Ang totoo ay kanina pa ako sa harap ng RE cafe pero hindi ko magawang pumasok. Pagkatapos namin sa ospital kahapon ay hindi na ako nag-message pa kay Miggy o tumawag at kung hindi pa siya nag-message ay hindi ako magpaparamdam sa kaniya. Kahapon pa sa ospital ay lutang na ako. Mabuti at kasama ko sina Frances at Drew para ipaalala sa akin na kailangan kong umayos dahil masyado akong obvious sa ginagawa ko.
Nakasandal ako sa likod ng puno malapit sa cafe at nakatitig kay Miggy habang kagat-kagat ko ang aking labi at nag-iisip ng paraan kung paano ako magdadahilan sa kaniya.
Alam ko na business ang pag-uusapan namin pero....
I can't help but to mixed pleasure with business.
No!
Damn.
I'm doomed.
Nang tumunog ang phone ko ay napatingin kaagad ako dito.
He's calling.......
Tumikhim ako at hinanda ang aking idadahilan para hindi na ako pumunta pa.
"Okay."
Nang sagutin ko ang tawag niya ay hindi pa ako nagsasalita ay naunahan na niya ako.
"Pumasok kana sa loob. Kitang-kita kita kaya huwag ka ng magtago pa at gumawa ng dahilan. Ayoko ng iniiwasan mo ako."
Nang lumingon ako ay sa cafe ay doon ko siya nakita na nasa parte na ng cafe kung saan ako ay kaniya ng nakikita. Nakatapat sa tenga niya ang phone at nakapamulsa habang nakatitig sa direksiyon ko.
"Hindi naman ako magdadahilan na—
"Ano pa ang ginagawa mo riyan?" Putol niya na nasa seryoso ang tinig.
Napabuntong-hininga ako. "Okay. I'm coming."
Wala kong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob ng RE cafe kung saan siya naroroon.
Nakaupo na siya nang pumasok at nakatitig sa labas habang papasok ako.
Nang ilapag ko sa mesa ang bag ko ay doon pa lang siya tumitig sa akin.
Hindi ako makatitig ng diretso sa kaniya nang maupo ako. Hindi ko kayang salubungin ang seryoso niyang mga tingin sa akin.
"Aren't you tired of avoiding me?"
Eksaktong nag-angat ako ng tingin ay siya naman pagtitig niya rin sa akin habang nakapangalumbaba.
"Because I'm tired of it." Tila ba tinatamad niyang bulong. "Mas mahihirapan tayo sa ginagawa mo."
Hindi ako kumibo.
Nanatili lang akong tahimik sa kaniyang mga sinabi.
"Hindi ka ba komportable na kasama ako?"
Umiling ako at tumango rin pagkatapos.
Napapikit ako sa nararamdaman kong kalituhan kung paano ba ako magre-react sa sitwasiyon na ito. I covered my face with my both hands and shook my head. I really don't know what to do, and what to say.
"Is it because of that kiss—
"Don't..." putol ko sa kaniyang mga sasabihin. Nag-iinit ang mukha ko at hindi ko malaman kung maiiyak ba ako o matatawa sa sitwasiyon na kinasasadlakan ko ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa nararamdaman kong ito.
"Let's talk about—
Napahinto siya sa kaniyang sasabihin nang tumayo ako bigla.
