"Are you out of your mind Miguel? Itutuloy mo pa rin ito kahit may kumakalat na ganoon tungkol sa kaniya? Ipapahiya mo ba kami sa lahat? My God! Michael! Talk to your son!"
Napabuga ako ng hangin sa ere sa mga sinabi ni Mom nang makauwi ako kinabukasan sa bahay. Alam ko na magiging ganito ang kaniyang reaksiyon.
But damn...
Wala kaming karapatan na mag-react ng ganito. Kung alam lang nila kung sino.
"Miguel, pakinggan mo naman ang Mommy mo-
"Dad. Alam ko naman lahat ng iyon. At hindi iyon dahilan para iwanan o bitawan ko si Nat. I love her. At hindi niya gusto iyon. Please, try to understand. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mas iniisip ko ang epekto nito kay Nat..." pilit ko na ipinapaintindi ang nais kong sabihin sa kanila kahit alam ko na sarado ang isip ni Mom sa ganoon.
"Miguel! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Kami ba? Ako? Iniisip mo ba ako sa ginagawa mo? Nakakahiya-
"Mom. Just please. Leave her alone."
Umiling siya at kinuha ang bag niya na nasa sofa habang namumula ang kaniyang mukha.
"No. Hindi ako papayag na pagtawanan ka ng ibang mga tao dahil lang sa kaniya. Sige, mamababae ka ng mambabae. Hahayaan kita. Huwag lang siya. Gawin mo kung ano ang madalas mong ginagawa noon. Okay lang. Huwag lang siya..." nabasag ang kaniyang tinig nang banggitin ang mga salitang iyon habang nakatitig sa akin."Mom, don't make these things hard for me. Just let me do what I want. Pagdating kay Nat. Ako na ang bahala sa pagdating sa kung ano man ang mayroon kami. Huwag ka ng dumagdag pa sa pinagdadaanan niya-
"Michael! Talk to him! Hindi mo ba siya naririnig? Nababaliw na siya!"
Nilapitan ni Dad si Mom at hinaplos ang mukha habang umiiyak ito.
"Fine. I'll talk to him. Doon ka muna sa kwarto. Baka mapaano kapa." Mahinahon na wika ni Dad at tumingin sa akin. "Doon tayo sa study room mag-usap."
Tumango ako at humakbang papunta doon pero narinig ko si Mom.
"Do something, Michael. Do something. Make him change his mind. Or else, ako ang pupunta kay Natalie at kakausap sa kaniya. Kalat na kalat ang video, kumbinsihin mo ang anak mo. Nakakahiya."
Huminga ako ng malalim at lumingon kina Mom. Tila ba nabingi ako sa aking mga narinig at nawala sa aking sarili.
"Don't mess with her. Magkakagulo tayo..."
Natigilan si Mom nang sabihin ko iyon.
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya dahil doon.
"Miguel!" Suway ni Dad sa akin pero hindi ako natinag doon. Humakbang ako papalabas ng bahay sa halip na pumunta ng study room.
Ayokong pag-usapan pa ito. Ayokong makinig kung ganoon din lang ang sasabihin nila.
Nakatitig ako sa mga komento ng mga tao kay Nat sa social media. May mga galit sa kaniya. Mga fans ng Crimson. May mga naawa, nagbigay ng simpatiya. Pero may mga humusga at nagsalita ng hindi maganda sa kaniya. At bawat salita na aking nababasa ay parang mga matatalim na bagay na bumabaon sa aking puso.
I tried to call her but she didn't answer my calls. Pero nagpasa siya ng mensahe sa akin.
Nat
I'm just tired. I'm sorry. I want to be alone right now. I don't wanna go outside. You know why. Natatakot ako.Nasapo ko ang aking noo habang paulit-ulit na binabasa ang mensaheng iyon.
Natatakot ako....
Iyon ang mga salita na paulit-ulit sa aking isipan na parang dumudurog sa akin...
