25

8 1 0
                                    










Napuno ng mensahe ang GC namin nina Miggy at ng barkaka matapos malaman ang nangyari sa akin. Natatawa ako dahil hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa akin. Pero labis ang pag-aalala nila sa akin.

"Mas malala pa kung mag-alala sina Frances kaysa sa akin." Wika ni Miggy nang makaupo sa tabi at inilapag ang isang tasa ng kape sa tabi ng laptop na kanina ko pa inaasikaso. Pinasilip niya sa akin ang naayos na niya sa kaniyang business na itinatayo. And he's asking for any advice about it. Pakiramdam daw niya ay may kulang. Ilan lang naman ang idinagdag at itinama ko pero okay naman lahat.

"Napagod ka ba?" Malambing niyang tanong atsaka kinuha ang isang kamay ko para imasahe ito. Nakatitig siya doon habang ako naman ay sa kaniya.

"I'm fine. Ikaw? Mukhang pagod na pagod ka. Nakakatulog ka ba ng maayos?"

"Napuyat ako ng ilang araw dahil diyan. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ako nakinig sa mga turo ni Dad sa akin." He laughed and looked at me. "Mabuti na lang at nandito ka."

Miggy is always confident of what he's doing. But not about his business. Nasa mukha niya ang pag-aalala. Nasa mukha niya ang pag-aalala na, baka hindi ito magtagal. Baka bumagsak kaagad. Baka hindi talaga niya kaya at hindi magtagumpay.

"Hey..." humarap ako sa kaniya atsaka hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa akin. Hinagkan ko iyon ng buong puso sabay haplos sa pisngi niya. "You will never succeed if you're doubting yourself. You need to trust yourself. Basta nandito lang ako para sumuporta palagi sa iyo. Okay?"

"Yeah. Thank you. Maswerte ako at nandito ka lang sa tabi ko noon pa man. Kahit alam ko na may pagkakataon na nasaktan kita—

"Pinili ko iyon. Hindi mo ako pinilit.." putol ko at ngumiti sa kaniya nang napakatamis.

Nakita ko kung paano niya iginala ang paningin sa paligid ng pasimple. Nasa loob kami ng isang cafe at sa dulo pumwesto kung saan walang masyadong makakapansin sa amin.

Kinuha niya ang isang menu sa mesa at itinakip ito sa kanan ng mga mukha namin.

Nang titigan niya ako ay nakangisi siya sa akin sabay angat sa aking baba.

"I–Ikaw ba. Maaari ka ba na manatili sa tabi ko at hindi ako iiwanan kahit kailan? Makakaasa ba ako doon?"

Nakatitig lang siya sa akin at pagkatapos ay ngumiti. Hinaplos niya ang aking pisngi at inilapit ang mukha sa akin.

Nang hagkan niya ako sa aking mga labi habang nakatakip sa amin ang menu na hawak niya ay ipinikit ko ang aking mata at tinanggap ang napakagaan pero napakatamis niyang halik sa akin.

Ang puso ko, napupuno ngayong ng labis na kasiyahan. Para akong lumulutang sa hangin dahil sa kakaibang pakiramdam na ito. Ibang-iba sa pakiramdam na alam mo na sa iyo ang lalakeng mahal mo. At alam mo na mahal ka rin. Matagal ko rin itong hinintay.

Kung kaagad ko ba itong inamin sa kaniya? Mari-realize din ba niya ito kaagad?

Sa tingin ko ay hindi.

Tingin ko ay masasaktan ako lalo dahil siguradong tatanggapin lang niya ako dahil sa konsensiya niya sa ginawa ni Miko. Dahil masyado pang sariwa ang lahat sa kaniya kung sakali.

Well, I really don't know. Maaaring oo, ganoon nga. Maaari rin hindi.

Ang importante, ay ang ngayon.

Kasama ko pa rin siya at binigyan halaga ang isa't isa.

"Next week na ang opening ng shop ko. You need to be there. Okay?" He whispered caressing my cheek.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon