Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa mga larawan na kinuhanan mismo namin sa bahay nina Eli kailan lang. Halos hindi kami nagkaroon ng oras na mag-usap talaga ng matagal ni Nat. Sa tuwing magtatama ang mga paningin namin at pareho kaming napapaiwas ay sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa pagpipigil ko sa sarili kong emosiyon.
Naihaplos ko ang aking mga daliri sa mukha niya sa larawan na nasa phone ko.
I want her so bad. I want to stay with her.
Ayoko siyang bitawan pero kailangan.
"Cripes. I miss her..." muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga at iniiwas ang tingin ko sa phone ko.
Pag-angat ko ng tingin ay doon ko nakita ang babae na nakatitig sa akin at mabilis na umiwas nang magtama ang mga paningin namin.
Nakatitig ako sa kaniya na inilipat ang atensiyon sa babae sa tabi niya.
Madalas ko siyang makita rito sa restawran na ito kung saan ako madalas kumain dahil malapit ito sa site kung saan itinatayo ang shop ko.
At madalas siyang umuupo malapit sa kung saan ako nakaupo. Ito ang unang pagkakataon na may kasama siyang kumain dito.
Hindi ko alam pero siguro ay nagkakataon lang na nagkakatabi kami ng mesa.
Madalas ay naka-messy bun lang ang buhok niya na bumabagay naman sa kaniyang magandang mukha.
Yeah. She's pretty. I admit. Napansin ko siya, kaya masasabi ko na maganda siya.
Simpleng manamit. Shorts and plain shirt. With her white sneakers.
She smiles a lot.
Nang mapalingon siya sa akin, ay umiwas na ako ng tingin atsaka na tumayo.
Nang maglakad ako at mapatapat sa kanila ay tumayo ang babaeng kasama niya para harangin ang daraanan ko.
Napatitig ako sa mukha nito na tila ba nahihiya pa.
"M-Miguel Rivera, right? Crimsom?"
Napatango lang ako at napatitig sa phone nito na iniharap sa akin.
Doon ko nakita ang larawan namin ng Crimson kasama sila. Ang babae na nasa harapan ko ngayon at ang babae na nakatayo sa tabi ko sa larawan habang nakatitig sa akin ay walang iba kung hindi ang babaeng nakaupo ngayon na nakatitig kanina sa akin.
A fan?
"I'm a fan." Anito sabay tingin sa babaeng nakaupo. "And my friend is a big fan of yours." Kinalabit nito ang babae na nakaupo na kaniyang tinutukoy na hindi makatitig sa akin.
Tumingin ako sa babae at hinintay siya na mag-react. Nang mag-angat siya ng paningin ay pulang-pula ang mukha niya at alangan na tumitig sa akin.
"T-The coffee shop beside the site is mine." Tumitig siya sa akin sabay kagat ng pang-ibabang labi. "You c-can visit the cafe and try our coffee. I'll give you a discount." Bigla siyang tumayo at tumitig sa akin. "I'm a big fan of Crimson. A-And I'm still waiting for your comeback." Pagkatapos ay tumalima na at naglakad papaalis. Nagmamadaling sumunod ang kasama niya at sinasabi na hindi pa sila nakakakuha ng larawan kasama ako.
Natawa ako at nasundan sila ng tingin.
She's cute.
"Comeback ah..." I scratched my face with my fingers and laughed again. "Comeback..."
Hindi ako sigurado kung may ganoon pa na mangyayari sa Crimson. Sa estado ng buhay ng mga kasama ko ngayon ay halos busy silang lahat. Ganoon din ako, kaya hindi ko masisiguro kung makakabalik pa kami.
