10

11 1 0
                                    














"Blake, dalhin mo muna kaya sa kwarto si Miggy..." napahinto sa pagsasalita si Drew nang makita si Blake na nakayuko na sa mesa. "Oo nga naman. Bakit ba ako umasa maaasahan ka ngayon." Naiiling na bawi nito atsaka na tumayo. "Bakit ba wala si Damon." Humakbang ito papalapit kay Blake atsaka tinampal-tampal ito sa mukha. "Hey sweety. Huwag ka dito matulog. Hahayaan mo ba ako na buhatin si Miggy hanggang sa kwarto?" Umungol si Blake atsaka kusang tumayo.

"Hey. I'm fine. Nandito naman si Nat." Sabi pa ni Miggy na humila ng upuan atsaka umupo sa likuran ko kaya nang tignan ko si Harvey ay medyo kumunot na ang noo niya.

Nang tumayo si Harvey at lumapit sa akin ay ngumiti ito bago tumingin kay Miggy na nasundan ko ng tingin.

"Mas mabuti siguro na dito kana magpalipas ng gabi. Mukhang hindi mo na rin kayang magmaneho at hindi ka pwedeng ipagmaneho ni Nat sa lagay mo. Lalong hindi ka pwede sa condo niya." Ma awtoridad na turan ni Harvey kay Miggy. "Respeto naman bro. Kahit konti lang."

Natahimik ang mga kasama namin. Maging ako ay hindi nakapagsalita.

Tumawa si Miggy atsaka tumayo.

Nasundan ko siya ng tingin habang nakatitig siya kay Harvey.

"Kayo na ba?" Maangas ang pagkakatanong ni Miggy kaya hindi ko na ito pinalampas.

"Miguel. Shut-up."

Lumingon siya sa akin at muling tumingin kay Harvey.
Itinaas niya ang magkabilang kamay sa ere habang nasa mukha ni Harvey ang pagpipigil.

"Fine." Madiin niyang wika. Nang humakbang siya papalayo ay sinalubong siya ni Blake atsaka inakbayan.

"Susundan ko lang. Babalik ako." Paalam ni Drew sa amin.

"Pagpasensiyahan mo na Harvey. Lasing lang iyon. Ikaw na sana ang umunawa." Sabi ko dahil sa nakita ko ang pagkapikon sa mukha niya.

Tumango siya at umupo sa aking tabi. Hinawakan ko siya balikat at siya naman ay hinawakan ang kamay ko doon.

"Kanina pa kasi sila umiinom." Kwento ni Frances. "Kaya pagdating ninyo ay ganoon na siya. Kahit si Blake."

"Okay lang." Nakangiting sabi ni Harvey. Pero ramdam ko ang pagkadisgusto sa nangyari. Nang tignan niya ako ay ngumiti rin ako. "Mauna na siguro tayo.."

Pero...

Kakarating lang namin.

Nang tignan ko si Frances ay ngumiti lamang siya para iparating na naiintindihan niya.

Doon pa lang ako tumayo kasabay si Harvey nagpaalam ako sa kanila isa-isa maging si Harvey hanggang sa ihatid kami ni Frances at Drew.

"Mag-iingat kayo sa pag-uwi."

Tumango ako at yumakap kay Frances at Drew. Gusto ko pa sana na magtagal para makakwentuhan ang dalawa pero hindi ko magawa dahil nandito si Harvey.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik pa rin si Harvey kaya naman ako ang unang bumasag ng katahimikan.

"Are you mad?"

"Not really. Medyo nawala lang ako sa mood dahil kay Miggy." Aniya at sumulyap sa akin. "Pero okay na iyon. Huwag mo ng isipin." Ngumiti siya sa akin at ginantihan ko iyon.

Hindi ko siya masisi. Dahil kung ako ang nasa kaniyang lugar ay ganoon din ang mararamdaman ko.

Nang maihinto niya ang kotse sa harap ng building ay bumaba na rin ako at hinintay siya na makalayo.

Papasok na sana ako nang tumunog ang phone ko.

Pagkasagot ko ay ang nag-aalalang tinig ni Frances ang narinig ko sa kabilang linya.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon