2

38 3 0
                                    

















Nasundan ko ng tingin ang isang pamilyar na kotse na huminto sa harapan ng coffee shop kung saan ako naghihintay. Nang bumaba doon ang lalakeng inaasahan ko na susundo sa akin ay umayos ako ng upo atsaka sinulyapan ang aking repleksiyon sa phone ko.

He's just wearing a black t-shirt paired with his blue jeans, so simple but he stole the spotlight when he entered the cafe. Tila ba nagliwanag ang buong paligid sa kabila ng malamlam na ilaw na bumabalot sa paligid.

Bahagya akong napailing dahil sa reaksiyon ng mga kababaihan sa paligid.

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kaniya.

Wala siyang balak na itago sa iba ang mukha.

He loves having this spotlight.

Mas lalo tuloy siyang yumayabang.

Well.

Siya nga si Miguel Rivera. The one and only.

Nang makalapit siya ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko mula sa upuan.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay sa kaniyang ginawa.

I'm wearing a simple black three-quarter sleeve crop top and paired it with a high waisted grey skort to look feminine and unique. And a black leather ankle boots for a cool and chic look.

Ano ang problema niya?

Tumawa siya ng mahina at pinamulsahan ako.

"What?" Tanong ko sa kaniya at humakbang patiuna sa kaniya.

"I'm just wondering. Bakit ka iniiwan ng mga nobyo mo kung ganiyan ka naman kaganda." He replied.

"Kailangan mo talagang ipamukha na iniiwan ako?" Pagsusungit ko sa kaniya.

Inakbayan niya ako nang makalabas kami ng cafe at huminto sa paghakbang kaya napahinto rin ako.

"No. Ipinapamukha ko lang na maganda ka at nagkamali sila na iwanan ka."

Bahagya akong natawa pero hindi ipinahalata sa kaniya ang tuwa ko sa aking narinig.

"Okay lang iyan. At least kapag iniiwan ka, may karamay ka." Proud pa niyang sabi sabay tapik sa sariling dibdib. "And that's me."

"Woah? Talaga?" Sarkastika ko na sambit at inialis ang braso sa balikat ko. "Kaya pala noong tawagan kita kailan lang ay busy ka at kasalukuyan na umuungol—

"Hey." Suway niya sabay bukas sa pintuan ng kaniyang  Blue Ferrari na kaniyang pinakaiingatan. "Hindi ako iyon."

"Sino? Iyong kaulayaw mo?" Irap ko na sagot at pumasok na sa loob. Muntik ko na siyang masapak nang yumukod siya at ilapit ang mukha sa akin. "A—Ano ba?"

He smirked and leaned more towards me.

"Bakit? Masama ba na umungol kapag nag-e-enjoy?"

"B—Baliw!" Nautal ko na sambit at pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko.

"Seatbelt po." Aniya na ngingiti-ngiti at siya mismo ang naglagay ng aking seatbelt.

Umiwas ako ng tingin at tumitig  sa harapan habang hinihintay siya ba makapasok.

Nang makapasok siya at buhayin ang makina ng kotse niya ay napatitig ako sa phone niya na umilaw. Unknown number iyon pero nakita ko ang mensahe nito sa kaniya.

Unknown number
So wala kang balak na puntahan ako.

Iyon ang nabasa ko at nakita ko kung paano niya sinulyapan ito.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon