"Hindi ba puwedeng huwag na mag-attend dito? I mean, puwede kayang sa mismong–
"Hindi ka ba komportable na nandito ako?"
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang magsalita si Miggy na nakatayo sa tabi ng isa sa mga nag-aasikaso ng kasal nina Drew at Blake. Yes, kailangan na nilang ikasala bago lumaki ang tiyan ni Drew. Iyon ang nais ng lahat ng bawat pamilya nila.
Nakatitig si Miggy sa akin habang nakapamulsa at seryoso ang pagkakatitig sa akin.
Ewan ko ba.
Biglang umurong ang dila ko at hindi ko magawang sumagot. Lumunok lang ako atsaka umiwas ng tingin.
"Maybe I should go. Itawag mo na lang sa akin kung ano ang kailangan kong gawin pa." Ngumiti siya sa kausap kanina at lumapit kina Blake na napatitig din sa kaniya. "Aalis na muna ako. May imi-meet din akong kliyente. Just call me if you need my presence again."
Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko ni Czai sa tabi ko at nang akmang magsasalita ako para pigilan sana siya ay nilampasan lamang niya ako atsaka walang salitang iniwan na umalis.
He just ignored me. And that really did hit me hard. Dito, dito sa dibdib ko na naninikip ngayon sa hiya, sa kaba at mga titig kanina niya sa akin pati na ang mga tao sa paligid.
Now I am the bad person here?????
Hindi ako nakatiis at humakbang pasunod sa kaniya hanggang sa makalabas kami at pasakay na siya ng kotse. Akmang bubuksan na niya ang kotse niya ay itinulak ko iyon pabalik at nilakasan ang loob ko na titigan siya.
Nakatingala ako ng bahagya dahil sa katangkaran niya. Lalo siyang tumangkad sa aking paningin dahil sa titig niya sa akin ng seryoso.
"Just go back there. Ako na ang aalis." Mahina ko na sabi atsaka umiwas ng tingin.
Narinig ko ang pagtawa niya ng pagak kaya napalingon ulit ako sa kaniya.
He smirked and shook his head.
"Natalie, let's just stop this. And move on. Iyon naman ang gusto mo hindi ba–
"Ako ang nagmumukhang masama sa ginagawa mo—
"Wala akong ginagawang masama Natalie." He seriously cut my words and stared at me. "Alam mo iyan. I know that you want me out of your sight. Sinusunod ko lang ang gusto mo. So stop doing this. Okay?"
"Wala akong sinabi na–
"Please." Mahina niyang wika habang nakatitig sa akin. "Huwag mo ng hayaan pati ang kausapin ka ay hindi ko na gawin. I'm giving you what you want. So please, cooperate. At huwag mo'ng isipin na lagi ikaw ang dahilan kung bakit ganiyan. Bakit ganito. Kasi hindi ganoon iyon. Kung kaya mo naman na ganito lang tayo, kaya ko rin naman. Just watch how I'll do it. Just do the same. Doon ka naman magaling." Aniya at timitig sa kotse na sinasandalan ko. Wala ako sa aking sarili na humakbang paalis doon at siya naman ay binuksan iyon. "Let's try harder about ignoring each other. Goodluck." Aniya bago tuluyan na pumasok at nagmaneho paalis.
Mabigat ang loob ko na sinundan ito ng sunod.
Magkahalong inis at sakit sa loob ko ang aking naramdaman.
"Ako pa ngayon..." bulong ko at nang pumihit ako pabalik ay doon ko nakita si Frances na nakatayo malapit sa gate at nakatitig sa akin.
Humakbang siya papalapit sa akin atsaka ako niyakap.
"I kmow. I know it's hard. But I think he was right. Ito na iyong time na kalimutan na muna ang lahat noon. Pareho kayong nasaktan noon. Intindihin mo na lang siya katulad ng pag-intindi niya noon sa iyo sa desisyon mo na umalis kahit alam natin lahat kung paano siya nahirapan."
