43

14 1 0
                                        

"What happened? Tinawagan lang ako ni Neal. Nandito nga daw siya at ayaw umalis."

Napatitig ako kay Miggy na nakasubsob ang mukha sa mesa at suot pa rin ang damit na suot kanina bago umalis sa Amalie pagkatapos ng tagpo sa aming tatlo nina Miko. Akala ko at dumiretso na siya sa site. Nandito pala siya. Umiinom. Tinawagan lang ako ni Blake dahil tumawag nga si Neal sa kaniya.

"Naisip ko lang na kailangan mo siyang puntahan? Baka hanapin ka rin kasi." Dagdag pa ni Blake.

"Lalapitan ko lang." Wika ko atsaka humakbang papalapit sa puwesto ni Miggy. Paglapit ko ay inagaw ko ang bote na hawak niya at doon siya nag-angat ng tingin. Nang makita niya ako ay natigilan siya sandali pero pagkatapos ay tumayo siya kahit nahihirapan. Nang akmang hahawakan ko siya ay iniharang niya ang kaniyang braso at tumitig sa akin.

"I'm fine." Madiin niyang sambit at aatras sana pero muntik na siyang mawalan ng balanse mabuti na lang at nakalapit na si Blake. Pinagtitinginan na kami ng mga nasa paligid pero wala naman akong pakialam doon. Ang tanging nasa isipan ko ngayon ay siya. Siya mismo na tila ba ayaw akong makita.

"Dude. Ano ka ba, si Nat iyan." Suway ni Blake sa kaniya. Umiling siya at tumawa ng mahina.

"Dude, take me home. Sa unit ko." Aniya atsaka hindi man lang ako tinignan. Kumapit siya kay Blake na sa akin naman nakatingin. Napaiwas ako ng tingin dahil nagsimula ng mag-init ang aking mga mata.

"Are you sure? Nat is here. Nag-aalala siya sa'yo." Ani Blake kaya tumitig siya sa akin.

Kaya tumitig din ako sa kaniya.
"Pero Dude, hindi ko siya maintindihan ngayon. Kaya gusto ko sanang mapag-isa. Just take me to my unit and let me rest." Malamig niyang sabi kay Blake pero sa akin nakatitig. "It's confusing. Really. Para akong sasabog." Umigting ang kaniyang panga bago humakbang at walang nagawa si Blake kung hindi ang sumunod. Ako naman ay naiwan na naluluha habang si Blake ay sinenyasan ako na hintayin siya.

Nagpasya ako na hintayin si Blake sa labas ng building kung saan nandoon ang unit ni Miggy.

Nakatayo lamang ako sa labas ng doon habang magkasalikop ang mga kamay ko at paulit-ulit na pinupunasan ang mga luha na pumapatak mula sa aking mga mata.

Heto na naman kami. Wala na ba itong katapusan?

"Nag-away ba kayo?"

Napalingon ako kay Blake na kakalapit lang at nakapamulsa. Nakatitig siya sa malayo atsaka napabuntong-hininga.

"Mukhang masama ang loob niya." Dagdag niya atsaka timingin sa akin. "Mukhang nahihirapan kayo pareho."

I bit my lower lip and looked away. Nahihiya ako sa kaniya. Nahihiya rin akong mag-open sa kaniya dahil tungkol ito kay Miko.

"Gusto mo ba siyang kausapin? Ipupuslit kita sa loob?"

Umiling ako atsaka huminga ng malalim. "Kapag okay na siya ay pupuntahan din niya ako. Sa ngayon ay uuwi na siguro muna ako." Ngumiti ako ng bahagya at tinapik siya ng mahina sa balikat. "Thank you..."

"Yeah. No worries. He's my friend too. Sana ay okay pa rin kayo."

Tumango ako atsaka humakbang papalapit sa kotse ko.

Habang nasa biyahe ako papauwi ay hindi ko mapigilan na mapaiyak pa rin dahil sa ilang oras lang kaming naging okay, ngayon ay ganito na naman.

Inihinto ko ang aking kotse sa gilid ng kalsada at doon sumandal atsaka umiyak nang umiyak.

Nang tumunog ang phone ko ay humihikbi ako na tinignan iyon at nang buksan ko ang mensahe sa akin mula sa IG ko ay naitakip ko ang aking palad sa aking mga labi.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon