Pagbukas ko ng pintuan sa hotel na tinutuluyan ko ay nagulat ako nang makita kung sino ang babaeng nakatayo sa harapan ko ngayon. Hindi ko ito inaasahan. Hindi pumasok sa isipan ko na pupuntahan niya ako ngayon dito...
"Hi. Mukhang nagulat ka na nandito ako." Bulong niya at bahagyang sumilip sa loob.
Gabi na rin kaya hindi ko inasahan na magpapakita siya ngayon sa akin sa mismong hotel kung nasaan ako .
"Gabi na, bakit kapa bumiyahe?" Tanong ko at binigyan siya ng daan para makapasok.
Nasundan ko siya ng tingin nang tuluya siyang pumasok sa loob. Dumiretso siya sa kama at doon umupo.
Naglakad ako papalapit sa kaniya hanggang sa nakatayo na ako sa mismong harapan niya.
"Nat..."
Nag-angat siya ng tingin at may lungkot akong nabasa sa mga mata niya.
"Pinaalis mo na nga ako noong una akong sumama dito, hindi mo ako pinatulog dito. Paaalisin mo pa rin ako ngayon?" May pagtatampo sa kaniyang tinig na sumbat sa akin.
"Nat-
"Late na papauwiin mo pa rin ako?"
Napabuga ng hangin sa ere at napatingala. This is frustrating. Ito ang iniiwasan ko. Ayoko nito. Ayoko ng ganito dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili.
Muli ko siyang tinignan at ganoon pa rin ang ekspresiyon ng kaniyang mukha.
"Kumain kana ba?" Buntong-hininga ko na tanong sa kaniya.
Umiling siya. "Busy ako masiyado kanina dahil isinama ako ni Mom sa pag-visit sa mga branch ng Amalie. Hindi na ako nakakain..."
"Tss. Kumakain ka pa rin dapat. Huwag lang puro trabaho." Napailing ako atsaka inabot ang kamay niya. Kinuha ko ang phone at pitaka ko bago ko siya isinama palabas.
"Saan tayo pupunta? I just wanna rest.."
Hindi ako sumagot. Dinala ko siya mimso sa resto sa loob ng hotel at doon siya pinag-order ng kaniyang kakainin. Alam ko ang gusto at ayaw niya sa pagkain kaya alam ko mismo ang bibilhin ko para sa kaniya.
Patente ako na nakasandal sa kinauupuan ko sa harapan niya habang seryosong nakatitig sa kaniya na kumakain. Nasa mukha niya ang pagod at walang gana niya sa pagkain pero pinipilit niyang kumain dahil alam niya na hindi ko siya titigilan.
Nang tignan niya ako ay inabutan ko siya ng tubig at kumuha ng tisyu. Tumayo ako at inabot ang kaniyang mga labi para punasan ito.
"Miggy!"
Napalingon kami pareho sa mga babae na papalapit sa amin. Kasama nila si Irene.
Nang makalapit sila ay ngumiti ako sa kanila at muling umupo.
"P'wede ba kaming magpa-picture kasama ka?" Tanong ng isa sa kanila.
"Hi." Bati ni Irene kay Nat. Tumango lang si Nat at nagpatuloy sa pagkain.
Tumayo ako hinayaan sila na kumuha ng larawan kasama ako.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko kay Irene.
Ngumiti ito at tumango atsaka sumulyap kay Nat.
Alam ko kung ano ang tingin sa akin ni Irene. Hindi ako manhid. At hindi ako ipinanganak kahapon lang. Mas pinipili ko lang na manatili sa kung saan kami ngayon dahil ayoko na saktan ito. Kaya wala akong ipinapakita na magbibigay ng maling ideya sa dito.
Ayokong mawala ang pagkakaibigan na mayroon kami.
"Mauna na kami, mag-iingat kayo." Paalam nito at tumango naman ako.