Wala akong pakialam sa mga balita na kumakalat tungkol sa akin. Sa amin ni Miko. Ang dahilan ng pagkalugmok at pag-iyak ko gabi-gabi ay ang sa amin ni Miguel. Na kahit gustung-gusto ko na manatili sa tabi niya, hindi ko magawa. Galit na galit ang pamilya ko sa pamilya nina Miguel. At alam ko na wala ng makakapagbago nito. Hindi ko sila masisisi dahil may dahilan kung bakit sila na nagkakaganito.
Hindi matahimik si Dad, halos araw-araw niya akong kinakausap na magsampa ng kaso kay Miko. Pero tinatanggihan ko iyon. Si Mom ay ganoon din. Si Kuya, tahimik lamang siya at wala pa akong naririnig mula sa kaniya katulad ni Natasha na hindi man lang ako kinakausap.
Tinanggap ko lahat ng iyon dahil alam ko kung bakit sila nagkakaganoon. Naiintindihan ko ang lahat.
Pero pinanindigan ko na ayoko na ng gulo.
Ayoko na na mas pag-usapan pa ako ng lahat pati na ang pamilya ko at ni Miguel.
"Natalie, please. Let me help you. Ayusin natin ito lahat."
Nag-angat ako ng tingin kay Dad na nakatayo sa harapan ko habang ako ay nakaupo sa aking kama.
"Para sa iyo ito."
"I just want to leave...." garalgal ang tinig ko na tugon at umiling ng paulit-ulit. "I just want to leave Das. Please, help me." Sinapo ko ang sarili kong dibdib dahil sa sobrang paninikip nito. "That's what I want. Please..."
Nakito ko kung paano napaluha si Dad habang nakatitig sa akin sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata dahil sa mga luha na namuo dito.
Tumingin ako kay Mom na lumuluha rin at alam ko na pinaka nasasaktan sa nangyayari.
"I told you to stay away from them. But you didn't listen. Nakukuha mo pa na harapin ang lalakeng iyon pagkatapos ng nangyari? Alam ba ito ni Miggy? Mababaliw ako kapag nalaman ko na may alam siya pero wala siyang ginawa!" Yumakap si Mom kay Kuya na nakatayo at nakatitig lang sa akin. Humagulgol si Mom habang nakayakap kay Kuya.
"Ang lakas ng loob ng Mom nila na sumbatan ka. Pero ang anak pala nila ang dahilan ng lahat. I hate them all. I hate Miko. And I hate you for not telling us everything.. How could you..." buong panunumbat na wika ni Natasha habang namumula ang mga mata sa pagpigil ng mga luha niya. "I treated him like my own brother. He betrayed me." Pagkatapos ay tumingin siya kay Kuya na nakatitig lamang sa akin. "He betrayed kuya who trusted him so much. How could he...." hindi naituloy ni Natasha ang sasabihin dahil sa tuluyan na siyang napaiyak.
"Let her leave. Let her do what she wants. Diyan naman siya magaling. Ang magdesisyon ng pansarili lang niya. Mukhang wala naman sa kaniya ang nangyari. Mukhang tanggap naman niya lahat. Kung iyon ang magpapagaan ng loob niya pagkatapos niyang pabigatin lahat ng mga kalooban natin at pinagmukha tayong tanga at walang kwenta, hayaan natin siya."
Madiinan ang pagkakasabi ni Kuya doon habang diretso ang mga titig sa akin.
"Pero huwag kang umasa na wala akong gagawin. Just wait and see. He'll pay for this. He'll pay for this."
May pagbabanta sa tinig ni kuya kaya tumayo ako at humakbang papalapit sa kanila ni Mom.
"No. Just let me leave, and don't do anything stupid-
"Leave. Hindi kita pipigilan. Pero hindi mo rin ako mapipigilan kung ano ang gusto ko na gawin sa kaniya." Nanggigigil na putol ni kuya at bahagyang pinakawalan ang umiiyak na si Mom. "Tangina niya na pinakisamahan pa niya ako pagkatapos ng ginawa niya. Gago siya. Umalis kana. Subukan mong kalimutan ang lahat at huwag ka ng bumalik pa dito. Naiintindihan mo?"
"Kuya, please.."
Nang talikuran niya kami ay hinawakan ko siya pero marahas niya itong pinalis.
"Nathan..." pigil ni Dad pero humakbang pa rin siya paalis kaya hinabol siya ni Dad. May narinig ako na nabasag na kung ano mula sa labas at alam ko na si Kuya iyon. Napaupo lang ako ulit sa kama at doon umiyak. Umupo sa tabi ko si Mom at niyakap ako.
