54

10 0 0
                                    

Hawak ni Miggy ang aking kamay habang nakaupo kami sa harapan ng kaniyang Mom at Dad niya.

Kinakabahan ako at hindi sila matitigan sa mga mata.

Pero kailangan ko pa rin lakasan ang aking loob.

Kailangan ko na ipakitang hindi ako aalis sa tabi ni Miggy kahit ano pa ang mangyari...

"Gusto ko na humingi po ng pasensiya sa nangyari kay Miko—

"Hindi mo kailangan humingi na pasensiya Natalie." putol ng Dad niya sa sasabihin ko at nasa mukha nito ang guilt. "Kami dapat ang humingi ng tawad sa nangyari. Hindi tama ang ginawa ni Miko at kailangan niyang pagbayaran iyon."

"Michael!" suway ng Mom ni Miggy sabay titig sa akin na nasa mga mata ang pagmamakaawa. "Natalie, talk to your Mom and Dad. Please, let Miko go. Dadalhin ko siya sa ibang bansa at ilalayo sa inyo ni Miguel basta hayaan mo lang siya na makalaya."

Nagulat ako nang tumayo ito at akmang luluhod sa harapan ko pero si Miggy ang tumayo para pigilan ito.

"Mom. Please." mahinang sabi ni Miggy habang tinutulungan ito na makatayo.

"That's enough honey." pigil din ng Dad ni Miggy at lumapit na rin.

Lumuluha na tumitig sa akin ang Mom ni Miggy habang ako naman ay nakakaramdam din pag-iinit sa sulok ng aking mga mata.

Hindi ko alam sa totoo lang ang aking mararamdaman sa pagkakataon na ito.

May parte ng puso ko na nasasaktan para sa kanila at may parte ng puso ko na nag-aalangan sa gusto nitong mangyari dahil sa mga magulang ko.

"Hindi mo iyon kailangan gawin." ngumiti sa akin ang Dad ni Miggy atsaka inalalayan ang asawa nito. "Hon, hindi magugustuhan ni Miko ang ginagawa mo. Siya na mismo ang nagsabi na hindi mo ito kailangan gawin pa. At mas gugustuhin niya pagbayaran ang lahat doon kaysa ipadala mo siya sa ibang lugar. At least dito ay makakausap at mababantayan natin siya, naiintindihan mo ba?"

Umiling ito sabay yakap dito. "Hindi Michael. Hindi. Gusto ko lang na umayos ang buhay ni Miko."

"Mom, sana isipin mo rin ang mararamdaman ko."

Napalingon ako kay Miggy na nagsalita.

He clenched his fist and held my hand.
"Isipin mo rin ako Mom kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako pero pinili ko ang tama. Sana ganoon ka rin. Mas pinahihirapan mo si Miko sa ginagawa mo."

Doon natahimik ang Mom niya at nakatitig lamang kay Miggy na pahigpit nang pahigpit ang paghawak sa kamay ko.

"Pagod na rin ako Mom. Pagod na rin ako sa mga nangyayari. Masaya ako kay Nat, huwag mo naman itong sirain ng ganoon na lang. Alam ko na mahirap pero may mali siyang nagawa. Please, intindihin mo iyon. Para hindi tayo nahihirapan ng ganito. Pakiusap."

Nang hilahin ako papaalis ni Miggy ay nagpatianod na ako sa kaniya.

Sa tingin ko ay sapat na ang mga sinabi niya para mas maintindihan nila na hindi kami basta-basta maghihiwalay.

Hindi namin kayang bitawan ang isa't isa...







"Magbakasyon na muna tayo, Nat."


I looked at him and smiled. Nangalumbaba ako at tinitigan lamang siya habang busy siya sa kaniyang phone. Busy siya sa paghahanap ng lugar kung saan kami pwedeng magbakasyon.

"Kung ano ang gusto mo, doon ako."

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko kahit nakatitig pa rin siya sa phone niya.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon