8

9 1 0
                                    






















"Is everything alright?"

Ngumiti si Miggy at tumango. Pero hindi ko magawang sumang-ayon sa ngiting iyon dahil alam ko na hindi iyon totoo.

Alam ko na may hindi tama dahil sa ipinapakita niyang ekspresiyon sa amin. Sa akin.

Alam ko na ramdam din ito ng mga kasama namin ngayon kaya panay din ang tanong nila sa kaniya kung okay lang ba siya.

Maliban na lang kay Eli na panay ang pagsusungit pa rin sa kaniya.

Kaya naiinis ako dahil parang hindi niya ramdam ang sariling kaibigan.

Napatitig ako kay Miggy na nakikipagkwentuhan sa kanila. Nakangiti pero minsan ay mapapalis ito ng biglaan.

Nag-aalala ako.

Kakausapin ko sana siya ulit nang biglang tumunog ang phone ko. Then I saw Harvey's name on its screen.

Naalala ko ang huling tagpo namin noong gabing iyon. Kasabay nito ang pagbalik sa alaala ko nang gabi din iyon na dumating si Miko.

"He's calling you?"

Nagulat ako at napalingon kay Miggy na malapit na malapit na pala sa akin. Nakapatong ang siko niya sa likurang ng sofa na inuupuan namin habang nakapangalumbaba at nakatitig sa phone ko.

"I saw the picture. Mukhang seryoso siya sa iyo?"

Tumikhim ako at hindi sumagot. Tumayo ako sabay ngiti kina Blake at Drew na napasunod ng tingin sa akin.

"I'll just answer this call." Paalam ko at ngumiti rin kay Frances.

Aalis na sana ako pero nagsalita si Miggy.

"Bakit hindi na lang dito. May hindi ba dapat kaming marinig?"

Natahimik bigla ang mga kasamahan namin na busy sa kwentuhan nila at napatitig kay Miggy.

"Hindi naman kailangan ay ipaalam ko sa iyo. Hindi ba?" Pabiro ko na sabi  at nagpatuloy ako sa paglayo habang sinasagot ang tawag ni Harvey.

Paglabas ko ng resto habang kausap si Harvey.

Ipinaalala niya ang kaarawan niya sa susunod na Linggo.

"Hmm. Titignan ko, pero hindi ako nangangako."

"Yeah. Pero kahit sana humabol ka lang. Hihintayin kita."


Napatingin ako sa bumukas na pintuan at doon ay iniluwa nito si Miggy dala na ang kaniyang jacket. Ni hindi niya ako tinignan man lang.

Dumiretso siya sa parking lot sa kaniyang kotse.

Kumunot ang noo ko at doon na napunta ang buong atensiyon ko.

Nang pumasok siya doon ay tinapos ko ng biglaan ang usapan namin ni Harvey ng walang pasabi. Dahil ang tanging atensiyon ko ay kay Miggy na papaalis na.

Kaagad kong sinubukan na tawagan ay sumagot naman siya pero umaandar pa rin ang kotse niya papaalis ng parking lot..

"Where are you going?" Tanong ko ng mahinahon.

" Kailangan ba na sabihin ko pa sa iyo kung saan ako pupunta? Hindi ba pwedeng, hindi rin ako magsabi minsan sa iyo?"

Parang may malakas na hangin na humampas akin nang marinig ang mga nakakapanakit na salitang iyon.

Kaagad nag-init ang sulok ng aking mga mata sa kaniyang mga tinuran.

"How does it feel? Nakakasakit ba ng loob ang mga ganoong salita?"

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon