Chapter 31(IN YOUR ARMS)
Ms. M
I want to read your opinion about my story libre mag comment po kahit d kagandahan iyong story hahaThirdPersonPoV
"HINDI TOTOO IYAN SIR AUGUSTUS." sabi ni Anaya bago napatayo na lamang.
Para syang baliw na hindi maintindihan ang kanyang sarili. Nasasaktan sya sa kanyang nalalaman dito at hindi nya alam kung totoo ba talaga? Ni hindi nga nya nakita ang sarili na ikinasal? Kanino?
" Iyon ang totoo Anaya. Kasal ka kay Hector matagal na. Noong panahon simula ng dumating ka dito sa bahay na ito. Kung ayaw mong maniwala sa aking mas mabuting tanungin mo ang iyong ama at alam nya ang lahat na ito. Alam ito ni Hector noon pa man. Iyong panahon na dese-otso ka pa lang kaya maniwala ka sa akin dahil hindi totoo iyon. Naalala mo ba iyong pinirmahan mo? 4yrs ago? You still remember that? Anaya?.. "paliwanag nito sa kanya ngunit bumuhos lamang ang kanyang luha na tumalikod dito.
"Bakit nyo po ginagawa sa akin ito? Bakit ngayon nyo lang sinabi sa akin? Sa buong buhay ko na naninirahan dito sa bahay nyo. Nagsisinungaling pala kayo sa akin? Dahil po ba iyon sa ikinasal ako kay Hector? Iyong anak nyong walang ginawa sa akin kundi kabaliwan? Ang sakit Sir Augustus.
Ang sakit sa pakiramdam na wala akong kaalam alam sa lahat habang dito sa ako sa bahay nyo.. "humarap sya rito ngunit seryoso ang mukha nito.Pinunas nya ang kanyang luha habang nasasaktan ang kanyang sarili.
"Alam mo ito ni Papa? Alam nya ito dahil nagkasundo kayo? Hindi nyo alam ang nararamdaman ko ngayon sir Augustus kundi pagkabigla at sakit dahil sa buong buhay ko wala akong alam. Kaya pala wala na akong kalayaan ikasal sa iba dahil nakatali na ako sa anak nyo? Sir Augustus. Nakakagulat po. Ang sakit dito sa puso ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa ngayon.. "sabi nya habang na iiyak na lamang.
"Patawarin mo ako Anaya.. Buksan mo lang ang puso mo anak. Wag ka sanang magagalit. Pakiusap.." sabi nito nito sa kanya pero napayuko na lamang sya bago nagsalita.
"Hindi ko po alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Pero ang alam ko po sa buhay ko kahit pamilya ko niloloko ako." sabi nya bago tumalikod na lamang at iniwan si Sir Augustus.
Kung bastos man syang kausap wala na syang magagawa doon. Dahil ang alam nya lang sa buhay ang mga taong nasa paligid nya ay manloloko.
Pumasok sya sa bahay at napapatingin sa kaniya ang mga kasambahay ganoon din si Ma'am Solidad na napatayo pang makita sya.
Na tumingin kung saan sya nanggaling.Umakyat sya sa taas patungo sa kwarto bago naupo sa kama bago binuhos nya ang luhang gusto ng kumawala sa kanya.
Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam nya ay wala na syang takas sa kasal na ito? Hindi sya tanga bakit sya naging tanga noon? Bakit hindi nya alam iyong? Alam ng kanyang ama? Niloloko sya nito sa buong buhay nya?
Ito na lang ang pamilya nya pero pinataksilan sya. Ginawa syang taong tanga at wala syang alam sa lahat. Kaya pala? Kaya pala ganoon ba ang ginagawa sa kanya ni Hector dahil asawa nga ito?
Kahit kailan hindi nya iyon ginusto. Ayaw nya ng ganitong buhay. Sana hindi na lang sya at hindi nya nakilala ang pamilyang ito kung sakit lang ang kanyang nararamdaman sa ngayon.
Kaya pala daddy ang tawag nya dahil anak na sya nito? Napakalaki nyang tanga sa buhay nya.Wala syang nagawa para ganituhin. Wala syang nagawa para paglaruan ang isang tulad nya. Wala syang kasalan man lang para gawin iyon ng kanyang ama sa kanya.
Wala naman syang kasalanan pero bakit ganoon? Nakakasakit lamang sa kanyang puso ang nararamdaman nya.Kahit kailan hindi nya ginusto na matali sa tulad ni Hector.
Hindi nya gustong matali sa isang tulad nito? Kaya pala parang galit ito dahil ikinasal sya? Ikinasal sya sa papel ganoon ba iyon?
BINABASA MO ANG
IN YOUR ARMS
RomanceDahil gustong makapag-aral ni Anaya pumayag syang tumira sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama. At nakilala nya roon ang binatang malamig ang mga tingin at turing sa kanya. Si Hector, Ang binatang doble ang tanda sa kanya. Hindi maintindihan kung gano...