Marami ang nag-react sa IG Story ko. Kasama ko si Rowan doon. Duke dared me to post our picture together. Natalo ako sa laro namin kanina kaya napilitan tuloy ako na i-post iyon. Nakahalik sa pisngi ko si Rowan at sina Gwen pa ang kumuha ng larawan..
Panay ang kantiyaw nila sa amin maging sina Frances sa chat.
Kuya Nathan
Umuwi kana!
Natasha
Phew. Harot...
Ang mga kapatid ko na may saltik.
Kuya Nathan
Isusumbong kita kina Mom at Dad. You're grounded.
"Hala, nag-message si Kuya Nathan. Gigil na gigil kay Rowan." Natatawang anunsiyo ni Gwen.
"Tss. Ang OA talaga niya." Naiiling ko na sabi.
"You're still lucky. Hindi ganiyan si Kuya Gio sa akin." Ani Gwen sa akin.
Umismid ako at uminom sa wineglass na nilagyan ng laman ni Rowan.
"Gusto mo ba? Libre na lang si Kuya Nathan. Hinahanap ko talaga siya ng aampon sa kaniya. Libre na lang." Biro ko pa at nakipag-toast kay Rowan na natatawa sa biro ko.
"Ano na? Tapos na ba? Isang ikot pa." Singit ni Bradley at muling ipinatong sa mesa ang bote.
May mga kasama rin kami sa mga iba pang barkada nila at ang ilan sa mga kaibigan namin noon na nakakasama namin sa ganitong selebrasiyon. Kaarawan ni William na nobyo ni Gwen kaya naman marami kami ngayon. Matagal na akong hindi sumasama sa kanila kaya naman pinagbibigyan ko na rin. At isa pa, gusto ko munang lumayo sa mga bagay na maaari kaming magkita ni Miggy. At kasama sina Frances doon... Pansamantala lang naman..
"Paikutin na iyan!"
Napailing ako dahil alam ko na kung saan mapupunta ito. Sanay na ako sa laro nilang ito.
I rolled my eyes when the bottle pointed at me again.
Pakiramdam ko, pinagkakaisahan nila ako kahit hindi naman.
"Who broke your heart? Ang sabi mo kasi sa akin sa message mo kailan lang. Broken ka. Bakit ka umalis? Sino ang dahilan ng bigla mong pagwo-walkout sa earth!"
Natawa ako sa tanong ni Gwen. Bakit ko ba siya na-message noon kahit alam ko na napakadaldal niya. Kay Karina na lang dapat ako nag-message. Traydor to eh.
At wala akong balak ipagkalat ang sa amin ni Miggy.
"Dare please..." bawi ko at uminom ng wine.
Nagpalit-palitan sila nang tingin hanggang sa mapatitig sila kay Rowan na busy sa pag-inom din ng wine sa kaniya wineglass.
"Luma na ito, pero masaya kasi." Hagikgik na wika ni Gwen at nakipag-high five pa kay Duke. "Tutal, broken ka naman. Wala naman magagalit, okay lang ba na..." ngumusu siya at kay Rowan nakatingin.
Natigilan ako atsaka natawa. Umiling ako at tumanggi. "No..."
"Tumatanggi kana ngayon? Samantalang noon ikaw pa ang pasimuno sa ganiyan. Ilang beses mo kaming pinagtripan ni Karina." Nakanguso na sumbat ni Gwen.
Well, totoo iyon. Pero iba na ngayon.
"Hindi p'wede. Pass-
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang hawakan ako sa braso ni Rowan. At paglingon ko ay hinawakan na niya ako sa batok at nang hapitin niya ako papalapit sa kaniya ay natameme ako. Hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.
