Nakadapa ako sa kama at hindi ko alam kung ilanh oras na ako sa ganoong posisyon pagkatapos kong makausap si Frances.
Tinawagan ko siya pagkatapos mag-text sa akin ni Miggy dahil hindi niya sinagot ang tawag ko.
He's not like that.
There's something off.
Kaya tinawagan ko si Frances para manigurado.
Pakiramdam ko, nagsisinungalin siya sa akin.
"Hey, breakfast is ready. Bumaba kana daw sabi ni Dad. Don't you ever dare to skip your meal. Lagot ka kay Dad."
Lumingon ako kay Kuya at lumabi. "Tinatamad pa ako."
He clicked his tongue with irritation and walked towards my bed. Nang makalapit siya ay hinila niya ang aking kumot na nakatakip sa akin.
"Kuya!"
Nang hawakan niya ako sa braso at pilitin na tumayo ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod.
Hawak niya ako sa braso nang bumaba kami ng hagdanan hanggang sa makapunta kami ng dining room.
Pinaupo niya ako sa tabi ni Dad atsaka siya umupo sa tabi ni Natasha.
"Ayaw bumaba." Sumbong niya kay Mom.
Tinignan ako ni Mom at kumunot ang noo.
"Gusto mo ba na magkasakit lalo, Natalie? Matanda kana para umarte ng ganiyan. May panobyo-nobyo ka pang nalalaman pero-"Mom." Awat ko at kinuha ang kutsara at tinidor. "Kakain na."
"Good." Ngumiti kaagad si Mom atsaka uminom ng tubig.
"You should take good care of yourself, okay?" Nakangiti rin na sabi ni Dad sa akin kaya nakangiti rin akong tumango.
"Sir, nandito po si Sir Miko."
Napatingin ako sa kasambahay namin na nagsalita at nasa likod nito si Miko. Nakatayo doon at sa akin mismo nakatitig. Napakaseryoso ng mga titig niya sa akin habang naglalalad papalapit sa amin.
"Hey, ang aga mo?" Ani Kuya at tumayo.
"Yeah. Nabanggit mo kasi ang nangyari kay Natalie. Kaya napadaan lang ako sandali. Well.." binitin niya ang sasabihin habang nakatitig sa akin at itinaas ang hawak na mga bulaklak at prutas.
Tumawa si Kuya at lumingon sa akin. "She's fine now. Kahit papaano."
"Good morning po." Bati niya kina Mom at Dad. At timingin kay Natasha. "Hi Natasha."
"Hi..." ngumiti si Natasha at nagpatuloy sa pagkain.
"Galing dito ang kapatid mo kagabe." Ani Mom at sinenyasan siya na maupo at sumabay sa amin.
Pero bago siya sumunod ay dumaan muna siya sa akin at inilapag sa upuan sa tabi ko ang mga dala niya.
Nang tignan ko siya ay wala ng ngiti sa kaniyang mga labi.
"Let's talk later." Aniya sa napakahinang tinig bago unupo sa tabi ni Mom.
"Makikipag-almusal ka lang eh." Nakaismid na sabi ni Natasha at inabutan siya ng plato.
"Parang ganoon na nga." He laughed a little and accepted the plate from Natasha.
"How's the business?" Dad asked.
Nakangiti siyang sumagot at hindi na ako nakinig pa sa usapan nila. Tahimik akong kumakain at kapag nag-aangat ng tingin ay nahuhuli siya na nakatitig sa akin.
Nang tumayo si kuya ay tumayo rin siya dahil sinundan niya si Kuya.
"He's really a good friend to him." Wika ni Dad kay Mom.
