Chapter 43

194 3 0
                                    

Chapter 43(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Salamat sa inyong lahat. Sisikapin kong maging maayos ang daloy. Kahit hindi magaling.. Merci beaucoup!

ThirdPersonPoV

"Sis? Alam mo bang balita na sa school na may asawa ka na raw? Sa room natin hindi mo ba iyon alam?." sabi ni Brave sa kanya.

Naglalakad sila patungo sa kanilang room na nasa unang palapag lang.
Napatingin sya rito at napangiwi na lamang.

"Hayaan mo na Matapang. Totoo naman iyon bakit ko itatago pa?malalaman talaga nila na may asawa na ako kung pumunta si Hector dito. At kahit noon pa man lagi akong tinatawag na Mrs. Swartswelder kaya hindi na sila magtataka kung bakit." parang wala lang sa kanya iyon.

May ibang nakakasalubong sila na kapwa nila estudyante.
Napatingin ito sa kanya bago ngumiti na lamang.

"Oo nga pala hindi na sila magtataka kung bakit pero tanggap mo na talaga? Sabagay sino ang hindi tatanggap sa gwapong iyon? Heh? Diba?." napabuntong hininga na lamang sya bago pumunta sa nakaharang sa pangalawang palapag ng paaralan at tumingin sa kabuuhan ng paaralan. Nakikta nya ang iba't ibang ginagawa ng ilang kapwa nya estudyante.

"Tanggap ko naman na Brave kung anong buhay ko ngayon. Para lang sa kagustuhan ni Sir Augustus at Papa susundin ko iyon. Dahil iyon na lang ang paraan para masuklian ko man lang ang kabutihan ng pamilya ni Hector sa akin. Binihisan ako, pinakain at hindi pinabayaan. Naging prinsesa ako sa bahay na iyon kaya iyon na lang ang paraan para masuklian ko ang lahat ng iyon. "seryoso nyang sabi kay Brave.

Napatingin ito sa kanya at naging seryoso naman ang mukha nito.

"Kahit hindi mo sya mahal at hindi ka ba nya mahal magtitiis ka sa buhay mag-asawa? Hindi mo na mapapakasalan ang taong tinitibok ng puso mo. Wala ka ng kalayaan pang umibig ng iba kung kasal ka na asawa mo." sabi nito sa kanya.

Parang totoo talaga si Brave. Hindi naman talaga sya mahal ni Hector at hindi nya alam sa kanyang sarili kung bakit nakakaramdam ng lungkot. Ganoon din ba sya? Sinusubukan lang maging ayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa dahil iyon naman na ang gusto ni Sir Augustus. Maging maayos silang dalawa ni Hector.

"Ayos lang sa akin Brave. Wala na sa akin iyon dahil sa ngayon gusto kong maging maayos ang lahat sa amin. Kahit wala syang nararamdaman para sa akin. Ayos lang basta magiging mabuti man lang akong asawa dahil iyon ang gusto ni Sir Augustus." tugon nya kay Brave.

Napabuntong hininga ito.

"Bilib din naman ako sayo. Hindi ko alam kung mas matapang ka pa sa pangalan ko. Kung anuman ang nararamdaman mo ngayon. Kung anong saloobin mo andito lang ako makinig sayo. Susuportahan kita kahit anong mangyari. Diba dahil sis tayo." ngumiti ito sa kanya

"Oo naman, salamat parin sa lahat Brave dahil diyan ka parin." ngumiti sya rito kaya napatango tango ito sa kanya.

"Hindi naman kita susuportahan diyan sa gusto  mo kung hindi lang talaga gwapo at may pera iyang naging asawa mo. Kung wala naku matagal na kitang kinaladkad para umuwi sa inyo." natawa ito umiiral na naman ang kalokohan nito.

"Ewan ko sayo? Pasok na lang tayo." nauna na syang lumakad papalayo rito patungo sa kanilang room.

Pumasok sila sa room kasunod nya ito. Nakita nya pa ang ilang estudyante kagaya nya na abala sa lahat. Hindi na lang nya pinansin at naupo sa isang sulok at tumabi naman sa kanya si Brave.

Hinihintay nya lang ang guro nila para magsimula na. Huling subject na nila ito baka pwede naman ng matapos na?

Napaayos ang upo ng lahat at bumati sa guro nila ng pumasok ito. Ang babaeng nakasalamin at nakasuot ng uniform nito sa school. Bumati ito sa kanila ganoon din sila.
Napalibot ang mga mata nito sa loob ng room bago hinawakan ang salamin nito.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon