Habang pinagmamasdan ko si Miggy na nagka-cut ng ribbon sa harap ng shop na itinayo niya ay nasa mukha ng lahat ang katuwaan sa kani-kanilang mga labi at hindi ko magawang ngumiti man lang para sa kaniya....
Dahil alam ko, sa kabila ng ngiti na nasa mga labi niya ay alam kong pilit niyang itinatago ang tunay na nararamdaman niya.
Maging si Eli na nasa gilid at nakatayo doon ay wala man lang din ngiti na makikita dito.
Sina Blake ay nakangiti pero alam ko na ramdam nila kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Kung bakit hindi namin magawang ngumiti sa kabila ng selebrasiyon na mayroon ngayon.
May iilan sa mga media ang nandito para saksihan ang ganitong mga pangyayari sa buhay ng Crimson. Natural lang iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makalimutan ng tao. Naghihintay pa rin sila sa kanilang pagbabalik. At ayaw pa rin silang tigilan ng mga reporter at talent agency na pilit silang inaalok ng mga proyekto na pilit naman nilang tinatanghihan.
Nang mapadako sa akin ang paningin niya sa kabila ng mga nag-i-interview sa kanila ay ngumiti ako ng pilit para makita niya na masaya ako sa nangyayari ngayon para sa kaniya.
Masaya ako. Totoo iyon. Hindi ko lang maipakita dahil alam ko, may hinanakit siya ngayon na nararamdaman.
"I can't believe it. Ni isa sa mga pamilya niya ay wala man lang pumunta. Ganoon ba sila ka-busy? O talagang ayaw nila sa ginagawa ni Miggy?" Hindi makapaniwalang komento ni Drew habang nakahalukipkip at tila hindi rin matanggap ang ganoong katotohanan.
"Hindi ko ito in-expect. Ang alam ko ay okay naman sila ng mga magulang niya. Maging sila ni Kuya Miro. Kay Miko lang naman siya hindi okay..." dagdag ni Blake na kakalapit lang kasama sina Damon at Lee.
"Miko? Miko? His brother right? The eldest one right?" Tanong ni Drew sabay tingin sa akin. "Bakit naman sila hindi magkasundo? What's their story?"
Natigilan ako. Napatitig sa akin si Blake. Napaiwas tingin naman sina Lee at Damon.
Blake awkwardly laughed and held Drew's hand.
"Sweety, that's their business-
"I'm just asking." Putol ni Drew sa sasabihin ni Blake. "Okay lang naman kung hindi pwede sabihin." Ngumiti si Drew at kumapit sa braso ng kasintahan. "I think I'm pregnant. Kung anu-ano ang mga gusto kong kainin ngayon. Ilang araw na."
Kay Drew naman lahat kami napatingin na ikinatawa ni Blake.
"Nagpa-PT kana hindi ba?" Naiiling na sabi ni Blake sa nobya.
"Ilang guhit, Drew?" Nae-excite na tanong ni Czai.
"Isa." Lumabi pa si Drew at yumakap kay Blake. "Ang hirap magpabuntis ng kambal.."
"Tss. Asa kapa na magkakaanak kayo na kambal, hindi ka nga mabuntis-buntis ni Blake." Singit ni Lee at hindi napigilan ni Blake na tignan ito ng masama.
"Hey, Lee. That's rude..." suway ni Damon kay Lee na mukhang bitter na bitter sa buhay ngayon.
Nagsimula na silang nagbangayan kaya naisipan ko na lapitan si Eli na nakatayo malapit kay Miggy at nakamasid pa rin dito.
Bukod sa akin, tanging si Eli ang makakaintindi rin sa isang katulad ni Miggy.
"Tingin mo ba okay lang siya?" Tanong ko.
Ipinamulsa niya ang mga kamay sa magkabilang balikat sabay lingon sa akin.
"He's your boyfriend. Alam mo dapat ang sagot sa tanong na iyan."
