51

5 0 0
                                    

At totoo na walang pakialam si Miguel sa magiging reaksiyon ng iba nang makita ng lahat na hawak niya ang kamay ko pagbalik namin.

Ako ay nakakaramdam ng takot at kaba pero dahil nasa tabi ko siya maging ang mga kaibigan namin na nakangiti lahat sa amin ay sapat na para mapakalma ko ang aking sarili.

Nasa mga mata nila ang tuwa sa nakikita nila habang papalapit kami sa kanila.

"Tama ba ang iniisip ko?" tila excited na tanong ni Czai sa amin nang makalapit kami.

Hawak ni Miggy ang kamay ko at bahagyang itinaas sabay tawa ng mahina.

"Hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya ngayon."

Nakaramdam na naman ako ng pag-iinit sa aking mga mata nang sabihin iyon ni Miggy.

Maging sina Czai ay maluha luba habang nakatitig sa amin.

"Sino ba ang nagsabi na hindi namin alam. Iyan lang naman ang matagal mo ng hinihintay." iyon ang turan ni Blake atsaka tinanguan si Miggy.

Humigpit ang hawak ni Miggy sa akin kaya kumapit ako sa braso niya para iparamdam na ganoon din ang nararamdaman ko.

"I'm so happy for the both of you. Naiiyak ako..." garalgal ang tinig na sabi ni France atsaka kumawala sa pagkakakapit kay Eli. Lumapit siya sa akin kasunod sina Czai at yumakap sa akin.

Pinakawalan ako ni Miggy at siya mismo ay lumapit kina Blake na tinutukso pa siya.

Tuwang-tuwa sila sa amin ni Miggy na tila ba sila mismo ay nararamdaman ang tuwa sa mga puso namin ni Miggy.

Hindi ko muna inisip sina Mom at Dad. Ang alam ko ngayon ay masaya ako.

Masayang-masaya ako na muling bumalik sa piling ni Miggy.

At ayoko na masira ito kahit kailan pa man.

Kaniya-kaniya kaming kwentuhan kaming mga kababaihan maging sila Miggy sa kabilang mesa.

Hindi ako uminom dahil alam ko na malalasing si Miggy dahil panay ang lagok niya sa alak na mayroon sa mesa nila.

Kaya nang lumalim na ang gabi ay nagpasya ako na tumayo na muna para maligo sandali 'tsaka ko babalikan si Miggy.

Pagkatapos kong maligo ay nagpasya ako na puntahan na si Miggy dahil nag-message sa akin si Czai na lasing na daw ito.

Pagbukas ko ng pintuan ay doon ko nakita ang isang lalake na nakasandal sa pader habang naka-krus ang mga braso sa kaniyang dibdib.

"Ang tagal." he pouted and started walking towards me.

Natawa ako atsaka siya hinintay na makalapit sa akin.

I touched his face and smiled at him.

Namumula ang mukha ni Miggy dahil sa nainom siguro niya na alak.

He's damn hot and handsome.

Ang mga namumungay niyang mga mata ay tila ba inaanyaya ako na hagkan siya at magpa-angkin sa kaniya ngayon din.

Nang hawakan niya ako sa pisngi ay ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang malambot na labi sa aking mga labi.

Nagpatianod ako nang bahagya niya akong itinulak papasok sa loob ng kwarto kasabay nito ay ang pagtulak ng pintuan gamit ang paa niya. Natawa ako sa pagitang ng halikan namin atsaka siya muling itulak pabalik.

Napasandal siya sa pintuan at natawa ng mahina. Siya mismo ang nag-lock ng pintuan atsaka ako muling hinagkan ng madiin sa mga labi.

"Let me take a shower first." he whispered and nibbled mu earlobe a little. I chuckled and embraced my arms around his neck.

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon