41

15 0 0
                                    

Nasapo ko ang aking ulo nang subukan ko na tumayo nang magising ako. Nang makaupo ako ng tuluyan at malaman kung nasaan ako ay nakahinga ako ng maluwag. Ang tanging naaalala ko ay galing ako sa bar kasama si Drew at doon ay napaaway kami at....

"Good Morning. Hangover?"

Nagulat ako nang makita si Miggy na papalapit sa akin habang may dalang isang tasa. Umupo siya sa gilid ng kama atsaka iniabot ang tasa sa akin. Tinanggap ko ito at agad humigop sa kape na nandoon.

"Bakit ka nandito?" I asked and looked away. "May ginawa na naman ba ako?"

Natawa siya kaya napatingin ako sa kaniya.

"You're wasted last night Nat-

"I know. Paano mo nalaman-

"Drew called me." He cut my words again and I was awed when he touched my face. Ang totoo, medyo masakit iyon at dahil doon sa parte na iyo ako nasampal ng malakas. "Does it still hurt?"

Hindi ako makasagot. Napako ang aking mga mata sa kaniyang mga mata na ngayon ay titig na titig sa akin. Ang marahang paghaplos niya sa aking pisngi ay nagbibigay ng kaba sa aking puso sa hindi ko malaman na dahilan. Ang mga titig niya sa akin ay bumubuhay sa pananabik na nararamdaman ko sa mga araw na hindi ko siya nakikita, nakakausap at nakakasama.

"Yeah. It hurts." Bulong ko. Masakit ang lahat ng ito sa akin.

Siya naman ang natahimik na tila ba nakuha ang nais kong sabihin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "So, hindi ka muna babalik sa site? Dalawang araw na lang bago ang binyag ni Mason? Aalis ka pa ba?" Pag-iiba ko s asapan.

Tumitig siya sa akin na para bang pinag-iisipan pa ito.

Umismid ako at umiwas ng tingin sabay higop sa kape na hawak ko. "It's okay. Mas importante naman iyong business na iyon kaysa sa amin na kaibigan mo." May pagtatampo ko na sabi. Mas importante kaysa sa akin. Nagkibit-balikat ako at mas lalo pang umismid. "Nandoon din si Irene." Dagdag ko at tumingin sa kaniya ng nakataas ang isang kilay. "Iyong friend mo." Diniinan ko pa ang salitang 'Friend' sa kaniya. "Iyong ikaw mismo ang kumuha ng number niya?"

Tinawanan niya lang ako sa aking mga sinabi bago siya tumayo.

"Nagseselos ka."

Hindi iyon tanong. Alam niya ang totoo. Natural.

"Basta huwag ka ng magpakalasing at baka mag-aya ka na naman ng mga bagay kung saan ako pinakamarupok."

Natigilan ako sabay lingon sa kaniya ng nakakunot ang noo.
"Ano? Saan? Pinakamarupok?"

He smirked and shook his head. "Forget it." Tatalikuran na sana niya ako pero muli akong nagtanong.

"What is it asshole!" Iritado ko na habol.

Lumingon siya ng nakangisi sa akin at namumungay ang mga mata. "Siguraduhin mo lang na ako lang ang inaaya mo ng ganoon. Huwag iyong kung sinu-sino lang." Mas lumawak ang pagkakangisi niya sabay iling.

Inilapag ko sa side table ang tasa atsaka dahang-dahan na tumayo para sundan siya hanggang sa makarating sa kusina. Sumandal ako sa sink habang siya naman ay naghuhugas ng baso na pinaggamitan niya.

"Tell me. May ginawa ba ako na hindi tama? Come on." Hindi ko mapakali na tanong sa kaniya.

Sumulyap lang siya sa akin sabay tawa ng mahina.

"Come on Miggy..." naiirita na ako dahil sa nakakaloko niyang tawa at akmang aalis na ako pero naagapan niyang hawakan ako sa braso hanggang sa nasa harapan ko na siya mismo at nakatukod na ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. Wala akong kawala dahil tila ba nakakulong ako sa kaniyang mga braso.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon