"Patingin nga."
Humarap ako kay Natasha at siya mismo ang nag-ayos ng suot ko. Dahil sa aviation theme ang birthday ng kambal ngayon ay kailangan sumunod kaming lahat doon dahil iyon ang pinag-usapan namin lahat nang tulungan namin sina Frances sa pagpaplano. Si Frances ang nakaisip ng theme na iyon para sa kambal. Well, kasama na si Eli sa dahilan kung bakit iyon ang napili niya. She's dying to see her husband wearing that uniform.
"Ayaw mo talagang sumama?" Tanong ko kay Natasha habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"Ikaw? Pupunta ka talaga ng ganian ang mga mata mo?"
Napatikhim ako atsaka hinayaan ko na nakalugay ang buhok ko na si Natasha pa mismo ang nag-ayos. She curled my hair a little from the bottom. Kinuha ko ang aviator dark eyeglasses ko at isinuot iyon.
"That's why I have this." Tugon ko at kinuha ang bag ko kasama ang pilot cap na nakapatong sa kama.
"Isara mo muna ang butones ng damit mo-
"Tss. Masyado akong maiinitan kapag ganoon ang ginawa ko." Putol ko at sinipat ang sarili ko sa salamin. Nakabukas ang dalawang butones ng suot kong pang-itaas at maluwag ang pagkakalagay ng tie nito.
"Do you even have any idea on how to wear that uniform properly-
"Beats me. I don't really know how to wear this uniform. Kaya susuotin ko ito sa paraan na gusto ko." I flipped my hair and walked towards the door.
"You cried all night , right?"
Napahinto ako sa paghakbang at hindi kumibo.
"Are you okay? May problema ba kayo ni Miggy?"
Pinilit ko na ngumiti kahit bigla na naman bumigat ang loob ko.
Lumingon ako sa kaniya.
"We just broke up. Hanggang doon na lang kami."
"W-What?" Gulat na tanong niya sa akin.
"You heard it right. We ended it last night."
"Are you alright?"
I took a nod before I looked away.
"I am.""Umuwi ka kaagad pagkatapos mo doon. Iinom ako para sa iyo."
Kumirot ang puso ko sa tinig niya na may pag-aalala. Pero ngumiti pa rin ako.
"Sure. Kung hindi mag-aya sina Drew. Bye."
"Take care!"
Habang nasa biyahe ako ay inihahanda ko na ang aking sarili sa tagpo namin ni Miggy mamaya pagdating ko sa Iremia. Ngayon pa lang ay para ng sasabog ang dibdib ko habang papalapit ako sa Iremia. Ang totoo ay ilang oras ko itong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi. Pero naisip ko si Frances, magtatampo siya kapag hindi ako nagpakita.
Alam ko na magkakaiwasan at ilangan kami ni Miggy mamaya pero hindi ko pwedeng hindi ko puntahan si Frances. Kaya pinilit ko na ihanda ang sarili ko sa mangyayari mamaya...
Pagtapat ko sa function hall ng malaki at marangyang hotel na pagmamay-ari ng pamilyang Chavez ay may nakaabang doon kung saan iniaabot ang mga invitation letters na ipinadala nina Eli.
"Natalie."
Paglingon ko ay si Kuya Austin at Sieg ang nandoon at kumaway sa akin.
Napangiti ako nang tanggalin ni Kuya Austin ang kaniyang sunglasses at lumapit sa akin. Maging si Kuya Sieg ay lumapit din.
"Mag-isa ka ata?" Tanong ni Kuya Sieg sa akin.
"Nasa loob na sina Drew. Nauna sila sa akin." Nakangiti ko na sagot.
