11

13 2 0
                                        





"Kailan mo ba siya balak sagutin?" Bungad ni Drew sa akin at kumuha sa chips na hawak ko. Kakadating lang niya dahil may usapan kaming tatlo nina Frances na magkita ngayon. At eksaktong si Harvey ang pinag-uusapan namin. Umupo siya sa gitnan namin ni Frances. " O ang dapat ko ba na itanong ay kung sasagutin mo ba si Harvey?"

"Ano? May pag-asa ba?" Tanong din ni Frances. "Huwag mo akong intindihin. Ang importante ay kung masaya ka ba."

Umiling ako. "Hindi ko alam. Simula noong magkausap sila ng ganoon ni Miggy, may nag-iba. Hindi pa nga kami kung makaasta at makatanong siya kung nasaan ako, kung sino ang kasama ko, kung si Miggy ba." Pinigilan ko ang sarili ko na magsalita pa ng ganoon at tumingin ulit kay Frances.

"Okay lang." She smiled sincerely.

"You know. Parang sinasakal na niya ako wala pa ngang kami. Ngayon ko naiisip na katulad din siya ng mga naging nobyo at manliligaw ko."

"Then tell him to stop." Suhestiyong diretso ni Drew. "Mahirap umasa at magpaasa, Nat. I'm telling you."

Hindi ako nakakibo. Alam naman ng dalawang ito ang aking tunay na nararamdaman. Kung si Frances at tahimik lamang na nakasuporta, si Drew naman ay iyong tipo na susuporta pero sasabihin kung ano ang gusto.

"Galing ako diyan. Pero hindi ko sinasabi na lahat ng umaasa ay napagbibigyan. At sobrang sakit no'n." Ngumiti si Drew ng hilaw atsaka huminga ng malalim. "I'm telling you Nat, mahirap at masakit iyan kay Harvey kapag pinatagal mo pa."

"Yeah. Kung wala talaga Nat, kailangan mo ng magdesisyon. Huwag kang pumasok sa isang bagay na baka mahirapan ka ng lumabas pa." Sang-ayon naman ni Frances atsaka inilapit ang tasang hawak aa akin. "Kaya mo iyan."

Tumawa ako at inilapit ang tasa ko sa tasa niya. Maging si Drew ay ganoon.

"Woah. I miss Czai..." sabi pa ni Frances

"Cheers para sa puso mo na kailangan ng magdesisyon. Hindi ko sinasabi ito para pahirapan ang damdamin mo, sinasabi ko ito para malaman mo na hindi madali para isang tao na umasa, lalo na't kitang-kita na wala ka naman interes sa kaniya."

Sabay kaming natawa ni Frances sa napaka-prangkang pananalita ni Drew.

"CHEERS!!"

At some point, no. Actually, tamang-tama ang sinabi ni Drew. Alam na alam ko rin ang pakiramdam ng paminsan-minsan na umasa. Iyon pa nga lang ay masakit na....

So I just decided to talk to Harvey.

And end it.

Pagkatapos nito, hindi na muna ako tatanggap ng kahit sinong manliligaw.

Dahil hindi ayoko na makapanakit.

Hindi pa ako handa...








Pagdating ko ng bahay ay hindi ko inaasahan na dadatnan ko si Miko doon kasama si Kuya Nathan pati na si Dad at umiinom sila.

Nasa tabi sila ng pool malapit sa main door kaya dadaan at dadaan ako doon.

Humakbang ako papalapit sa kanila at binati si Dad. Maging si Kuya. Pero ni hindi ko pinansin si Miko kaya napailing na lang si Kuya Nathan sa akin.

"Good Evening, Natalie."

Nais kong matawa sa kayabangan at kakapalan ng mukha niya dahil nagagawa niyang pumunta rito pagkatapos ng lahat?

Nagagawa niya akong harapin at kausapin ng ganito pagkatapos ng lahat?

Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya ng hilaw na ngiti para hindi na ako sermonin ni Kuya. At para hindi na rin magdamdam pa.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon