Nilakasan ko ang loob ko na pumunta kina Miggy nang malaman ko kay Blake na may lagnat ito at nasa bahay lang para magpahinga.
Pagkatapos ng huling usapan namin ay ni hindi na niya ako tinawagan o hindi man lang nag-message sa akin.
Naiinis man ako ay naunahan ako ng pag-aalala ko sa kaniya.
Kaya nang papasukin ako ng kanilang kasambahay ay malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para makaakyat ng hagdanan at mapuntahan si Miggy. May tao akong hindi ko gustong makita ngayon dito..
Nang isang baitang na lang ang ihahakbang ko ay nagulat ako nang makita si Miko na naglalakad papunta sa direksiyon ko at nasa mukha rin ang pagkagulat.
Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paghakbang hanggang sa magkatapat kami.
"Good Morning, Natalie..."
Hindi ko man lang siya binati at nagpatuloy sa paghakbang.
"Visiting Miguel? How sweet."
Hindi ko mapigilan na lumingon sa kaniya sa tinig niya na may panunuya.
He smirked and laughed a little. "Sigurado ka ba na ikaw ang gusto niyang makita ngayon?"
"Shut-up Miko. Hindi mo ba ramdam? Ayoko na kausapin ka o tignan man lang. Kung pwede lang, huwag mo na lang akong pansinin kapag nagtatagpo ang mga landas natin—
"I can't do that." Umiling siya at muling tumaas ang sulok ng kaniyang mga labi. "Never."
"Whatever. Wala akong oras sa iyo." Naiiling ko na tugon at humakbang na papalapit sa pintuan ng kwarto ni Miggy pero bago ko pa maabot ang knob ng pintuan ay nahagip na niya ang braso ko kaya marahas akong lumingon. "Let me go." I emphatically said. "You're going too far, Miko."
"Hindi ba pwedeng lambingan mo naman ng kaunti kapag kausap ako? Minsan ay nakakapikon din ang pagasusungit mo." Nang pakawalan niya ako ay hindi niya inialis ang titig sa akin. "Going too far ah? Alam mo kung paano ko gawin ang mga salitang iyan."
Natawa ako ng pagak sa huling mga sinabi niya atsaka na siya tinalikuran.
Ramdam ko pa rin ang mga mata niya na nakasunod sa akin pero hindi na ako nag-abala na lumingon pa.
Pagbukas ko ng pintuan ay isinara ko rin iyon kaagad.
Nadatnan ko si Miggy na nakahiga sa kaniyang kama ng patagilid habang nakabalot siya ng kumot hanggang sakaniyang mga balikat.
Nang lumapit ako ay nakaawang ang kaniyang mga labi habang siya ay tila ba nahihirapan sa paghinga kahit matutulog.
Bagsak na bagsak ang buhok niya nagbigay amo sa kaniyang mukha.
Umupo ako sa gilid ng kaniyang kama at dinama ang noo sa aking palad.
May lagnat pa rin siya at alam ko na hirap nahirap siya ngayon. Hindi niya gusto kapag siya ay nagkakasakit dahil hindi talaga siya tatayo o aalis ng bahay. Alam na alam ko na may sakit siya noon kapag hindi siya papasok. At alam ko na hindi siya nagsisinungalin.
Tumayo ako para hinaan ang aircon niya sa loob ng kwarto pagkatapos ay binalikan ko siya.
Nang maupo ako sa tabi niya at ayusin ang kaniyang kumot ay doon siya marahan na nagmulat ng kaniyang mga mata.
May pagkagulat doon at pilit niyang iminumulat ang kaniyang mga mata nang makita ako.
"W—Why are you here?" Namamaos niya na tanong at akmang uupo pero hindi ko siya pinayagan.
