingin sa dito dahil napahagod pa ito sa buhok ng ilang beses at pinatunog pa nito ang kamao nito."O-okay?." nasabi na lang nya kay Hector.
At dahan dahan na lang syang lumakad paaalis doon pero napatigil sya at tumingin kay Hector na nakatingin pala sa kanya. Seryoso ang mukha nito kinasanayan na lamang nya."Nauna na akong kumain. Kumain ka na lang diyan." mahina nyang sabi at dahan dahan lumakad paakyat sa kwarto nilang dalawa. Dahil sa kwarto na sya nito matutulog.
Pumasok sya sa kwarto ni Hector agad syang nagtungo sa kama at humiga doon. Patagilid syang nahiga roon at naalala nya si Arthur. Naalala nya lang dahil makalipas ang ilang taon nakita nya sa ibang lugar. Nakita nya at hindi nya inaasahan.
Hindi nya inaasahan na makita pa si Arthur. Bakit nakita nya ito ngayon pakiramdam nya ay bumabalik ang dati? Nagtataka sya kung bakit ganoon na lang kabilis ang pakikipaghiwalay sa kanya. Dahil ba sa mahirap lang ito? Hindi naman nga sya mayaman. Pero noong araw na noong kasal na sya sa ibang tao. Noon pa lang wala na pala syang karapatan magmahal ng ibang lalaki sa buhay nya dahil kasal na sya na wala syang kaalam alam.
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...